Chapter XII

407 11 1
                                    


Tulad ng sinabi ni Xander ay susuyuin namin ang investor na si ms. Anastacia. Kasalukuyan na kaming bumabyahe patungong Baler.

Siguro ay nasanay narin ako sa presensya ni Xander kaya di na ako naiilang kasama siya. Ngunit naiinis lang ako kapag ngumingiti siya na parang nagpapacute. Tulad nalang ngayon habang nagmamaneho ay natatawa siya sa witty na DJ sa radyong pinapakinggan niya. Iniirapan ko nalang habang nakatanaw sa labas ng bintana. Tss.. Ano namang nakakatawa? Nagvibrate ang cellphone ko. Napangiti nalang ako sa text message ni Yohan.

From: Yohan

Alam ko, parang mai stiffneck ka na Haha.

Bwiset din ang lalakeng to ah. Sinabi ko kase sakanya kagabi na magbabyahe kaming magkasama ni Xander.

'You're wrong! para akong maduduling dito'

reply ko.

'Haha gudluck sa mga mata mo.' -Yohan.

"Sinong katext mo?" nagulat ako sa tanong ni Xander.

"Si Sasuke." sagot ko.

"Si Yohan?"

Tumango naman ako. Di na siya nagsalita at tumigil ang kotse sa tapat ng Mcdo. Tamang-tama dahil nagugutom rin naman ako. Ako sana ang magbabayad pero pinigilan niya ako, siya daw ang magbabayad. Pagkatapos naming kumain ay bumyahe na ulit kami. After an hour ay nakarating narin kami sa wakas sa aming destinasyon. Mula dito ay matatanaw ang napakalawak na dagat at ang fresh pa ng hangin. Namiss ko tuloy ang probinsya namin. Bumaba na kami at napatingala ako sa isang malaking mansion.

"Dito na ba siya nakatira?" tanong ko kay Xander.

Tumango naman siya. "Oo."


**


"Umalis po si ma'am, pumunta ng baguio," sagot ng kasambahay.

"Babalik siya bukas ng umaga." aniya pa.

Napabuntong-hininga nalang ako.

"Paano yan hanggang bukas pa tayo dito," baling sakin ni Xander. Napangiwi na lamang ako.

"Magche-check in tayo doon.." turo niya sa isang resort di kalayuan dito. Tumango nalang ako. Okay, ano pa bang magagawa ko.

Pumasok na kami ng lobby nitong hotel at nagcheck in si Xander. Sa kasamaang palad ay isang kwarto nalang ang available. Kaya no choice. Haist! Pinaglalaruan talaga kami ng tadhana ah. Fucking destiny na hindi na naman worth it.

"Ako nalang dito sir sa sofa." sabi ko kay Xander nang pumasok na kami ng kwarto.

"Nope, ikaw nalang dito." aniya at tinuro ang kama. Ilang beses pa kaming nagdiskusyon kung sino ang matutulog, in the end ako ang nasunod.

Lumabas ako ng mini hotel at pumunta sa seashore. Konti lang ang mga nakikita kong turista. Umupo ako sa buhangin at pinagmasdan ang papalubog na araw.

"Swimming tayo." bungad ni Xander. Agad naman akong umiling.

"Bili nalang tayo ng damit doon sa souvenir shop." aniya.

"Ayoko." iling ko.

Umupo siya sa tabi ko. Umusog naman ako ng ilang dangkal sakanya. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Kukunin ko sana sa bulsa ng skirt ko ang cellphone ngunit naiwan ko pala sa hotel room.

"I know hindi sapat ang sorry ko," aniya.

Lumingon ako sakanya at nakatanaw lang siya sa malayo.

"One million sorry to you." aniya pa. Tila sumikip ang dibdib ko. Humugot ako ng malalim na hininga para pagaanin ang bigat na nararamdaman ko. Gusto kong sabihin sakanya na you're not forgiven. Tumikhim ako.

"Tapos na yun, ano ka ba!" sabi ko.

"Hmm.. nagugutom ako." Tumayo ako at nagpagpag. Tumayo rin siya.

"Sige kumain na tayo." aniya.

Pumunta kami sa isang resto at kumain. Puro seafoods ang kanilang specialty. At nang matapos na kaming kumain na libre niya ay nanood kami ng dalawang nagpopoi dance, babae at lalake. Namangha naman ako sa bilis ng kanilang pagsasayaw na may apoy. Di ba sila napapaso? Nagulat nalang ako nang bumili pala si Xander ng t-shirt na kulay pink. Ano 'to couple shirt? Tss. Nakita ko pa sa likuran ng t-shirt na may imprentang 4 at sakanya naman ay ever.Napangiwi nalang ako."Ayoko niyan."irap ko.

May pa couple shirt pa siyang nalalaman.

"Wala kaseng ibang t-shirt." paliwanag niya.

Pumasok na kami ng hotel. Siya ang pinauna kong maligo. Naglaro nalang muna ako ng mobile legend sa cellphone ko. Naririnig ko naman na kumakanta si Xander habang naliligo sa banyo kasabay ng tunog ng shower.

"Kung katawan mo lang ang habol ko.. Na kung gumiling ay lumiliko, nasusunod parin ang puso ko ang puso ng don romantiko.....

Yah...yah...yah...yaaaah


Napapairap nalang ako sa kawalan.

DEFEAT!

Ayan tuloy, natalo ako dahil nadidistract talaga ako kay Xander na kumakanta. Haist!

Lumabas siya ng cr na nakatapis lang ng tuwalya. Nagpupunas siya ng kanyang buhok. Napapababa ako ng tingin sa abs niya. At napairap ako nang magsalubong ang aming mga mata pagtingala ko.

"Im melting." tumawa siya. Yucks ang kapal talaga nito eversince. Pinandilatan ko siya ng mga mata sabay sabing "Kapal mo!"

Narinig ko pa siyang tumatawang magisa pagkapasok ko ng cr para maligo. Tss! Crazy. Buti nalang may extra clothes akong dala at yun ang sinuot ko.

Nang matulog na kami, ako sa pahabang sofa at siya naman sa kama. Pinipilit niya parin ako na sa kama nalang daw ako at siya sa sofa.

"Ayos lang ako dito sir." giit ko.

In-off ko na ang ilaw at tanging lamp shade nalang ang liwanag sa buong kwarto.

Nagvibrate ang cellphone ko at nakita kong nagtext si Yohan.

Good night Sakura!

Napangiti na lamang ako sa tinext niya. Sakura daw? Siya naman kase si Sasuke Haha!

'Gudnyt din Sasuke. Hahaha!' reply ko.

"Matulog ka na, maaga pa tayo bukas!"

Nagulat nalang ako sa biglaang pagsabi ni Xander.

Natawa naman ako sa text ni Yohan.

'Wag mo palang gagalitin si Naruto baka lumabas ang shakra niyan.'

'ewan ko sau hahaha' reply ko.

Tss..

Narinig ko naman ang pagsinghal ni Naruto ah este ni Xander.

Tumagilid ako at nakita ko ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin.

"Good night." aniya.

Meron pa siyang sinabi ngunit hindi ko narinig, ibinulong niya lang.



To be continued.....

Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now