Chapter 46

76 1 0
                                    


Hello!

Hindi ako magsasawang magpasalamat sa inyo, sa patuloy na pagbabasa at pagsuporta sa kwento ito kahit na ang update ko ay laging matagal. Hindi ko na sasabihin ang dahilan kung bakit pero sana ay hindi kayo magsawang maghintay.

There are only 3-4 chapters left. Kung hindi ko pa nababanggit, naka timeline na po ang lahat ng mangyayari at minsan tumatagal dahil nadadagdagan. I already have the ending written kaya brace yourselves dahil sa ilan pang rebelasyon.

This chapter is mostly about Yeri and Jaehyun's condition. 

**

Mabilis na inayos ni Yeri ang mga personal niyang gamit dahil pinayagan siya ni Krystal na makapag day off kahit isang araw lang. Excited siyang umuwi at matulog ng kumpletong oras.

Kahit pa sabihing kapatid siya ng may-ari ng hospital, hindi niya ginagamit yun para mapagbigyan ang gusto. Hangga't maaari ay ayaw niya sanang mag-day off dahil gusto niyang ipakita sa lahat na magaling din siya tulad ng nakatatandang kapatid pero hindi na talaga kaya ng katawan niya.

"Kain muna tayo sa labas bago ka umalis.." pag-aya sa kanya ni Sooyoung.

"Oo nga naman.." pag-sangayon ni Sungjae. "Kahit isang araw ka lang mawawala, alam kong ma-mi-miss ka nun.." ngumuso ito sa direksyon ni Jeonguk. Tumingin sa kanya ng masama ang kaibigan kaya napakamot nalang ito ng ulo.

Yeri smiled. Tumingin siya sa direksyon ni Jeonguk na alam niyang nag bi-busy-busyhan lang sa ginagawa. Gusto niya din naman makasama ang mga ito pero.. "Nagsabi na kasi ako sa daddy na uuwi ako tonight kaya sigurado akong magluluto si Mommy Minyoung." Saad niya. "Let's go together next time."

Nagpaalam na siya sa mga kasama at ganun din kay Jeonguk na ngumiti lang sa kanya. Simula ng maging okay silang dalawa, lagi na silang tinutukso ng mga kaibigan lalo na ng mga kasama nilang staff sa emergency area. Bago siya umalis, dumaan siya sa emergency area para magpaalam kay Krystal at sa head nurse.

She took a cab and went home straight from the hospital. Si Renjun lamang ang nandoon ng dumating siya. Hinanap niya ang kanyang Mommy Minyoung pero sinabi ng kapatid na umalis ito para mag grocery.

Pumunta siya sa kwarto niya at ibinagsak ang katawan sa kama. She missed her bed. Malambot din naman ang tinutulugan niya sa quarters pero iba pa din ang pakiramdam kapag nasa sariling kama. Unti-unti siyang nakaramdam ng antok at nagising na lamang ng makarinig ng katok mula sa pinto. It was Renjun, and he was telling her that the dinner is ready.

Kahit inaantok pa, bumangon siya dahil nararamdamang gutom. Nagpalit muna siya ng damit bago pumunta sa dinning. Hindi niya inaasahan na makakasama din nila si Jongin para sa gabing yun.

"Oppa.." tawag niya dito. "Ngayon na lang ulit kita nakita."

Jongin smiled. "I'm quite busy, and so you too, right?"

Dumating si Minyoung mula kusina. Umupo na din ito sa dining. "Bakit nga ba bigla kang nagpunta dito ng walang pasabi? Buti nalang nakapagluto ako ng madami kasi uuwi si Yeri."

"May gusto lang po sana akong itanong sa inyong dalawa ni Tito Chanwook pero mamaya nalang po pagkatapos kumain."

Nagsimula na silang kumain. Wala silang ibang napag-usapan kung hindi ang tungkol kay Yeri at sa trabaho niya sa hospital. Tinanong din ni Mr. Oh ang kalagayan ni Jaehyun at umaasa ang mga ito na gagaling din ang lalaki.

Matapos kumain, bumalik na ulit si Yeri sa kwarto niya pero naalala niya ang kanyang cellphone. Muli siyang bumama at pumunta ng kitchen para kunin ang cellphone sa may countertop. On her way back upstairs, narinig niya si Jongin mula sa office ng kanyang ama.

HandshakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon