Chapter 45

63 1 0
                                    

Hindi mapalagay si Wendy sa labas ng emergency area habang hinihintay ang pagdating ng ambulance. She wasn't on duty, nasa quarters siya at nagpapahinga ng makatanggap ng tawag sa emergency area.

She was expecting that Jaehyun only lost his consciousness but it was worse. Hindi niya inaasahan na makikita si Jaehyun in that kind of state where his uniform was full of blood. He was very pale too like he was a dead person.

Ipinasok kaagad si Jaehyun sa emergency area. Inilipat siya sa hospital bed. One of the staff's tore Jaehyun's uniform and the others injected some fluid, put IV set and some cable's on his chest. Jaehyun has totally lost his conciousness.

Walang magawa si Eunbi kung hindi tumayo at manood. She doesn't cry easily pero dahil sa kaba na nararamdaman, hindi na niya napigilan ang mga luha sa mata niya pero kaagad din naman niya itong pinunasan.

On duty noon si Yeri, kakadating lamang niya from laboratory. Nakita niya si Eunbi at nang lapitan niya ito, nakita niya ang kalagayan ni Jaehyun. "Oh my god.." kaagad na sambit nito. Alam niya ang health condition ni Jaehyun pero nakakagulat na makita niya ang lalaki in that kind of state. "What happened to him?"

"Hindi ko din alam.." sagot nalang ni Eunbi. Yeri comfort her.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase, sa hospital kaagad dumiretso ang magkakaibigan. He was already moved to a private room. Nandoon na si Jessica ng dumating sila. Her eyes were red and Eunha couldn't look at her. She felt guilty dahil alam niyang siya ang dahilan kung bakit ganoon ang nangyari kay Jaehyun.

Sunod na dumating si Wendy at sinabi ang mga laboratory test na ginawa nila. She told Jessica and the rest that Jaehyun was stable pero hindi ibig sabihin noon ay okay na siya. "Based from the result of the blood test, 20% nalang ang RBC count ni Jaehyun."

"Is he going to die?" tanong kaagad ni Eunbi.

"Kapag bumaba pa ang percentage ng red blood cells count niya, it's dangerous and it could lead him to death but of course we're not going to let that happen, that's why we need to find someone who's match with him that is willing to donate as soon as possible."

"You told us, it's not that easy to find a hundred percent match.." Jessica said.

"Mahirap pero kaylangan nating umasa na may makikita tayo. Please do contact your other relatives because someone from them might help us. Tatawag din ako sa blood center at sa ibang hospital, baka sakaling may alam sila na pwede nating mahingian ng tulong."

Nagpaalam na din si Wendy sa kanilang lahat. Nang makalabas ito ng kwarto. Tinanong silang lahat ni Jessica. "Kayo ang kasama ni Jaehyun araw-araw, wala ba kayong nakitang kakaiba sa kanya these past few days? All this I thought he was okay but he wasn't.."

Maayos man ang papanalita ni Jessica, natatakot pa din silang magsalita dahil alam nila ang mga nangyari at posibleng magalit ito. Kinakabahan si Jun, pero dapat niyang sabihin ang ginawa ni Jaehyun dahil sa tingin niya, yun talaga ang dahilan kung bakit nangyari yun sa kaibigan.

Huminga muna siya ng malalim at sandaling pumikit. "Miss Jung, kahapon kasi diba pumunta kami sa party ni Lucas. Saerom offered him a drink, a beer. Sinubukan ko siyang pigilan, but he insisted. Whenever I tried to tell that he isn't allow because of his health he always stop me. Kanina ka lang din nasabi sa kanila ang tungkol doon. I'm sorry."

"Hindi ko ma-gets. Kapag alam ni Jaehyun na bawal, hindi niya ginagawa. Why would he do that?"

"Kasalanan ko po.." sagot naman ni Eunha. "Nag-away po kasi kami, hindi ko din naman po alam na dadating kami sa ganitong sitwasyon, hindi ko po naisip kung ano yung mga possible niyang gawin. Sorry po talaga."

HandshakeWhere stories live. Discover now