Season 2
***
"Mandy!!"
Tawag ni nanay at tumakbo naman ako papunta sa dalampasigan.
"Bakit Nay? s-sino 'yan?" Turo ko sa nakahandusay na lalake na walang malay.
"Buhay pa siya!" Gulat niyang sabi habang hawak ang pulso nito. Ang dami niyang pasa sa mukha at mga sugat sa katawan.
Binuhat namin ang lalake kahit na sobra niyang bigat at dinala sa bahay. Hiniga namin siya sa kama.
Nasapo ko na lang ang kamay ko sa aking noo. Na sana paggising niya ay meron siyang maalala.
"Baka Nay isa siyang--" Ayy wag na, mukha naman siyang mabait.
"Hintayin nalang natin siyang magising." Aniya.
"Kukuha lang akong halamang gamot para sa mga sugat niya." Paalam niya saka umalis.
Pinagmasdan ko nalang ang kabuuhan ng lalake. Siya ay maputi, matangos ang ilong at kissable lips. Pero mas gwapo parin si Naruto. Speaking of Naruto, matawagan nga siya.
"Hello!" Tawag ko.
"Hi babe, kamusta?" Aniya.
"Heto, nakasagip kami ng lalake sa may dalampasigan." sabi ko.
"What?" Gulat niya.
"Tulad mo, na natagpuan namin sa dalampasigan na walang malay." sagot ko.
Matapos ang paguusap namin tungkol dito sa lalakeng estranghero ay bumaling ulit ako sa lalake na mukhang anghel kung matulog.
"Hays, gising na." sambit ko.
"Ano, gising na ba siya?" Dumating na si nanay na may dalang halamang gamot. Umiling naman ako.
"Mabuti pa idala na natin siya sa ospital." Aniya.
Mukhang di na kailangan idala sa ospital dahil bigla nalang na-ubo ng tubig ang lalake.
Nakahalukipkip lang akong pagmasdan siya hanggang sa napamulat na siya ng kanyang mga mata.
"S-sino kayo?" Takang tanong niya habang pabalik-balik ng tingin samin.
"Ikaw sino ka?" Tanong ko rin pabalik. Bigla naman akong kinabahan sakanyang isasagot.
'Oh no! wag mo sabihing wala ka ring maalala?'
Kumunot ang noo niya at tila nag-iisip kung anong nangyayari sakanya.
"Wala akong maalala." Aniya.
Ay patay!
Nagkatinginan naman kami ni nanay at sabay umiling.
To be continued...