Chapter VI

371 12 1
                                    



Kung pwede lang sanang baguhin ang kahapon ay binago ko na.

Nagsisisi ako na siya ang pinili ko noon kesa kay Hiro. Wala siyang tiwala sa'kin. Alam niya naman na mahal ko siya pero di siya naniniwala sa'kin. Ang sakit lang na gumanti pa talaga siya at ipakita sa'kin na kaya niya rin manloko.

Bumaba na ako ng taxi. Mula dito ay tanaw ang liwanag ng syudad. Tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Nanggigigil ako. Nanginginig ang mga kamay ko nang tinanggal ko ang singsing sa daliri ko. At hindi na ako nagdalawang isip pang itapon ito.

"Kakalimutan na kitang hayop ka!!" nanginig ang boses ko. Hindi ko na naman napigilang mapahagulgol ng tahimik lang na walang boses na lumalabas. Sobrang sakit talaga. Parang dinudurog ang puso ko ng pinong-pino. Hayop talagang pagmamahal 'to. Bakit kailangan pagdaanan ko pa 'to?

Sa pag uwi ko ng bahay, nadatnan ko agad si Sasuke na nakaupo sa may sala. Nag tiim ang bagang ko at sinampal ko siya. Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka kung bakit ko siya sinampal.

"Kasalanan mo 'to! kung hindi mo sana ako nahalikan hindi 'to mangyayari!" mariin kong sabi.

Tinalikuran ko na siya at dumiretso na ako ng kwarto. Narinig ko naman ang pagtawag sa'kin ni nanay. Kumatok siya at di ko siya sinagot.

Nagising ako sa silaw ng araw na tumama sa mga mata ko mula sa bintana. Ang bigat parin ng pakiramdam ko. Parang natuyo ang mga luha ko sa pagiyak kagabi. Parang maging sa panaginip siya parin ang nasa isip ko.

Pagkalabas ko ng kwarto nadatnan ko si nanay na nagluluto.

"Anong pinag awayan niyo?" bungad niyang tanong at humarap siya sa'kin.

"Mahabang kwento." sagot ko.

"Umalis na siya kaninang madaling araw." nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Saan siya pumunta?"

"Lumayas na siya. Nagpasalamat si Sasuke sa pagkupkop natin sa kanya." malungkot na sabi niya. Saan naman yun pupunta?

"Ano ba kase ang pinag awayan niyo?" naguguluhan niyang tanong.

"Hiwalay na kami ni Xander." matabang na sagot ko.

Nagtaka naman siya. "Huh? bakit?"

"Nang dahil nga kay Sasuke," sabi ko.

"Wala na kami." mariin kong sinabi. Naguguluhan parin si nanay. Umiling siya ng umiling.



Xander POV


Tatlong bote na ng alak ang nainom ko. Gusto kong malunod sa alak. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit ko siya napagsabihan ng ganun. Hindi ko sinasadya.

May lumapit naman sa'kin isang babae. Inirapan ko nalang siya at inubos ko ang alak sa pang apat na bote.



--Flashback--

Balak kong isorpresa si Mandy. Pumunta ako ng probinsya nila. Nanabik na akong makita siya. Nakita naman ako ng nanay niyang si tita Luisa at sinabi niyang nasa dalampasigan daw ito.

Parang piniga ang puso ko nang matanaw ko si Mandy sa may tabing dagat, may kahalikan siyang lalake. Parang nagdilim ang paningin ko at kinuyom ko ang kamao ko. Pinigilan ko ang sarili ko at baka makapatay ako ng tao dahil sa selos. Tumalikod na ako at nagmadaling sumakay ng taxi.

Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now