Chapter 18

724 27 1
                                    


Mandy's POV

You're near yet so far...

Ngayong gabi, parang nagtatalon ang puso ko sa tuwa nang ihatid niya ako dito sa apartment. Nagulat talaga ako nu'ng bumalik siya kung saan niya ako iniwan at pinaangkas niya ako sa kanyang motor.

"Kumapit ka, baka mahulog ka!" utos niya at kumapit naman talaga ako pero imbis na hawakan ko ang bewang niya, ang hinawakan ko na lang ang likod nitong motor.

Grabe, parang lumilipad na 'tong motor dahil sa bilis niyang magpatakbo. Sinabi ko naman ang address ko kanina at nagpapasalamat ako dahil alam n'ya kung saan iyon.

"Dito na lang!"sabi ko.

Bumaba na ako at nagpasalamat. Tumango naman siya at umalis agad habang ako naman ay nakatanaw lang sa kanyang motor hanggang sa maglaho na iyon sa aking paningin.

***

"Okay, class dismiss." paalam ng aming prof. sa Communication. Parang na-excite naman ako sa susunod na subject dahil kaklase ko du'n si Xander.

Pagkarating ko dito sa classroom, sakto namang dumating si Xander kasama ang kanyang mga kaibigan. Ni hindi niya man lang ako sinulyapan samantalang ako, panay titig sakanya.

"Hi, Mandy!" masayang bati sa'kin ni Demi.

"Hi!" bati ko rin.

"Ikaw ah! May crush ka kay Xander, 'no?" bulong niya sa tenga ko. Nakikiliti tuloy ako.

"W-wala." tanggi ko sabay iling.

"Weh? 'Di nga? Napansin kaya kita na panay ang titig sa kanya." bwelta niya.

Parang natutunaw na nga si Xander sa mga titig ko pero hindi niya yata ako napapansin. Siguro kailangan kong ikwento kay Demi ang tungkol sa'min ni Xander. Kinabahan tuloy ako, baka hindi siya maniwala sa'kin.

"Mamaya, may sasabihin ako sa'yo." sabi ko.

"Ah, okay. Excited na 'ko." aniya.

Pumasok naman ang aming prof. sa Advertising at nagsimula na itong magturo.

Pagkatapos ng isang oras na klase, dumiretso na kami ni Demi sa cafeteria.

"Oh, ano 'yung sasabihin mo?" untag niya pagkatapos naming um-order. Ewan ko ba, parang kinakabahan ako sa iri-reveal ko sa kanya. Sakto naman ang dating ni Xander kasama ang mga kaibigan at 'yung fiancée n'ya. Kumirot ang puso ko at agad na nag-iwas ng paningin tsaka huminga nang malalim.

Okay, this is it.

"May crush ka kay Xander, tama? Okay lang naman, maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya." panunukso niya. Kung alam niya lang, hindi ko siya crush kundi mahal na mahal.

Humugot ako nang malalim na hininga at inamin na sa kanya lahat.

"What?!" gulat na aniya matapos kong ikuwento lahat. Napalakas yata ang boses niya kaya nagsitinginan ang mga tao sa'min pati narin sila Xander. Sumenyas naman ako kay Demi na 'wag maingay.

"Ikaw ang kumupkop kay Xander?" nagtatakang bulong niya at tumango naman ako.

"Kung ako sa'yo, sasabihin ko agad na ako ang kumupkop sa kanya." aniya.

Nagkibit-balikat na lang ako. Kung aamin ba ako, may mangyayari ba? Pero... Hay... Siguro nga, kailangan ko nang sabihin sa kanya ang totoo.

***

Hapon na at heto ako ngayon nakatambay sa park habang nagswi-swing. Marami pa namang namamasyal sa oras na 'to at nagpi-picnic. Kahit na natatakot ako na baka tambangan nanaman ako ng mga lalake ay binalewala ko na lang iyon dahil gusto kong makausap si Xander dahil alam kong madalas siya rito.

Tama nga si Demi. Kailangan ng malaman ni Xander na parte ako ng kanyang nakaraan na nakalimutan n'ya.

Pinagmasdan ko na lang ang papalubog na araw habang naghihintay. Grabe, ang lakas ng tibok ng puso ko at parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.

Mahigit isang oras na akong nakaupo dito sa swing at lumalalim na ang gabi. Siguro next time na lang. Nang makatayo na ako, sakto namang naaninag ko siya na nakaupo sa ilalim ng puno. Kanina pa ba s'ya d'yan?

'Lakasan mo na ang loob mo, Mandy' kumbinsi ko sa aking sarili.

Lumapit ako sa kanya. Nagulat pa ata siya nang makita niya ako.

"Oh! Mandy, right?" tanong niya.

"Oo." tugon ko.

Tumayo siya at nagpagpag. "Is there something wrong?" kunot-noo niyang tanong.

"H-hindi mo na ba talaga ako n-nakikilala?" nauutal kong tanong.

"Ikaw 'yung classmate ko sa isang subject." balewalang tugon niya. Para namang nanikip ang dibdib ko.

"Hindi 'yon!" inis kong sabi.

"Ikaw 'yung babaeng muntik ko nang masagasaan." sagot niya.

"A-ako 'to... S-si Mandy na kumupkop sa'yo nu'ng may amnesia ka. Hindi mo na ba ako matandaan?" sabi ko at namalayan ko na lang na may luha na palang tumutulo sa mga mata ko.

"Ikaw?" kunot-noo niyang tanong. Parang hindi pa siya makapaniwala sa sinabi ko.

"S-sorry... Hindi kita... maalala..." aniya habang kinakabisado ang mukha ko.

"Pilitin mo!" inis kong sabi habang lumalabo na ang aking paningin dahil sa mga luhang bumabara sa mga mata ko.

"Sorry pero kung ikaw man ang kumupkop sa'kin, edi maraming salamat sa pag-alaga mo sa'kin nu'ng nagka-amnesia ako." sabi niya.

"Xander!" tawag sa kanya ng fiancée niya.

Lumapit ito at napatalikod naman agad ako para magpunas ng luha sa aking mukha.

"Who is she?" rinig kong tanong niya kay Xander.

"Siya pala ang kumupkop sa'kin nu'ng nawala ako." sagot niya.

"Really? Thank you sa pagkupkop mo sa fiancé ko!" masaya nitong sabi.

"Xander! Halika na. Punta na tayo sa birthday party ng sister ko." aya niya kay Xander at iniwan na nila ako.

Lumingon ako at nakitang naglalakad na sila papalayo. Nakita ko naman si Xander na sumulyap sa'kin pero nag-iwas s'ya ng tingin at sumabay na s'ya du'n sa babae.

Parang may bumabarang tinik sa lalamunan ko at nagtuloy-tuloy na ang pag-agos ng aking mga luha. Ang sakit tanggapin ang katotohanan na isa lang akong nakaraan sa buhay niya. Siguro ito na ang panahon para sumuko na ako kay Naruto.

'I'll let you go.' bulong ko sa kawalan.

***

BLAG!!!

BLAG!!!

Tinapon ko pa ang isang plato sa nakasulat sa pader na [Ayoko Na]. Nanginginig ang aking kamay dahil sa inis.

Kumuha pa ako ng isang babasaging baso at itinapon 'yun sa nakasulat na

[I'll let you go].

'Papakawalan na kita! Doon ka na sa maganda mong fiancée. Magsama kayo!' bitter kong wika sa aking isipan habang binabato ang mga babasaging mahawakan ko.

***

to be continued...

Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon