Chapter XI

412 11 0
                                    


Mabigat ang pakiramdam ko pagkahiga sa kama, iniisip ko kung magreresign ba ako o hindi?

Lumipas ang ilang araw na nagbago na ang isip ko. Okay. Di na ako magreresign. Ipapakita ko nalang sakanya na nakapagmove na ako.

Niyaya ako ni Yohan sa kanyang birthday party at gusto daw akong makilala ng kanyang mga magulang.

Kinagabihan, ay sinundo na ako ni Yohan sa bahay. Nakasuot siya ng blue longsleeve na tinupi hanggang siko. Ang gwapo. At ako naman ay nakasuot na simpleng blue dress.

Mga ilang minuto ng byahe ay narating na namin ang bahay nila. Wow! Ang laki. Richkid nito. Pumasok na kami at bumungad samin ang kanyang pamilya. Bigla ako nakaramdam ng hiya. Halos nakatingin na silang lahat samin.

"Siya po si Mandy." pormal na pakilala sakin ni Yohan sakanyang parents.

"Oh my God!" usal ng kanyang mama.

"Thank you sa pagkupkop mo sa anak ko." aniya at niyakap ako.

"Thank you Iha." sambit ng kanyang papa.

Ngumiti ako. "Walang anuman po."

Maya-maya lang ay kumain na kami. Ang daming handa, parang fiesta.

Mahigit isang oras din ang itinagal ko sa party.

--

"Pwede ba kitang ligawan?" Nagulat ako sa tanong ni Yohan nang mahatid niya na ako sa bahay. Pagbibigyan ko ba siya? Nagkaroon ng katahimikan saming dalawa.

Inisip ko naman na bigyan ko siya ng chance

"Ah-eh hmm.. Pwede naman." nauutal kong sagot.

"Yes!" Natutuwa niyang sambit.

--

Pagkapasok ko ng opisina ni Ma'am Hannah kinaumagahan, ang nabungaran ko agad ay si Xander na nakaupo sa swivel chair habang pinaglalaruan ang ballpen. Parang bumigat bigla ang dibdib ko sa presensya niya.

Agad siyang tumayo at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Pa-cute ang puta!

"N-nasan si Ma'am?" tanong ko.

"She's at the US for a business meeting," aniya.

Ay...oo nga pala. Sinabi niya kahapon. Anubayan! Nakalimutan ko.

"I'm the acting CEO for 5 days." dugtong niya. Edi magkakasama kami? At magiging sunod-sunuran niya ako?

"Don't worry. Hindi naman kita pahihirapan." nakangiti niyang sabi at biglang kumindat. Tss..

Di ko na sinabi ang schedule. Binigay ko nalang, siya nalang magbasa.

"May business appointment pala ako at 5 pm. At sasama ka." aniya. Napalunok naman ako. Ugh! Ba't kasama pa ako?

Arrgh! Parang gusto kong sumabog. Kung hindi lang sana mataas ang sahod dito ay nagresign na ako.

Abala ako sa pag p-print nang nagulat ako sa kapeng lumapag sa table ko. Tumingala ako.

"Coffee." aniya at tinalikuran na ako. Heto, napatitig nalang ako sa kapeng inabot niya. Tss..

Naramdaman ko nalang na may tumapik sakin. "Omg! Tinimplahan ka niya ng kape." takang sabi niya.

"Ang sweet naman ng acting Ceo natin Hihi! Sayo lang pala." aniya.

"Sayo na, ayaw ko nyan." sabi ko sabay irap.

"Ano ka ba, sayo yan noh!" aniya. Umirap nalang ako at umiling. Tsk! Di niya ba alam na may asawa na yung tao? Aay unggoy pala.

Hindi ko ininom ang kapeng binigay ni Xander hanggang sa nagtanghali na. Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Xander sa harapan ko.

"Lunch na tayo." aniya.

"Mamaya na ako, di pa ako nagugutom." sabi ko sabay irap. Tumango siya.

"Wag kang magpapagutom ah." aniya at tumalikod na.

Kinahapunan, kasama nga ako sa kanyang business appointment.

"Gagawin mo ba akong driver?" naka smirk niyang sabi nang umupo ako sa backseat ng kanyang kotse. Okay. Lumabas ako ng kotse. Nagkahawakan tuloy kami ng kamay dahil sabay naming binuksan ang pinto ng frontseat. Napabitaw agad ako. Para akong napaso. Pumasok na ako nang mabuksan niya na. Umikot siya.

Hingang malalim Mandy, don't be affected and act as a professional. 'yan kase ang kanina ko pa kinukumbinsi sa sarili ko. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang binabagtas namin ang Edsa.

Listen to your heart...

Nagulat nalang ako nang magpatugtog si Xander ng sterio.

..When there's calling for you, I don't know where you're going.. And I don't know why...

Makalipas ang ilang minuto ay narating na namin ang isang italian restaurant. Namangha ako sa loob nito, very classy. Binati namin ang isang babae na nasa mid 40's na. Buti nalang, kararating niya din pala at di namin siya pinaghintay.

Umupo na kami at nag order na si Xander sa waiter na lumapit samin. Nginitian ko nalang si ms. Anastacia na nasa harapan ko at nginitian niya ako saglit. Ang demure niyang gumalaw. Nagsimula na silang magusap ni Xander ng pormal tungkol sa investment. Ako naman ay nakinig nalang. Dumating na yung order na pasta. Natakam naman ako sa amoy nito at bongga pa ang platings. Sinimulan ko na itong kainin, ang saraaap.

Napatalon ako sa gulat nang bigla akong tinawag ni ms. Anastacia. Ano daw? Hindi ko na nasundan ang kanilang pinagusapan. Nakanganga pa ako nang lalantakin ko na ang pasta.

Tumikhim ako. Ano bang sasagutin ko tungkol daw sa pag invest?

"Ah miss-"

Bigla namang nagsalita si Xander. Napalunok nalang ako. Mukhang hindi na sila nagkakaintindihan base sa mga reaksyon nila.

Umiling si ms.Anastacia at isinukbit ang LV niyang bag. "I'll go now." aniya at nagmartsa na palabas ng restaurant. Narinig ko nalang na napasinghap si Xander at umiling.

"Sorry dahil ba sa hindi ako nakasagot?" nagguilty tuloy ako.

"No, hindi lang kami nagkaintindian." aniya.

Kahit na, parang kasalanan ko parin. Nakakaguilty. Palagi pa naman nababanggit ni ma'am Hannah si ms. Anastacia na mukhang mahalagang investor.

Tahimik lang akong sumakay ng kotse at ganun din siya.

"Di na ba siya mag-iinvest?" pag aalinlangan kong tanong.

"Pipilitin natin siya. I'll never let her go." aniya. Okay. Bumuntong hininga ako.

Gabi na kami nakabalik ng kompanya. Pagkababa ko ay namataan ko si Yohan na nakasandal sa kanyang kotse. Nginitian niya ako.

"Hatid na kita." aniya. Tumango ako at sinabihan ko na kukunin ko lang ang gamit ko.

Pagkalabas ko ay naabutan kong naguusap si Xander at Yohan.

Ginapangan naman ako ng kaba. Baka sinabi niya kay Yohan na ex ko siya.

Tumikhim ako. N

Napalingon silang dalawa sakin. Tumango si Yohan kay Xander at pinagbuksan niya ako ng kotse.

"Bye sir." paalam ko at tumango siya.

"Siya pala ang ex mong si Xander?" tanong niya habang bumabyahe kami.

"Oo." sagot ko.

"Sinundan mo siya?" tanong niya.

"Hindi." iling ko.

"Small world huh!" ngumisi siya.

"Parang pinaglalaruan ka yata." aniya.

Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana at ako ang napagtripan.

Sinasakyan ko nalang.

To be continued.....

Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now