Chapter 44 - Never have I ever...

117 2 0
                                    

"Morning!" Jastine chirped when she see me making my way down the stairs.

Kahit sino sa amin, wala ng nagbalak na umalis pa kagabi. Spacious ang bahay na ito kaya nagkasya kaming lahat. Kaming tatlo ang magkakasama sa isang kwarto, si Heist naman at saka si Seb. Hanggang ngayon, mukhang hindi pa rin siya lumalabas. Still MIA? Sober?

Lumapit ako sa kanila at abala sila sa pag-inom ng coffee. Kumuha na lang ako ng tubig sa gilid ni Wyna. "Morning too. Ang aga niyo namang nagising." Puna ko pagkatapos ay uminom na ako ng tubig. Hindi ko naramdaman na bumangon sila sa kama.

"Tea or coffee? Ipags-serve kita. "Valerie volunteered pero umiling ako.

"No, thank you. I'm good."

"Okay. Feel free kung gusto mo. Kumuha ka na lang dun."

"Si Seb, hindi pa ba siya gising? Sina tita Joe?" Tanong ko sa kanila. Parang kami lang ang tao dito. Natutulog pa ba silang lahat? Anong oras na ba?

"Mahimbing pa rin daw ang tulog niya sabi ni Heist kanina ng umalis sila. They went bowling."

"May interest din pala si Heist sa mga ganoong outdoor activities. Para kasing ang boring laruin. T-in-othrow mo lang yung ball." Mahina kong sabi.

"Oo. Pero nakakatawa yung laruin. Lalo na pag hindi ka nakagoal." Ipinatong niya sa mesa ang phone niya. "Buti nga pumayag yun kahit matindi ang hangover niya. Kung hindi lang siya malakas kay tita hindi yun pupunta. Kung ano man ang hinihiling sa kanya ni tita, pumapayag yun agad. Kaya ayun, ginawa nilang driver." Paliwanag ni Valerie.

"Kaya pala. Napansin ko kasi kagabi na parang naglalambing siya kay tita Joe."

"Ganun talaga yun pag may gusto siya. Lagi namang pinagbibigyan ni tita. Para ngang mas close pa sila nun kesa kay Caleb." Jastine.

"Ganun? Inagahan talaga nila ha."

"Morning exercise nila yun. Gusto pa nga ni tita na isama na kami kanina but Heist reasoned out that were still sleeping. Susunod nga kami sa kanila mamaya. Depende sa mood namin baka mag window shopping na lang kami. Gusto mong sumama? You know, continuation sa kagabi." Wyna.

"Pero si Seb kasi.."

"Hayaan mo muna siyang matulog, hindi naman yan aalis dito pag hindi ka niya kasama. Ganyan talaga siya pag marami siyang naiinom, maghapong natutulog. Hindi mo pa ba alam yun?" Valerie.

"Hindi. Kasi hindi naman siya umiinom pag kasama niya ako."

"Ang bait. Sama ka na lang sa amin mamaya. I-inform ko na lang si Heist na hindi na tayo susunod sa kanila. Kaysa naman maiwan ka dito at hihintayin lang siyang magising. Mas boring yun."

"O sige. Sasama na lang ako sa inyo."

"Yun o. Hayaan mong hanapin ka niya. Iwan mo na din ang phone mo dito para mag-alala siya." Valerie winks.

"Yun ang hindi pwede. Baka may important call ako e."

"Ikaw bahala." Valerie.

Nagpalipas na muna kami ng ilang minuto sa sala bago kami nagdecide na mag-ayos. Bago ako lumabas, sinilip ko muna si Seb sa kwarto nila kung kumusta na siya, and expected na tulog pa rin siya. Maingat kong isinara ang pinto. Hindi na ako nag-abalang pumasok.

As usual, ako ang late. Ako na lang ang hinihintay nila sa labas. Si Valerie ang nagdrive, kasama ko naman sa likod si Wyna.

"Hindi na kami susunod diyan. Magsa-shopping na lang kami... kasama ko ang mga girls... sina Shienne, Wyna at saka si Jastine... Si Caleb?" Tumingin sa akin si Valerie sa rearview mirror. "Tinignan mo ba siya kanina bago ka lumabas?" Aniya sa akin.

Without YouWhere stories live. Discover now