Chapter 27

594 25 2
                                    

"Totoo ba, Mandy? Ikaw ang magre-represent sa MassCom Department?" takang tanong ni Demi at tumango na lang ako.

"Myghad! I believe in you. Mapapasa'yo ang titulong Miss Campus." kumpyansa niyang sabi. Sinabi ko na rin kay Xander na sasali ako at 'yun, sumang-ayon siya pero parang napilitan lang. Supportive boyfriend s'ya 'no!

Eto ang pangatlong beses kong pagsali sa isang beauty pageant. 'Yung una sa baranggay namin, hindi ako. 'Yung pangalawa nu'ng highschool, hindi rin ako nanalo. Pero sports lang ako kahit matalo.

Nang matapos ang klase ay dumiretso na kami ng cafeteria ni Xander. Nakakapanibago nga dahil hindi ko na nakakasalong kumain si Demi dahil ang mga nakakasama ko ay ang buong tropa ni Xander at dalawang beses ko nang nakasama si Amina dito.

"Hi guys!" speaking of the devil, sumulpot nanaman siya at umupo sa tabi ni Xander. Bale pinapagitnaan namin ang boyfriend KO.

"Guys! Representative ako ng department natin." masaya niyang anunsyo. Nanlaki ang mga mata ko.

"Ayos! Dalawa ang ichi-cheer natin." sabi ni Harry habang pumapalakpak.

"And why?" tanong ni Amina at nagsitinginan naman ang mga lalake sa gawi ko.

"Psh!" singhal ni Amina sabay taas ng kilay.

"Babe, I will support you all the way." sambit sa'kin ni Xander.

"Thanks." tugon ko at napansin ko naman si Amina na tinaasan nanaman ako ng isang kilay. Ang sarap i-shave ng kilay niya.

Nang hapon na ay nag-practice kaming mga representative. Gabi na kami natapos mag-practice ng production at pag-rampa. Sinalubong naman agad ako ng boyfriend ko paglabas ko ng school.

"Tara!" aya niya sa'kin.

"Wait, Xander!" napalingon naman kami sa tumawag at charan! Hulaan ninyo kung sino?

"Pwede mo ba akong ihatid sa bahay? Please!" pagmamakaawa niya.

"Amina, ihahatid ko pa kase girlfriend ko." sagot ni Xander at nakita ko naman siyang napangiwi.

"Okay. Maghihiwalay din kayo!" sambit niya at tinalikuran na kami. Aba! Anong sabi niya?

"She's crazy." pailing-iling ni Xander nang makalayo na si Amina.

***

1 week later...

"WOW!!! Lalo kang gumanda!" puri ng make-up artist na nag-ayos sa'kin. Naka-dress akong white at nakasuot lang naman ako ng 6 inches na high heels.

"Salamat." tugon ko. Tinitigan ko naman ang sarili ko sa salamin.

'Kaya mo 'to, Mandy! Inhale... Exhale...'

Sayang. Hindi makakanood si Nanay dahil may trabaho siya kaya wala ang best cheerleader ko.

'Nasaan kaya si Xander? Ba't 'di ko siya nakikita? Siguro nandu'n na siya nag-aabang, and speaking of...

"Ang pangit mo!" pang-aasar sa'kin ni Xander.

"Joke lang!" biro niya nang makita akong sumimangot sa kanya.

"Kahit hindi ka manalo, ikaw pa rin ang pinakamaganda sa paningin ko." ngumiti siya sa'kin at niyakap ako.

"I love you. Kaya mo 'yan." sambit niya at hinalikan ang noo ko. Syempre hinayaan ko na lang kahit ayoko.

Nagpaalam naman siya at hinalikan ang pisngi ko. Aba, sumusobra na yata siya ng halik. Ayaw ko pa naman sa lahat ang hinahalikan ako bigla.

"Don't expect too much." sambit ng nasa likuran ko at pagharap ko, tinaasan niya ako ng kilay. Dinedma ko na lang siya at tinalikuran. Nagdasal na lang ako na sana kayanin ko ito. Win or lose ay okay lang basta nagawa ko 'yung best ko.

'Di nagtagal, may nagsalitang emcee sa stage at nagpatugtog na ng pang-production. Isa-isang lumabas ng stage ang bawat representative ng bawat department. Bigla namang naghiyawan nang lumabas na sa stage si Amina. Famous, ang daming fans, nakakabingi ang hiyawan nila kay Amina.

"Business and Management!" rinig kong sambit ni Amina. Pang-walo pa ako pero lalong bumibilis ang kalabog ng puso ko.

Inhale! Exhale!

Hanggang ako na ang sumunod. Unti-unti kong hinakbang ang mga paa ko habang nakangiti.

Naghiyawan naman ang mga tao nang makalabas na ako ng stage. Siguro mga kaklase ko 'yun. Grabe ang daming tao at may mga banners pa. May apat na judges na nakaupo sa unahan. Iginala ko naman ang aking mga mata at nakita ko si Demi na todo cheer sa'kin gayundin si Xander na nakangiti lang sabay kindat. Lumapit na ako sa microphone at huminga ako nang malalim.

"Mandy de los Reyes, representing Mass Communication!" pakilala ko at nagpalakpakan naman sila. Sa wakas nakaraos din sa pagpapakilala.

Pinabalik na kami sa backstage at nagbihis na ako ng sportswear. Mala-badminton player ang suot ko, ang iba naman cowgirl at si Amina ay parang tennis player. 'Di nagtagal isa-isa na naman kaming lumabas ng stage at ibinida ang suot namin.

Susunod na ang long gown competition. Muli akong inayusan ng make-up artist at nagsuot ako ng plain black long gown.

Isa-isa nanaman kaming lumabas ng stage at dahan-dahan lang kami rumampa.

At heto na ang pinaka-highlight sa beauty pageant. Ang question and answer portion.

Nang matapos na ang pitong contestant sa pagsagot ay ako na ang sumunod.

'Relax, Mandy, relax.' kumbinsi ko sa'king sarili.

"Contestant number 8, this is your question." sambit ng emcee sa'kin.

"What is being simple?"

Huminga muna ako nang malalim, halos lahat sila ay naghihintay sa sagot ko.

"For me, being simple means having a good and happy family, living, accepting and enjoying life as we share blessing to other people. Thank you!" Nakangiti kong sagot. Finally, nakaraos din sa Q&A.

Pagkatapos ng Q&A portion, heto na ang pinakahihintay.

Hanggang sa isa-isa ng tinawag ang pasok sa top 3. Grabe parang dumoble yata ang kalabog ng puso ko sa kaba.

"Congatulation, candidate number...4!" sigaw ng emcee at naghiyawan naman ang mga tao. Pumunta naman sa unahan si Amina.

"Congratulation candidate number... 1!" sigaw ulit ng emcee. Oh my ghad! Isa na lang. Parang hindi na yata ako nito matatawag. Sa dami ba namang magagaling, imposibleng makapasok pa ako sa Top 3.

Pero parang napatalon ako sa gulat nang banggitin ang number 8 at natanaw ko na lang si Xander na ginagaya akong pumunta sa unahan.

***

"Okay, so this is what we've all been waiting for. Our 2nd runner up is candidate number... 1!" sigaw ng emcee. Pumunta na sa unahan ang 2nd runner up para tanggapin ang sash. Kami na lang palang dalawa ni Amina ang natitira.

Naghawak kami ng kamay ni Amina. Pinandilatan niya lang ako ng mga mata. Aba! Ang taray ng lola n'yo.

"Our Miss Campus 2015! Candidate number 4! Amina Alvarez from Business and Management!" sigaw ng emcee kasabay ng hiyawan naman ng mga sumusuporta sa kanya.

Pumunta na siya sa unahan at sinuotan na sya ng korona ng former Ms. Campus at kumakaway na siya sa mga tao na mangiyak-ngiyak.

Sinuotan na rin ako ng sash. Tanggap ko naman na hindi ako nanalo.

Nag-okay sign naman ako kay Xander at Demi na okay lang ako.

Nagulat na lang ako nang muling magsalita ang emcee sa harapan.

"Sorry, I made a mistake. Candidate number 4 is the first runner up and candidate number 8 is our Miss Campus, Mandy de los Reyes from Mass Communication." sambit ng emcee. Tila bumagal ang oras nang marinig ko ang sinabi ng emcee.

Naghiyawan naman ang mga supporters ko nang ako daw ang panalo. Halos hindi ako makapaniwala na ako pala ang panalo. Tinuro ko pa talaga ang sarili ko kung ako ba talaga.

Pinapunta na ako sa harapan at binawi ng former Ms. Campus ang korona kay Amina at sa'kin ipinatong ang korona. Hindi na ako makakaway dahil napapatakip na lang ako ng kamay sa'king bibig dahil na-shock talaga ako.

***

to be continued...

Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now