Chapter 1

5K 109 9
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Plagiarism is a Crime!

This is one of my old story. Pagpasensyahan niyo na ang mga kabaliwan ko sa istoryang ito, and sorry for the wrong grammar you may encounter in this story.


A/N: Thank you for proofreading this story zarinaperez


****

Chapter 1

Mandy's POV

"Mandy!" tawag ni Nanay kaya napatakbo ako papunta sa tabing-dagat.

"Bakit 'Nay... S-sino 'yan?" turo ko sa nakahandusay na lalakeng walang malay at walang pang-itaas.

"Buhay pa siya!" gulat na sabi ni Nanay habang hawak ang pulsuhan nito.

Ang dami niyang pasa sa mukha at mga sugat sa katawan. Binuhat namin ang lalake at dinala sa bahay.

Grabe. Ang bigat naman nito.

"Baka isa siyang kriminal na tumakas o kaya naman may malaking siyang kasalanan kaya pinahirapan at itinapon sa dagat, 'Nay." pagsususpetsa ko sa lalake matapos namin siyang ihiga sa kama.

"Hintayin nalang natin siyang magising." aniya.

"Oh s'ya! Pupuntahan ko lang si Mang Gener na manggagamot." paalam ni Nanay at lumabas na ng bahay.

Pinagmasdan ko ulit ang mukha ng lalake na kahit maraming pasa ay gwapo pa rin. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya na may 6 pack abs. Napalunok naman ako matapos kong makita ang maganda niyang katawan.

Napalayo ako sa gulat nang bigla siyang umubo ng tubig. My Ghad! Gising na siya!

Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata at nagulat pa siya nang makita ang kagandahan ko.

Luminga-linga siya sa paligid na parang nalilito at dahan-dahang naupo.

"N-nasa'n a-ako? Sino ka?" takang tanong niya.

"Nakita ka namin doon sa may dalampasigan na walang malay." sagot ko.

"Ba't ka ba sugatan? May mga nakaaway ka ba? O lumubog 'yung sinasakyan mong barko?" dagdag ko pa.

Bakas sa kanyang mukha na naguguluhan siya.

""D-di ko alam." kunot-noo niyang sagot.

"'Wag mong sabihin na pati pangalan mo 'di mo alam?" nagtataka kong tanong.

"W-wala akong maalala." aniya sabay hawak sa kanyang ulo.

"Ha?" gulat ko saad. Wala siyang maalala? Baka may amnesia ang lalakeng 'to.

"Oh! Gising na pala s'ya!" gulat na sabi ni Nanay pagpasok ng bahay at nasa tabi niya si Mang Gener.

"'Nay, wala daw siyang maalala." sabi ko.

"Wala ka ba talagang maalala, iho?" tanong ni Mang Gener.

"Wala po akong maalala kahit na pangalan ko." malungkot n'yang saad at bumuntong-hininga.

***

"Dito muna siya sa'tin pansamantalang titira hanggang sa makaalala siya." sabi ni Nanay.

Nakatanaw lang kami sa lalake na tulalang pinagmamasdan ang dagat pagkatapos siyang gamutin ni Mang Gener.

"Hoy, kakain na tayo!" tawag ko sa kanya. Napalingon s'ya sa'min at pumasok siya agad ng bahay.

"Iho, heto nga pala ang mga damit mo." abot ni nanay sa mga lumang damit at tsinelas ni Papa.

"Salamat po." tugon niya.

Pumunta siya sa banyo para isuot ang damit na binigay ni Nanay. Natawa naman kami ni Nanay pagkalabas niya ng banyo dahil maluwag sa kanya ang t-shirt at pantalon ni Papa. Nagkasya lang ata sa kanya ay 'yung tsinelas. Teka... baka pati brief ni papa ay maluwag sa kanya? Haha! Napatawa na lang ako sa naisip ko.

"Mandy, iho, mamalengke lang ako ah?" paalam ni Nanay at lumabas na ng bahay.

"Hoy! Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko nang makita ko siyang nakahawak sa kanyang ulo.

"Arrgh!" sigaw niya na parang nahihirapan.

Naaawa naman ako sa kanya. Siguro, pinipilit niyang bumalik ang kanyang mga alaala.

At napansin ko na tinitingnan niya pala ang cover sa notebook ko na si Naruto.

'Wag niyang sabihin na may kaugnayan sa kanya si Naruto?

Aha! Alam ko na!

"Simula ngayon tatawagin na kitang Naruto." natutuwang pahayag ko sa kanya.

"Naruto?" kunot-noo niyang tanong.

"Yup!"

***

to be continued...

Thank you for reading!😊

Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now