Chapter 2

2.1K 74 12
                                    

Mandy's POV

"Naruto!" pagtawag ko sa kanya. Nandu'n s'ya sa may dalampasigan. Nakatanaw lang siya sa dagat at mukhang malalim ang iniisip.

"Hahaha! Naruto daw?! Hahaha!" tawa ng mga bata malapit kay Naruto.

"Hoy! Anong tinatawa-tawa n'yo d'yan?!" bulyaw ko kaya nagsitakbuhan ang mga ito.

Lumapit ako kay Naruto. "Halika. Ipapakilala kita sa mga classmates ko." hinila ko siya papuntang bahay at naabutan namin ang mga kaibigan ko.

"Hey guys! Siya nga pala 'yung ikinuwento ko sa inyo." sabi ko.

"Si Naruto!" pakilala ko sa kanila.

Nakita ko namang nagpipigil sila ng tawa at ang ilan ay napahagikhik. Anong meron?

"Ano namang nakakatawa?" kunot-noo kong tanong sa kanila.

"Tanungin mo nga s'ya kung meron pa s'yang shakara?" Natatawang sabi ng kaibigan kong si Bryan at sabay-sabay silang tumawa nang malakas.

Bumaling naman ako kay Naruto. "Naruto, pagpasensyahan mo na 'tong mga kaibigan ko ah? Minsan, may saltik talaga sila sa utak." sabi ko habang siya ay tahimik lang.

Nagulat ako nang lumapit sa'kin si Mira at bumulong. "Hoy Bes, ang pogi niya ah?"

"Oo nga!" kinikilig na sang-ayon nina Gelai at Jessa.

"Tss. Gumawa na nga tayo ng group project!" singit naman ni Justin.

Pumunta na kaming anim sa sala at gumawa na ng project. Second year college kami taking up Mass Com.

Abala ako sa pag-iisip ng gagawin namin nang may maamoy akong kakaiba.

"Mandy, may naaamoy ka ba?" takang tanong ni Mira.

Oo nga. Amoy na parang may... Nasusunog?! Mabilis naman akong tumakbo papuntang kusina.

"Hoy! Anong ginagawa mo dyan?!" nataranta naman ako nang makitang umuusok 'yung kawali! Agad akong kumuha ng pot holder tsaka inalis ang kawali sa stove at nilagay sa may lababo.

"Nagluluto ng itlog." sagot niya.

Bumaling ako sa kanya. "Ano ka ba?! Sunog na 'yung itlog mo, hindi mo pa rin pinapatay 'yung apoy! Balak mo bang sunugin ang bahay namin?!" singhal ko sa kanya.

"S-sorry..." paumanhin n'ya.

"Sa susunod, 'wag ka nang magpe-presinta na magluto, okay?!" iritado kong sabi.

Tumango naman siya at halata sa kanyang mukha ang pagka-guilty. Hindi ko s'ya pinansin at muling bumalik sa sala.

***

Gabi na kami natapos ng mga kaklase ko sa group project. Nag-text naman si Nanay na baka raw gabihin siya ng uwi dahil siya minsan ang taga-luto sa isang hacienda sa may bayan.

Hanggang ngayon naiinis parin ako kay Naruto na muntik ng masunog ang buong bahay. At dahil sa nangyari kanina, ako na ang nagluto ng chicken adobo para sa hapunan namin.

"Hmm..." para siyang bata habang nilalantakan ang adobo na parang ngayon lang siya nakakain nito.

"Si Nanay, hindi pa ba siya uuwi?" tanong niya pagkatapos lunukin ang kinain.

Aba! Nanay daw? Ano ko siya, kapatid? Tsk.

"Mamaya pa daw siya darating." sagot ko at muling kumain. Hindi na siya nagsalita. Pagkatapos naming kumain, kukunin ko na sana ang mga pinggan nang pigilan n'ya 'ko.

"Ako na'ng maghuhugas." aniya at kinuha na ang pinagkainan namin. Wala na akong nagawa dahil mukhang willing naman siyang maghugas.

Pinagmasdan ko na lang habang hinuhugasan n'ya ang mga plato. Aba! Marunong siya?

Nagulat naman ako nang biglang namatay ang ilaw at dumilim. Brown out!

Tumakbo ako kung nasaan man s'ya at napayakap agad ako nang mahawakan ko s'ya. 'Wag n'yong isipin na para-paraan lang 'to dahil takot talaga ako sa dilim.

"Bakit nakayakap ka sa'kin, Mindy?" tanong niya.

"Hoy Naruto! Mandy ang pangalan ko at hindi Mindy!" pinilit kong tatagan ang boses ko kahit ang totoo'y natatakot ako.

Maya maya lamang ay bumalik na rin ang kuryente. Hay! Salamat naman.

Nang mapagtanto ko na nakayakap pa rin pala ako kay Naruto, agad akong napalayo at tumakbo sa sala. Nakakahiya! Bakit ko siya niyakap?!

Binuksan ko na lang ang TV at nanood ng palabas na She's Dating the Gangster. Lumipas ang ilang minuto, naramdaman kong umupo sa tabi ko si Naruto. Tapos na siguro siyang maghugas. Hindi ko na lang siya pinansin at nanatiling nakatutok sa palabas hanggang sa natapos na 'yung movie.

Grabe, nakakaiyak naman 'yung ending. Sinulyapan ko naman si Naruto na tahimik lang, ni wala man lang reaksyon sa pinanood namin.

***

Third Person's POV

"Wala na ang leader ng Light Shield na si Xander. Sa wakas, nakapaghiganti na rin ako sa pamilya niya." masayang sabi ng leader ng isang gang.

"Eh paano kung buhay pa 'yun?" tanong ng kasamahan niya.

"Kinain na 'yun ng pating." sagot naman ng leader.

"Hahaha!" sabay-sabay silang nagpahalakhak sa naisip nilang sinapit ng taong nagngangalang Xander.

***

to be continued...

Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now