Chapter 25

684 24 2
                                    

"Anak, bilisan mo na. Naghihintay na sa'yo si Naruto!" sigaw ni Nanay mula sa sala habang nagbibihis ako.

Pagkabihis ko ng uniform ay naglagay naman ako ng lipgloss at konting powder sa mukha.

"Nay, alis na po ako!" paalam ko.

Paglabas ko ng apartment habang nagsusuklay ng basa kong buhok ay natanaw ko na siyang nakasandal sa kanyang motor at nakapamulsa. Naka-uniform siyang white polo at black pants. Inalis niya naman ang kanyang shades.

"Good morning, babe!" nakangiting bati niya.

"Babe?" gulat kong tanong.

"Oo. Simula ngayon, 'yan na ang endearment natin." aniya.

"Ayoko nga! Ang baduy kaya." tanggi ko.

"Basta babe ang tawagan natin." pamimilit niya.

"Halika na nga, male-late na tayo!" sambit ko. Ayaw ko na makipagdiskusyon sa kanya. Umangkas na kami ng motor at isinuot na namin ang helmet.

"Kumapit ka, babe!" kinuha niya naman ang kamay ko at pinulupot sa katawan niya kaya naramdaman ko ang matigas niyang dibdib.

Hindi na ako umangal pa kase late na kami— kaya 'wag kayong anu d'yan. Makalipas ang ilang minuto na parang lumilipad kami sa ere ay narating na namin ang school. Hinawakan niya naman ang kamay ko pero bumitaw ako dahil nahihiya ako.

"'Di ba 'yan ang ginagawa ng mag-boyfriend-girlfri­end? Ang mag-holding-hands-while-walking?" sambit niya.

Muli niyang hinawakan ang kamay ko pagpasok ng campus. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga babae at kung magtaas sila ng kilay sa'kin, wagas na wagas! At ang iba naman parang multo kami kung tingnan.

"Geh, kita na lang tayo mamaya." paalam niya.

Umupo na ako at kinuha ko ang notebook ko.

"'Di ba boyfriend n'ya si Hiro? Eh ba't kasama n'ya ngayon si Papa Xander?" rinig kong bulong ng babae kong kaklase sa aking likuran.

"Ewan! Baka hiwalay na sila ni Hiro at ngayon naman, nilalandi niya si Xander." sagot nu'ng isang babae.

Huminga na lang ako nang malalim.

'Kalma, Mandy, kalma.' kumbinsi ko sa'king sarili.

Nang matapos ang isang oras naming klase sa Communication ay dumiretso na ako sa next subject kung saan classmate ko si Xander.

"Hi, Mandy!" bati sa'kin ni Demi saka umupo na siya sa tabi ko.

"Hulaan ko kung sino ang pinili mo." aniya. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya ang nangyari kahapon.

"Si Hiro?" bulong niya.

"Hindi." tipid kong sagot pero alam kong nanlaki ang mga mata niya sa sagot ko.

"Si Xander?!" gulat niyang tanong at tumango naman ako.

Napansin ko naman si Xander na napasulyap sa'kin. Napatingin naman ako kay Demi na ngayon ay sobrang laki na ng mga mata.

"Oh my ghad!" usal niya.

***

Nang matapos na ang klase ay hindi na sumama si Demi sa'min ni Xander dahil baka daw panira siya ng moment. Kaya heto, kami lang dalawa ni Xander ang papunta sa cafeteria na magka-holding-hands.

"Mga brad. Girlfriend ko nga pala. Si Mandy." pakilala niya sa'kin sa mga kaibigan niya. Grabe, nahihiya na talaga ako kase naman, kung makatingin ang apat na lalake na 'to, iba!

"S'ya si Hokage Vince, Niel, Miko, at Harry!" pakilala niya sa'kin.

Hokage? Mga ninja ba sila?

"In fairness bro, ang ganda ng girlfriend mo." sambit nu'ng Niel.

Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now