Chapter 58 - Falling to pieces

96 4 0
                                    

"Buntis ka no?" Pang-aakusa ni Mattie sa akin na pinandilatan ko ng mata. Biglang kumabog ang puso ko sa gulat ko.

Sinundan na naman niya ako sa restroom dahil naduduwal na naman ako. Sinusumpong na naman ang tiyan ko. Naitataon pa kasing nandito na ako sa opisina pag nagsusuka ako. Bago kasi ako lumabas ng apartment, hinihintay ko na muna at pinapakiramdaman ko ang tiyan ko kung sasakit ba o hindi. O kaya duduwal ako. Nasiguro ko kanina na parang hindi naman. Yun pala, kabaliktaran ang mangyayari.

"Hindi a." Hinugasan ko ang kamay ko sa sink at tinignan ko ang repleksyon naming dalawa sa salamin saka ko ulit ibinaba ang tingin ko sa kamay ko. Tinabihan niya ako at sumandal siya sa sink. Ginaya ko ang ginawa niya pero ang tingin ko nasa sahig na.

"Bakit hindi ka makatingin sa akin? Hindi na normal na pagsakit lang ng tiyan ang nangyayari sayo. Ang tagal na kaya niyan. Magpatingin na kaya tayo sa doctor? Baka buntis ka nga talaga." Pilit niya pa rin.

"Hindi na. Gastos lang ang pagpunta dun." Angil ko.

"Hay naku. Pumunta tayo this weekend or sa holiday na lang. Kailangan mong magpacheck up. May kakilala akong doctor doon. Pwede tayong humingi ng discount kung gusto mo."

"Hindi na nga. Magpapahinga na lang ako. Sabi ng doctor, kailangan ko daw magpahinga."

"Ano?" She bursts out. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na nagpatingin ka na pala sa doctor. Ano daw ang nakita nila sayo? Ano daw ang sakit mo?"

"Overfatigue. Nawalan ako ng malay nung huli kong punta kay Shay. Kulang sa pahinga at tulog." I skipped the pregnancy part.

"Sinasabi ko na nga ba sayo. Hindi talaga maganda sa health mo ang pagpunta-punta mo kay Caleb." Anong kinalaman nun sa kondisyon ko. "Ayan tuloy ang napala mo. Nahospital ka. Nagkasakit ka. Nawalan ka ng malay. Ngayon, kailangan mo ng bumawi ng lakas. May ibinigay ba silang gamot sayo?" Mas malala pa siya sa ina ko kung mga-aalala siya sa akin.

"Meron. Dala-dala ko."

"Inumin mo yun on time para gumaling ka na. Para handa na ulit ang katawan mo sa susunod nating out of town trip."

Heto na naman tayo. Hindi na ako makakasama pa sa kanila. Dahil sa mga darating na mga buwan, mahahalata na ang tiyan ko. Delikado sa sitwasyon ko ang paglabas-labas at pagpunta sa malayo.

Napatango na lang ako sa sinabi niya.

Minsan, feeling ko tinatamad na akong pumasok. Napapadalas ang ramdam ko ng pagkahilo at pagsusuka. Ang bigat din ng pakiramdam ko. Tapos naiinis ako bigla pag hindi ako nakakain ng gusto kong kainin. Lalo na pag wala akong mautusan. Nababagot naman akong magbyahe ng pagkalayo-layo tapos mag-isa pa ako. Kung wala lang sana akong itinatago, hindi ako maiinis ng ganito sa sarili ko.

Yung gusto ko na lang magresign, para matutukan ko ang pag-aalaga sa baby ko. Tapos tatanggapin ko na lang ang offer nina Shay at Wyna na tutulungan nila ako.

Ang iniisip ko lang, paano pag naubos na ang savings ko sa bangko, saan ako kukuha ng pera pantustos sa sarili ko at sa magiging anak ko.

Bakit ba inaalala mo ang pera? Di ba, babalikan ka ni Seb? Anong pinoproblema mo?

Ayaw ko namang maging pabigat kay Seb

Masyadong nasakop ang isip ko ng negativity kaya ganun ang naiisip ko. Mas nangyayari kasi ang negativity sa akin kesa sa positibo.

***

"Mabuti na ba ang pakiramdam mo?" Alala sa akin ni Valeen.

Group video call kaming apat. Hindi kami nagkita-kita kaninang nasa opisina kami. Si Mattie lang ang nakasabay kong kumain. Dahil nga sa malayo ang pwesto niya sa amin ni Calvin. Inihabilin pa niya ako kay Calvin na bantayan ako dahil baka mamaya niyan, magsusuka na naman daw ako. Mahilo.

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon