Chapter 16

777 31 1
                                    


Akala ko pa naman naalala na n'ya 'ko. Pero walang sukuan, Mandy. Maaalala ka rin n'ya someday.

'Wag mainip. Focus ka lang muna sa pag-aaral mo.' kumbinsi ko sa aking sarili.

Saktong pagpasok ko sa classroom, siya agad ang nakita ko. Ni hindi niya man lang ako sinusulyapan. Napabuga na lang ako ng hangin at umupo.

Prenteng nakaupo lang siya habang kausap ang mga kaibigan niya. Ang iingay nila dahil wala pa ang aming professor. Puro sila tawanan at kuwentuhan nang biglang...

"Hi Xander. Para s-sa'yo nga pala." bati ng isa sa classmate kong babae sabay abot ng dala nitong ice-cream pero hindi iyon tinanggap ni Xander at inismiran n'ya pa 'yung babae.

Haist! Bakit gan'yan s'ya? Ang layo-layo niya sa Naruto'ng nakilala ko. Na-miss ko na naman tuloy ang dating siya.

Napahiya ang classmate naming babae at bigong umupo sa upuan nito. Saktong pumasok ang prof. namin, pumunta na sa unahan, at nagsimulang magturo.

Nang matapos ang isang oras ng klase, hindi muna ako lumabas. Nagbabasa lang ako dito sa loob ng classroom nang may lumapit sa'kin.

"Hi! Ako nga pala si Demi." pakilala ng classmate ko.

"Mandy." pakilala ko rin.

"Pwede ba tayong maging friends?" tanong niya.

"Sige ba." sagot ko at inilahad ko na ang aking kamay.

'Hay! Salamat naman at meron na akong kaibigan rito.'

Niyaya niya naman akong kumain sa cafeteria at pumayag narin akong sumama sa kanya.

Pagpasok pa lang namin ng cafeteria ay nabasa ko agad ang nasa tarpaulin na ang nakalagay ay 'Welcome Back Xander!'

Aba, may fans club.

Um-order na kami ni demi ng makakain namin at pagkatapos ay umupo sa isang bakanteng table.

"Ang pogi n'ya, 'no?" kinikilig na sabi ni Demi pagkaupo namin.

"Sino?" kunot-noo kong tanong.

"Si Xander!" aniya.

"Alam mo ba na nalungkot ang mga fangirls ni Xander sa pagkawala niya?"

"Uhm, bakit naman?" tanong ko.

"Kase akala ng lahat, patay na si Xander." aniya sabay tingin kami sa gawi ni Xander.

May lumapit sa kanyang babae at niyakap si Naaruto. Sumikip bigla ang dibdib ko sa nakita ko.

"Sino siya?" turo ko sa babaeng yumakap kay Xander.

"Xander's fiancée!" walang ganang sagot ni Demi.

Fiancée?

Parang may luhang nagbabadyang pumatak sa mga mata ko pero pinipigilan kong hindi maiyak. Huminga na lang ako nang malalim.

"L-late na yata ako sa next subject ko." sabi ko habang minamadaling kainin ang burger na in-order ko kanina.

"Sige. Kita na lang tayo later." aniya.

Nagmadali naman akong lumabas ng cafeteria at punta sa classroom. Ako pa lang pala ang tao dito.

Napaupo ako at napayuko na lang sa upuan. Hindi ko na napigilang umiyak. Parang nadudurog ang puso ko. Ang sakit-sakit. May pakakasalan na pala siya.

Ano pa'ng ginagawa ko dito sa Maynila kung may mahal na pala siyang iba? Imposible na yatang maalala niya pa ako.

'Di ko na namalayang may mga estudyanteng nagsisidatingan. Nagpunas ako ng aking mga luha at bumuntong hininga. Napansin yata ako ng isang classmate ko at tumabi sa'kin.

"Miss, may problema ba?" tanong nitong lalake. Ang tsismoso naman ng lalakeng 'to, baka siya pa ang mapagbuntungan ko ng lungkot.

"Ah, wala." sagot ko.

"Ako nga pala si Jerwin. Ikaw?"

"Mandy." pakilala ko.

"Nice name." tugon niya.

Sakto namang dumating ang prof. namin sa World Literature.

Nag-focus na lang muna ako sa pagtuturo ng professor at iniwaglit kung ano man ang nararamdaman ko.

"Okay, class dismiss!" paalam ng professor pagkatapos nitong magturo.

Nagkita naman kami ni Demi nang sumapit ang lunch break at kumain kami sa labas nitong university.

"May nagustuhan ka na ba sa campus?" tanong niya sabay subo ng kinakain niya.

"Ah, wala." sagot ko.

"Parang malungkot ka ah? May problema ba?" tanong niya nang mapansing wala akong ganang magsalita at kumain.

"Wala naman." sagot ko sabay ngiti nang pilit sa kanya. Mukha namang naniwala s'yq dahil nagtuloy s'ya sa pagsubo ng kinakain niya.

***

Nang uwian na ng hapon, pumunta ako dito sa park. May mga batang masayang naglalaro at may iba namang magjowa'ng nagde-date.

Napaupo nalang ako dito sa swing at pinagmasdan ang paligid at ang sunset. Na-miss ko tuloy ang sunset sa dagat na kulay yellow orange at mga ibon na nagsisiliparan doon.

Nasagi na naman sa isip ko ang nalaman ko kanina na may fiancée na pala si Naruto.

'Eh ano pa'ng ginagawa mo dito kung may mahal na pala siyang iba?' tanong ng isang panig sa aking isipan.

'Syempre mag-aaral.' sagot ko rito.

Napatawa na lang ako sa aking isip. Para na akong baliw dahil nakikipag-usap ako sa sarili ko.

'Di ko na namalayang gabi na pala kung hindi ko pa napansing madilim na ang langit.

Nagpasya na akong umuwi. Pero nagulat na lang ako nang may humarang sa'king tatlong lalake. Hindi ko magawang tumakbo dahil may hawak ang isa sa kanila ng kutsilyo.

Déjà vu!

"P-please 'w-wag niyo po akong s-sasaktan..." pagmamakaawa ko.

"Sumama ka sa'min. Siguradong nag-e-enjoy ka sa gagawin namin sa'yo." nakangising sabi ng isang lalake at nagtawanan silang tatlo.

Hinawakan naman ako ng isang lalake sa braso. Sisigaw sana ako ng tulong ngunit tinakpan nito ng kamay ang bibig ko. Wala na akong nagawa nang kinaladkad nila ako habang nakatutok sa akin ang matalim na kutsilyo.

'Panginoon, tulungan n'yo po—'

Naramdaman kong may humila sa akin. Inimulat ko ang aking mga mata at nagulat ako nang makita si Xander. May pag-alala sa mga mata n'ya habang nakatingin sa akin. Pero agad s'yang lumingon sa tatlong lalake at nagsimulang sumugod.

Sobrang bilis ng mga pangyayari. 'Di ko namalayang nakabulagta na pala ang tatlong lalake. At kahit madilim ang paligid, alam kong siya ang nagligtas sa'kin noon at ngayon.

"Halika na!" hinila niya na ako papalayo sa lugar na 'yon.

Parang nakuryente naman ang kamay ko nang hawakan niya ito. Huminto kami sa pagtakbo nang medyo nasa matao na kaming lugar.

"Ikaw!" gulat niyang sabi nang makita ako.

"Nar— X-Xander!"

"Naalala kita, ikaw 'yung baliw na yumakap sa'kin." duro niya.

'Yan lang ba ang naalala nya sa'kin. Na ako 'yung baliw na yumakap sa kanya?

"Pasalamat ka't nandu'n ako sa park na tinatambayan ko." pagmamayabang niya.

"S-salamat." sabi ko.

"'Di ba magkaklase tayo sa... anu nga ba 'yun?"

"Sa Advertising." sagot ko.

"Ah, oo. Sige, mag-iingat ka ah?" sabi niya at tinalikuran na ako.

"Bye Baliw!" kaway niya habang nakatalikod.

"Mandy ang pangalan ko, hindi Baliw!" sigaw ko.

"Okay. Bye Sunday!" paalam niya at umangkas na sa kanyang motor.

Ano raw? Sunday?

***

to be continued...

Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now