Chapter XIV

379 11 0
                                    



Ilang araw ang nagdaan at magkakaroon ang kompanya ng unveiling party. Kasalukuyan akong nakasuot ng simple yellow dress. Nagmake up lang din ako ng light.

"Wow, you're so adorable." namamanghang sabi ni Yohan.

"Tsk bolero." singhal ko.

"Kahit nga di ka na magmake up, maganda kana." aniya. Ngumiwi nalang ako.

Hinatid niya naman ako sa hotel na pagdadausan ng party. Pagpasok ko palang ng hall, bigla akong nakaramdam ng hiya. Ang daming mga negosyante. Halos lahat nakaformal attire. Iginala ko ang aking paningin upang hanapin ang mga officemate ko at nakita ko sila sa gilid na naguusap-usap. Agad naman akong lumapit at nakipagbatian sa kanila. Habang nagkakatuwaan kami, nahagip ng mga mata ko si Xander kasama si ma'am Hannah na binabati ang mga kapwa negosyante.

"Ang gwapo ni sir Xander." sabi ni Gemma.

"At ang ganda ni ma'am Hannah." sabi naman ni Daryl na officemate ko.

"Bagay na bagay talaga sila, parang mga hollywood couple." tugon ni Liza.

Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko sa narinig.

Oo nga naman, bagay talaga sila. Bumuntong-hininga ako para gumaan ang pakiramdam ko, parang ang bigat ng dibdib ko. Ano bang nangyayari sakin?

Di nagtagal ay nagsimula na ang party. Nakita ko pa si Ms Anastacia na nasa kabilang table. Napaka-elegante ng suot niya.

Habang nakikinig ako sa nagsasalita sa stage na si mr. Buenavista na ama ni ma'am Hannah, kita ko sa gilid ng aking mga mata si Xander na nakatingin na saakin. Patay malisya nalang ako sakanya. Hanggang sa tinawag na sila ni mr.Buenavista na natawa sakanyang sinabi.

"May I call on the hottest couple of the night."

Nagtawanan din ang lahat ng nandito at nagpalakpakan. Umakyat sila sa stage na magkaholding hands and they smiling each other. Para akong sinampal ng reyalidad. Heto ba ang gusto ni Xander? balak niya akong maging kabit at ipaglalaban niya na daw ako.

Inalis nila ang telang nakatakip sa isang bagay at namangha ang lahat sa bagay na iyon. Isang bote na kulay ginto na ang brandname ay Infinity wine.

Ang sosyal naman.

Pinaliwanag naman ni ma'am Hannah ang paggawa sa infinity wine. Ang ganda niya sa suot niyang black dress. Nakaka-intimidate siyang tingnan, very classy. Nahagip naman ng mga mata ko si Xander na nakatingin sakin. Ngumiti siya nang tumingin ako sakanya. Aba't!

Nagpalakpakan ulit ang mga bisita nang matapos na sa pananalita si ma'am Hannah. At pagkatapos ay nagtoast kami ng aming mga hawak na wine.

Napalingon ang lahat sa malaking projector na nasa stage. Laking gulat ko ang um-appear doon. Picture namin ni Xander na magkasama at magkayakap pa. Parang tinambol ang dibdib ko. Halos lahat ay napalingon sa gawi ko. Maging mga officemate ko ay gulat na gulat sa nakikita. Hanggang sa namalayan ko nalang na may mabigat na palad ang humampas sa pisngi ko at hinila ang buhok ko.

"Malandi kang babae ka!"

Nakita ko ang babaeng nanakit sakin, ang mama ni ms.Hannah. Inaawat siya ng kanyang asawa. Tuluyan ng umagos ang luha ko. Sobra na akong nasasaktan sa nangyayari. Naramdaman ko nalang na may humigit sa braso ko. Si Xander.

"How did you do this to my daughter?" galit na sabi ni mr. Fred.

Umiling nalang ako habang umiiyak sa harapan nila. Hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko.

"Dahil mahal ko ang babaeng 'to, noon pa!" agad na sagot ni Xander.

Lumipad ang kamao ni mr. Fred sa mukha ni Xander. Napasigaw naman ang lahat sa nangyari. Kusa nalang gumalaw ang mga paa ko at tumakbo palabas ng hall.

Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now