Chapter 20

204 8 1
                                    

Jaehyun got back to school at kasabay noon ay nalaman na din ng mga classmates niya at maging ng ilang students ang tungkol sa sakit niya. At dahil classmates sila ni Eunha, sa kanya na din ipinagkakatiwala ni Eunbi ang kapatid.

Nilapitan ni Eunha si Jaehyun na pansamantalang nakaupo sa bleachers. "Okay ka lang?" umupo siya sa tabi nito. Pinagmasdan niya ang lalaki. Nakatingin si Jaehyun sa mga classmate niya na naglalaro ng basketball at volleyball. "Kapag gumaling ka, makakabalik ka din sa team."

Patago niyang hinawakan ang kamay ni Eunha. Malungkot man siya dahil limitado na ang kanyang dapat gawin, he still happy and thankful that there is someone like her who cares for him. Kung siya ang tatanungin, he wants to spend the rest of his life with Eunha.

"It's been a week... may balita na ba tungkol dun sa pinsan niyo?"

Jaehyun shook his head. "He changed his number but noona emailed him. Balak din niyang pumunta sa China for business meeting at baka sakaling makita niya ito doon."

"Sana siya na talaga yung ka-match mo ano?" Their hands were intertwined at mas hinigpitan ni Eunha ang pagkakahawak sa kamay nito. "Para makabalik ka na sa dati. Ayaw ko kasing makita na nalulungkot ka."

Ngumiti siya at ginulo ang buhok ng babae. Pagkaraan ng ilang minuto ay nagpaalam na muli si Eunha because she needed to participate in the game. Jaehyun felt envy. He's exempted in all hyper-activities kaya naman nasa isang tabi lamang siya at nanonood.

Ilang saglit pa'y tumayo siya at umalis nalang ng walang paalam. Dahil kada segundo ay binabalikan ng tingin ni Eunha ang lalaki, nakita niya itong naglalakad palayo. She wanted to run and follow him pero naisip niyang kaylangan ni Jaehyun na makapag-isa. Hindi man niya ramdam ang nararamdaman ng lalaki'y naiintindihan naman niya ito.

Patuloy na sinisipa ni Jaehyun ang isang bato habang siya'y naglalakad. He feels frustrated kaya naman nasipa niya ito ng malakas. But accidentally, natamaan ang isang babae na kaagad namang napahawak sa binti niya. Nagmadaling tumakbo si Jaehyun palapit sa kanya.

"You okay?" The girl looked up on him. Masama ang tingin nito kay Jaehyun pero wala kaagad din yung nawala ng makilala niya ang lalaki. Neither Jaehyun wasn't expecting to see her. "Shu-a?" ilang segundo silang nagtitigan at nang humapas ang malakas na hangin, saka lang bumalik sa katinuan si Jaehyun. "Hindi ko sinasadya yun." He defended.

The girl stood up. "It's okay.." nahihiyang sabi nito. She bowed her head while her hands on skirt.

Napansin ni Jaehyun ang kilos niya. Alam niyang hindi komportable ang babae na makita siya at ganun din ang nararamdaman niya. Gusto ng humakbang ni Jaehyun palayo pero ayaw niyang maging bastos kaya nag-isip siya ng sasabihin. "It's been a month since the school year started pero ngayon lang kita nakita."

Dahan-dahan na tumingin sa kanya ang babae. Nang magtama ang mga mata nila, kaagad niyang inilipat ang tingin sa malayo. "I barely go out from my classroom.." she answered.

Alam ni Jaehyun na walang patutunguhan ang pag-uusap nila kaya naisip din niya kaagad na magpaalam. "It's nice to see you again.." he bowed.

Hindi pa man siya nakakahakbang ay tinawag siya nito. "Uhmm.." tila nag aalangan pang magsalita ang babae. "Is it true?"

Hinarap siya ni Jaehyun. The girl startled a bit and look down again to her feet. Alam ni Jaehyun kung ano ang gusto nitong itanong sa kanya.. ang tungkol sa sakit niya. "It's true. I have aplastic anemia but I'm fine and you don't need to worry about me."

"Jaehyun.." lakas loob na tumingin ang babae sa kanya. There were worries in her eyes kaya naman tumingin si Jaehyun sa malayo. He can't look at her with those eyes. "About what happened to us.."

HandshakeWhere stories live. Discover now