Chapter 8

131 2 0
                                    

Isang oras akong napirmi sa kahabaan ng NLEX, dahil sa traffic kanina sa may tollgate. Ilang ulit ng tumatawag sa akin si Seb. Ilang beses ko nang hindi nasagot ang mga tawag niya kasi naitulog ko kanina. And hinahanda at inaayos ko pa yung mga gamit ko para yung bibitbit na lang ang gagawin ko pag nasa terminal na ako. Nalilito ako dahil tawag siya ng tawag. May gagawin ba siya kaya hindi na siya makapaghintay? Baka sabihin niyang mauuna na lang siya pag sinagot ko ang tawag niya. I grimaced of that thought. Hindi, sabi ko sa isip ko. Siya ang nagsabi na hihintayin niya ako.

Wala akong katabi sa loob ng bus kaya ipinatong ko yung ibang gamit ko sa katabi kong upuan. Sasagutin ko na talaga pag tatawag pa siya ulit. Inilagay ko ang phone ko sa ibabaw ng mga bag ko para marinig ko kung sakaling tatawag siya. Isusuot ko kasi yung sandals ko. Tinanggal ko kanina ng makaupo ako para maging komportable ako sa pwesto ko. Napalingon ako bigla sa phone ko kasi nagri-ring na naman. Sinagot ko na talaga this time.

"Saan ka na?" tanong niya agad sa akin. "Pupunta na akong terminal. Malapit ka na ba?"

"Oo. Malapit na."

Nakabili kaya siya ng pagkain ko? Tanungin ko kaya siya. Nakakahiya. Huwag na lang pala. Ako na lang ang bibili mamaya pag nakababa na ako ng sasakyan.

"Hintayin na lang kita dun."

"Sige."

After thirty minutes, nakarating na rin ako sa terminal. Hindi ko sigurado kung andito na ba siya o on the way pa lang. Hindi ko naman kasi alam kung saan siya nakatira dito. Pinauna ko munang bumaba yung mga nasa likod ko, crowded at saka siksikan kung bumaba ang mga tao. Akala mo parang stampede kung makapagbabaan. Ng tignan ko ang phone ko, wala siyang tawag o text man lang. Napabuntong hininga ako. Pahablot kong kinuha yung mga bag ko. Habang wala pa siya, punta muna ko sa may kanto. Bibili ng pagkain. Dumiretso ako sa may waiting area at ibinaba ang iba kong gamit.

Tinupi ko yung scarf na ginamit ko na pantakip ko kanina sa hita ko. Short shorts lang kasi ang suot ko at printed shirt. Susunduin niya ako eh.

Dalawang bag yung bitbit ko, medyo mabigat itong isa kasi puro damit at sapatos ang laman nito. May dala pa akong box ng bibingka. Wala akong ibang pagpipilian kundi dalhin ang mga ito sa pupuntahan ko. Ayaw ko namang iwanan dun baka may magnakaw pa.

Umalis ako palayo sa waiting area. Naglalakad na ako sa gilid ng kalsada at hindi pa ako nakakalayo sa may terminal ng may bumusina ng malakas sa likod ko. Akala ko masasagasaan na ako. Natigil ako sa paglalakad at liningon ito, hindi ko maaninag kung sino ang nakasakay dun. Baka nasa loob yung susunduin.

Feeling mo naman si Seb na yan. anang bahagi ng isip ko. Kontrabida talaga ever.

Maglalakad sana ulit ako ng may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Lumingon ulit ako sa likod ko. Si Seb nga ang driver ng kotse. Sinara nito ang pinto saka naglakad palapit sa akin. Ang yaman talaga niya. Ang gwapo pa. Hindi ko ata talaga siya kayang ihandle. Hinintay ko siyang makalapit.

"Pasensiya na, ngayon lang ako nakarating, heavy traffic kasi. Saan ka pupunta?"tanong niya ng mahulaan siguro nitong wala ako sa terminal at dala ko lahat ng bag ko. "Ikaw na yata ang naghintay sa akin. Tulungan na kita diyan." kinuha niya sa akin yung mabigat kong bag at naglakad na ito palapit sa kotse niya. I followed him.

"Bibili sana ako ng pagkain ko. Kumakalam na tong sikmura ko." ipinasok nito ang bag ko sa may passenger seat sa likod. Ipinatong nito ang kamay sa pinto ng kotse at hinarap ako.

"Saan ka ba bibili?"

"Sa Jollibee. Andiyan lang sa tabi o." sabi ko sabay turo sa Jollibee.

"Magdrive thru na lang tayo. Mas mabilis." nakatayo pa rin kaming dalawa sa tabi ng kotse nito. Unti-unti na nitong sinara ang pinto ng may maalala ako.

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon