Chapter 48 - Revelation

145 0 0
                                    

"Stable, unstable?" Mattie asked me when we sat at the bench.

Nasa labas kami ng Mall of Asia. Masakit na ang mga paa namin sa kaiikot. Pumipili kami kasi ng magandang gift para kay Valeen. Birthday na niya nextweek so, we need to find some memorable signatures that can she never allowed to forget. Hanggang ngayon, hindi pa namin nakikita ang mga bagay na yun. Iniisip nga namin kung alin sa mga paborito niya ang ibibigay namin.

"Can you make it clear coz I don't understand what you're talking about. I couldn't read minds, you know."

"I'm talking about you two. You and Seb. Lately, hindi yata kayo masyadong nagkikita. Did something went wrong? Or was it your fault? Or his? Or both of you?"

"Hindi. Busy lang siya sa business nila. Alam mo naman ngayon, in demand ang mga restaurant ngayon and parang nasabi pa niya sa akin na most favorable daw ng mga tao ang resto niya." I took some chips in my mouth.

"Pero hindi pa rin yun sapat na rason para ipagsawalang bahala ka niya. Why? Almost business ba ang rinarason niya sa tuwing nag-uusap kayo?"

"Wala namang kaso yun sa akin. Nagagawa pa rin naman niyang tumawag. Kumustahin ako--"

"Pero hindi na tulad ng dati na nag-uusap kayo ng pagkatagal-tagal."

Hindi agad ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa kinakain ko. Dahil sa loob-loob ko, totoo ang sinabi niya.

"Hindi ka makasagot? Dahil totoo ang sinasabi ko. Hindi naman masama kung usisain mo siya. Alamin mo yung totoo na business talaga ang pinagkakaabalahan niya. I-surprise visit mo siya. Hindi ko sinabing pagdudahan mo siya. Kasi ang mga lalaki, may kakayahan silang magsinungaling, kaya nilang magtago ng lihim. Ng hindi nila iniisip ang nararamdaman nung babae. Isip ng mga lalaki, mabilis makaisip ng paraan maiwasan lang ang bunganga ng mga babae. Wala silang pakialam sa feelings natin minsan."

"Wala naman dapat akong pagdudahan hindi ba?"

She only smiled at me. "Sa kanya mo itanong yan, hindi sa akin. Yan kasi ang hirap sa LDR. Hindi mo siya nakikita. Halos pagdududa ang nararamdaman mo. May chance na mawala ang tinatawag na spark." She said, exagerating the  last word.

"Hindi naman niya yun siguro gagawin sa akin. Ilang beses kaya siyang nangako."

"Kahit ilang beses pa siyang mangako, kung mapapako naman."

Napansin ko, sa lahat ng nagdaang araw sa buhay naming dalawa ni Seb, simula noong bumalik kami dito galing sa pagbisita namin sa mga magulang ko. Naramdaman kong may nagbago. Hindi naman malaki, nor maliit. Pero madalang ang pag-uusap namin. Tama na sa kanya yung dalawang beses sa isang linggo. Maximum na yung apat na beses sa isang linggo. Feeling ko nga minsan, parang umiiwas siya.

"Should I visit him?"

"Well, you decide. But I think you should. Ikaw naman yan e. Isa pa, nandito rin lang naman tayo. Pwede mo namang isingit. Pero may ginagawa tayo. Remember, gift?"

"Yeah. Maybe some other time na lang. I need clearer mind. Hindi dapat ako magpadalos-dalos sa mga desisyon ko. Baka magsimula na naman ng pag-aaway namin."

"Selos na ang tawag diyan."

"Right. Where our next stop?"

"We need some more internal battling here. Pag heels ang binili natin, mabilis namang masira, pag shirt, ilang beses niya lang masusuot. Ganun lang naman ang mga nabibili dito sa mall. Dapat yung talagang pak na pak. Mga bagay na.. Poster na lang kaya ni Lachowski." Sabi ko. Dahil wala na akong maisip na ibang gift.

"Do you recall when she said that she really needed to go to that place. That she wanted it."

"Yeah, I remember that she said some place. Wait. Saan na ba yun?"

Without YouWhere stories live. Discover now