Xander's POV
Sa pagmulat ng aking mga mata ay puting kisame agad ang bumungad sa'kin. Nasa'n ako?
Napansin ko na nasa hospital pala ako dahil may nakakabit na dextrose sa kamay ko.
Bumangon ako habang hawak-hawak ang aking ulo dahil parang binibiyak ito sa sobrang sakit. Nahihilo ako at parang lumilindol ang paligid.
"Mom!" sigaw ko ngunit walang sumasagot hanggang sa kumirot na naman ulit ang ulo ko. Naririnig kong papalapit sila sa'kin at papatayin nila ako.
Nag-flashback sa aking isipan ang kaaway naming gang. Kung paano nila ako pinahirapan at inihulog sa tubig.
Napatayo ako at tinanggal agad ang nakakabit sa'kin na dextrose. Naghanap ako ng pwedeng labasan dito sa kwarto. Paparating na sila. Naririnig ko na ang mga yabag nila. Binuksan ko ang bintana nitong kwarto at nagmadali akong lumabas.
Habol ko ang aking hininga sa pagtakbo ko papalayo. Na-trauma na ako noon dahil nasunog ang hospital kung saan naka-admit si Dad at isa na ako sa nakasaksi ng malawakang sunog na 'yun. Suffocation ang ikinamatay ni dad at ako naman ay nailigtas nu'ng bombero. Kaya ayoko na nasa loob ako ng hospital.
'Di ko alam kung gaano na ako katagal tumatakbo. Namalayan ko na lang nandito na ako sa subdivision. Sa pag-doorbell ko, agad naman itong binuksan ni Manang Lilia, kasambahay namin. Parang nakakita siya ng multo pagkakita sa'kin saka napatakip siya ng bibig niya.
"S-Sir X-Xander?" nauutal niyang sabi. "Halika Sir, pasok ka!" aya niya.
Pumasok na ako ng bahay. Nagmadali naman siyang kumuha ng telepono at tinawagan si Mommy. Pautal-utal pa siya habang kausap si Mommy sa telepono.
"Sir Xander! Masaya ako na buhay ka!" hindi niya makapaniwalang sabi.
Makalipas ang ilang minuto, nakita ko na si Mommy na umiiyak matapos akong makita. Siguro inakala nilang patay na ako.
"Anak!" nilapitan ako at niyakap nang mahigpit.
"A-anak, akala namin wala ka na!" naiiyak niyang sabi habang hinahaplos ang aking mukha. Napahilot na naman ako sa'king sentido nang maramdaman ko ulit ang kirot.
"Ayos ka lang ba, anak?" nag-aalalang tanong ni Mommy. Napansin n'ya ata ang biglang paghigpit ng aking pagyakap sa kanya.
"O-opo."
***
Makalipas ang ilang linggo, isinumbong ko agad sa mga awtoridad ang tangkang pagpatay nila Fredo sa'kin.
Nabalitaan ko nalang na nahuli na raw ng mga pulis ang leader ng Darkknight na si Fredo pero ang mga tauhan nito ay nakatakas.
Sabi sa'kin ni Mommy, halos dalawang buwan na raw akong nawawala. Nagtaka naman ako dahil nagising ako sa hospital. Ibig sabihin, may nagligtas sa'kin sa pagkakalunod ko. Pinipilit kong alalahanin kung sino ang nagligtas sa'kin ngunit wala talaga akong maalala.
Isang gabi, nanaginip ako na may kasama akong babae at yakap-yakap ko siya. Hindi ko maaninag ang mukha niya.
Sino kaya 'yun? Imposible naman na si Amina dahil mahaba ang buhok nu'ng babae.
***
"X-Xander?!" gulat na tawag ni Amina matapos akong makita. Niyakap niya pa ako habang umiiyak.
"Akala ko wala ka na!" alala niyang sabi.
"Ako kaya si Xander the Great!" pagmamalaki ko. Kahit pinagtangkaan akong patayin, heto ako ngayon, buhay na buhay.
"Ang dadaya nila! Hindi sila patas makipaglaban!" galit na sambit ni Amina.
"Sila ang mga duwag!" dugtong ko.
"BRO!" bungad na bati ng apat pagpasok ng bahay ko at nag-bro fist kami.
"Sabi na nga ba eh! Ang masamang damo, matagal mamatay." sabi ni Harry.
"Akala ko inuuod ka na!" sambit naman Miko.
"Welcome back, Xander the Great!" masayang sabi ni Vince.
"Paano ba 'yan? Kumpleto na ang Light Shield!" masayang tugon naman ni Niel.
Pagkatapos ng kwentuhan namin ay dumiretso kami sa bar at sumama si Amina na fiancée ko. Naka-fix na marriage namin when we reach the age of 21.
Inaamin ko, dalawang taon na kaming magkakilala pero wala pa rin akong nararamdaman para sa kanya. Parang kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Samantalang siya, mahal niya na raw ako.
Ewan ko pero ngayon, parang ayoko na lang ikasal sa kanya dahil pakiramdam ko, may nagmamay-ari nang iba sa puso ko.
***
"Pambihira naman oh! Naambunan ka lang, buhay ka na agad." bungad sa'kin ni Fredo dito sa kulungan.
"Paano ba 'yan, uhay parin ako? Buhay pa rin si Xander the Great." nakangisi kong sabi sa kanya. Isang tingin ko lang sa kanya, kumukulo na agad ang dugo ko. Ako ang sinisisi niya sa pagbagsak ng kompanya nila at ang pagpapakamatay ng papa niya.
"Kahit nakakulong ako rito, hindi pa rin ako titigil hangga't 'di kita napapatay, hayup ka!" galit niyang sabi at napailing na lang ako sa sinabi n'ya.
"'Wag mo kaming sisihin kung bumagsak ang kompanya n'yo! Wala kaming kasalanan." bwelta ko at tinalikuran siya dahil hindi ko na masikmura ang galit na pagmumukha niya.
***
Nu'ng pasukan na, sinalubong agad ako ng mga babae na may dalang banner na 'Welcome Back Xander!'.
Nang uwian na, tumambay muna ako sa paborito kong park malapit sa school para magmuni-muni. Gabi na nang magising ako. 'Di ko na namalayan na nakatulog pala ako dito sa ilalim ng puno.
Nakarinig ako ng ingay kaya hinanap ko iyon. Naninag ko'ng babae na pinagtitripan ng mga tambay. Agad akong lumapit at pinagsusuntok ko ang tatlong lalake.
Mga wala pala 'tong binatbat sa'kin eh! Tsk. Mga lampang rapist. Hinila ko naman ang babae papalayo dito sa park.
"Pasalamat ka't nandu'n ako sa park na tinatambayan ko." sabi ko sa dito sa babae.
"S-salamat." sabi niya. Napansin kong panay ang titig n'ya sa'kin.
Parang namumukhaan ko siya. At nakumpira ko nga ang aking hinala. Siya nga 'yung muntik ko nang mabangga na yumakap sa'kin habang umiiyak at kaklase ko rin sa isang subject.
Nagpaalam na ako sa kanya at umangkas na ako sa aking motor. Nang makalayo na ako, naalala ko naman 'yung babae. Baka balikan 'yun ng mga tambay. Muli akong bumalik kung saan ko siya iniwan. Nakita ko naman agad siya na naghihintay ng masasakyan.
"Halika na. Hatid na kita sa inyo." aya ko.
Parang natulala pa siya nang makita ako pero sumunod din siya at umangkas sa motor ko. Parang may kakaiba akong naramdaman sa kanya.
Hindi ko maintidihan ang sarili ko. Bakit parang matagal ko na siyang kilala?
***
to be continued...