Chapter 37 - Campsite.

105 1 0
                                    

Mayaman sa beautiful natures ang Zambales, and became one of the greatest destination para sa akin. Ngayon ko lang napagtanto. Naging destructive man ang mount pinatubo dito noon, nag-iwan naman ng magandang kabuhayan para sa mga taong nandito. It was a hit. Lalo pa at ngayon, nakikilala na ng mga tao ang lugar. For me, Baguio meets Boracay ang mundo dito. Isasali ko na rin ang Batangas. Get that? Three places attractions in one go.

Takot man at pagkabahala ang bumabalot sayo para lang makarating sa lugar na ito, isipin mo na lang na lahat ng yun, pagsubok sa tatag ng loob mo, mawawala na lang pag narating mo na ang lugar na ito.

Just like me, sana hindi na lang ako natakot na sumakay sa bangka kanina. Sana inisip ko na lang na I only live once kaya dapat sulitin ko ang bawat minuto ng aking buhay sa mga ganitong lugar na minsan lang sa buhay ko na mapuntahan. Wala namang masama kung susubukan, kung sa una mong subok, natalo ka, hindi ibig sabihin na always ka na lang na talunan. Nasayang man ang oras sa una mong subok na walang nangyaring maganda, at least sa oras na yun may pinagkaabalahan ka. May natutunan ka pa.

Hindi mo na rin mabilang sa daliri mo ang ilang pagsubok na hindi mo na-achieved. Sa bawat segundo na dumaan sayo, may naiiwan sa isip natin. Lahat naman tayo ganun, pero may iba lang na tao na hindi iniintindi ang pagkakamali dahil sa isip nila, tama ang ginawa nila o tama sila.

Ganun din sa future, marami pa rin ang pagsubok na darating...

“Shienne.” sigaw nila sa akin. Natigil ako sa iniisip ko. Nasa lake ako, nakatingin sa tubig na kay linaw. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. It was Mattie.

Sumenyas si Matt at pinapapunta nila ako sa kanila. Nagrent sila ng isang kubo para imbakan namin ng mga dinala naming gamit and also food. Pero gagamit na kami ng tent na kasalukuyang in-a-assemble ng mga boys.

Nakakagaan ng pakiramdam ang buong lugar. Sa tubig pa nga lang, solve na ako.

Naabutan ko silang nagso-sort out ng mga pagkain namin. Bumili na kami ng mga pagkain kanina sa palengke. Kumuha rin kami ng seafoods at saka mga karne para iihaw namin mamaya. Hapon na rin, kaya hinahanda na nila ang mga makakain namin mamayang gabi. Sabi rin ni Matt, balak nilang magbonfire. Tapos bukas naman, sa dagat na ang tuloy namin at bibisitahan na rin namin ang nagsasa cove. Hindi yun kasama sa package pero humirit na kami sa mga bangkero, and again, another payment ulit ang kailangan. Hindi na kami nag-alangan pa na makihati sa bayad kasi it is also one of the best sight to see here in Zambales. Tahimik daw at saka talagang mas maganda doon kesa dito.

Nagtutusok na ng hotdog si Valeen. Si Karla naman, nag-aayos na ng mga utensils. “May maitutulong ba ako sa inyo?”

“Bahala ka na. Pero tikman mo tong nabili natin na kakanin. Ang sarap, ang tamis.” inabutan ako ni Mattie ng isang slice ng suman.

Matamis nga talaga. Two thumbs up for the suman.

Kinuha ko na lang ang mga prutas para hugasan ang mga ito. Minsan hindi ko maiwasan na hindi mapalingon sa mga boys. Kung tumawa at mag-asaran, to the highest level. Rinig na yata hanggang sa kabilang bundok.

“Ano kayang pinagtatawanan nila no? Mukhang masayang-masaya sila.” hindi lang din pala ako ang nakapansin sa mga boys, pati rin pala itong si Karla.

Tinapos namin ng kalahating oras ang lahat ng mga ginagawa namin. Pero ang mga boys, mas madami pa yata ang nagagawa ng mga bibig nila kesa sa kamay nila. Until now, hindi pa sila tapos sa pagpapatayo ng tent. Yung dalawang kaibigan ni Seb, bumubuo na ng bonfire malapit sa pagtatayuan ng tent namin, nakaharap mismo sa dagat.

We sat on a round position with our legs crossed. Nasa loob kami ng nipa hut, nagpapahangin. Iba ang pinagkakaabalahan ko, ang paglalaro. Pero sumasama rin naman ako sa usapan.

Without YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt