"Sasuke!"
Sigaw ko sakanya. Nakaupo siya sa buhanginan na mukhang malalim ang iniisip.
Lumapit naman siya samin dito sa cottage at nakangiting tumingin sa mga kaibigan ko na si Mira, Gelai, at Jessa. Ikinuwento ko narin sa kanila ang pagkupkop namin ni Nanay sa kanya.
"Ang gwapo niya bes." bulong ni Jessa.
"Oo nga." pagsang ayon naman ni Mira.
"Bakit Sasuke ang pinangalan mo sakanya?" takang tanong ni Gelai.
"Eh wala akong maisip na ipangalan sakanya, kaya ayun, may koneksyon kay Naruto." sagot ko.
"Sa tingin ko bes, siya ang grim reaper mo." sambit ni Mira.
Napangiwi nalang ako sakanya. di matapos-tapos ang ka-addictan niya sa k-drama na 'yan tss.
"Kung siya ang grim reaper, edi mamamatay na si Mandy, ganern." giit ni Jessa at humagalpak naman sila ng tawa.
Di ako tumawa. Di naman nakakatawa eh.
Ipinakilala ko na si Sasuke at nakipagkamay na sa mga kaibigan ko. Graduate na rin ang mga kaibigan ko ng college.
"Kumusta naman bes si Naruto? Kailan ang uwi niya? tanong ni Jessa.
"Ang sabi niya malapit na daw siyang umuwi." sagot ko.
"Yiieh...excited na ako sa kasal niyo." ani Gelai.
"Maganda sana kung dito kayo ikasal." sabi naman ni Mira.
"Di pa naman namin napaguusapan kung beach wedding." sagot ko.
Nang matapos na kaming magkwentuhan ay umalis na sila dahil may mga trabaho pa sila.
**
"May naaalala ka na ba hijo ng kahit konti?" tanong ni nanay.
Umiling naman sakanya si Sasuke. "Wala pa po."
Hanggang ngayon nagtataka parin ako kung bakit wala rin siyang maalala, halos parehong-pareho sila ng sitwasyon noon ni naruto. Babalik na kami ni Nanay sa Maynila sa susunod na linggo at hindi pa namin napag-uusapan kung isasama ba namin siya o hindi.
"Maligo tayo, Mandy." anyaya ni Sasuke at umiling naman ako.
"Ayoko, nilalamig ako."sabi ko.
"Sige na." pamimilit niya.
"Ayoko nga sabe, ang kulit!" asik ko.
Ngumuso naman siyang pumunta mag isa sa dagat.
Naupo nalang ako sa baybayin at pinagmasdan ang paglubog ng araw at iniisip yung magiging wedding vow ko kay Naruto kapag nasa harap na kami ng altar.
"MANDY!!!"
Napapitlag ako sa narinig kong sigaw ni Sasuke.
Natanaw ko siya sa malayo na kumakaway sa'kin pero habang tumatagal ay lumulubog ang kamay niya.
Napalangoy naman agad ako palapit sa kanya sa malalim na dagat.
Ba't kase siya pumunta doon sa malalim? Mataas pa naman ang alon. Mabilis akong lumangoy papalapit sa kanya. Nakita ko naman siyang lumubog. Huminga ako ng malalim at sumisid sa tubig. Nakita kong wala na siyang malay sa ilalim ng tubig. Hinila ko ang kamay niya at inihaon siya.
"Sasuke!" alalang sabi ko habang tinatapik ko ang pisngi niya. Maputla na ang labi niya. Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at mahina ang pintig nito.
Nang maidala ko si Sasuke sa may tabing dagat na walang malay, sumigaw ako ng tulong.
Agad ko siyang ni-CPR.
"Gumising ka Sasuke!" alalang sabi ko.
Nilapit ko ang tainga ko sa bibig niya at kinabahan naman akong di na siya humihinga.
'My God!'
Pinisil ko ang ilong niya saka huminga ng malalim. At nilapat ko agad ang bibig ko sa bibig niya para bigyan siya ng hangin.
Nang matapos ko siyang ni-mouth to mouth ay bigla nalang siyang naubo ng tubig. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nailigtas ko siya.
Habol habol ang kanyang hininga at nagtatakang tumingin sa akin.
"Hi-hinalikan mo ako?" tanong niya.
Aba't!
"Hoy, hindi kita hinalikan binigyan lang kita ng hangin." asik ko.
Ngumisi naman siya.
"Ang sarap palang malunod." nakangiting aso na sabi niya at nang dahil dun hinampas ko siya.
"A-aray aray tama na." daing niya.
"Ang sarap pala ng lips mo. Swerte naman ni Naruto." aniya.
"Tse! pinabayaan nalang sana kita." asik ko at padabog na tinalikuran ko siya.
"Salamat ah, niligtas mo 'ko." rinig kong sabi niya.
Tsk..
To be continued....