Chapter 13

807 40 1
                                    


Hay! Sa wakas, narating na rin naming dalawa ang Maynila matapos ang mahigit dalawang oras na byahe sa barko papuntang Batangas at higit isang oras sa bus mula Batangas papunta dito sa Maynila.

"Sigurado ka ba talagang taga-dito ako?" tanong ulit ni Naruto habang palinga-linga sa mga nagtataasang gusali.

"Uhm... parang. Sana." kibit-balikat ko.

"Tara na nga. Hahanap pa tayo ng matutuluyang apartment." anyaya ko sa kanya.

***

Grabe, ang mamahal naman ng boarding house dito. Nakakatatlo na kaming napuntahan pero wala kaming napili dahil ang mamahal. Lumalalim na ang gabi kaya dapat may mahanap na kaming matutuluyan.

"Pwede po bang tumawad. Mga 3k na lang?" pamimilit ko sa babae na medyo 40's na ang edad.

"Sige na nga!" pagpayag niya saka kami pinapasok sa apartment.

Pinagmasdan namin ang kabuuan nitong kwarto. Pwede na rin ito kahit maliit lang at iisa lang ang kama.

"Dito nalang ako sa sofa." turo niya sa isang sofa at tumango na lang ako.

Kesa naman magkatabi kami dito sa maliit na kama. Akala siguro nu'ng babae, mag-asawa kami.

Tinawagan ko naman si Nanay gamit ang aking cellphone.

"Hello, 'Nay! Nandito na po kami sa Maynila."

[May matutulugan na ba kayo d'yan?]

"Meron na po." sagot ko.

[Mag-iingat kayo d'yan ah?]

Halata pa rin sa kanyang boses ang pag-aalala.

"Opo, 'Nay. Mag-iingat rin po kayo d'yan." sagot ko at pinatay na and tawag.

Nakita ko na lang na tulog na pala si Naruto dahil na rin sa sobrang pagod sa byahe. Pinagmasdan ko naman ang mukha n'ya.

Kung sakaling makabalik na siya sa kanyang pamilya, siguro ito na ang huling pagkakataon na makasama ko s'ya. Bigla naman akong nalungkot sa aking naisip na baka sakaling magkahiwalay nga kami.

***

Pagmulat pa lang ng aking mga mata, nasilayan ko agad ang kanyang mga ngiti at ilang dangkal lang ang layo ng mukha namin.

"Good morning, Mandy!" bati niya at ngumiti na lang ako.

Nakita ko naman agad ang mga nakahain na almusal sa may lamesa.

"Bumili ako ng agahan natin sa labas. Kain na tayo?" anyaya niya kaya sumunod ako sa kanya.

Nagmumog at naghilamos muna ako bago kumain.

"Hahanap ako dito ng part time job." sabi ko habang kumakain kami.

"Ako rin." aniya.

"Oh sige. Maghahanap tayo mamaya."

"Nakaka-miss naman ang dagat." malungkot n'yang sabi.

"Oo nga." tugon ko.

***

Naglakad-lakad kami ni Naruto sa mall, nagbabakasakaling may makakilala sa kanya rito. Hindi ko na nga namalayan na magkahawak na pala kami ng kamay. Bumitaw naman ako sa kamay niya pero ang sabi niya, 'wag ko raw siyang bibitawan kasi raw baka magkahiwalay kami kaya hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak sa kamay ko. Hinayaan ko na lang dahil may point naman s'ya.

Minsan nga, may nakakasalubong kaming mga babae na halatang kinikilig kay Naruto. Pati sa pagbili namin ng ice cream, 'yung tindera kinikilig din.

"Mandy... 'Wag mo 'kong iiwan ah?" may halong lungkot na wika niya. Parang baliktad ata? Baka siya ang mang-iiwan.

"Kapag nahanap na natin ang pamilya mo, syempre babalik na 'ko sa'min." malungkot ko ring sabi.

"P-pangako, b-babalikan ko kayo kapag nahanap ko na'ng pamilya ko." nauutal niyang sabi at muli niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.

"Mahal kita..." sabi niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ano raw? Mahal n'ya 'ko? Bumilis naman ang pintig ng puso ko at parang umakyat lahat ng dugo ko patungo sa aking mukha.

"M-Mahal din kita..." tugon ko.

Hindi ko alam kung bakit nasabi ko ang katagang 'yun. Bigla na lang kasing lumabas sa bibig ko.

Niyakap niya naman ako nang sobrang higpit at napansin kong may ilang tao ang nakatingin sa'min dito. Parang nagtatalon ang puso ko sa saya nang nag-aminan kami ng nararamdaman para sa isat-isa.

"Tsk, tsk, tsk. Maghihiwalay din kayo!" bulong ng babae sa aming likuran. Napatawa kami ni Naruto.

"Halika na nga!" aya ko sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Masaya kaming naglakalakad hanggang sa may nahagip ang mga mata ko.

"Wait lang! Mag-a-apply ako du'n sa restaurant na 'yun!" turo ko sa kanya sa isang restaurant na may nakalagay na "Wanted: Waitress".

"Sige. Hihintayin na lang kita dito." aniya.

***

Naruto's POV

Hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko nang maamin ko na kay Mandy ang nararamdaman ko. Mahal ko na talaga siya. At syempre, ang saya ko kasi mahal n'ya rin ako.

"X-Xander?" gulat na sabi ng lalake na parang kilala n'ya 'ko.

"Xander? Ikaw ba talaga 'yan?" takang tanong nito.

"Jerwin! Halika na." aya sa kanya nu'ng babaeng kasama n'ya at tinalikuran na nila 'ko.

Para siyang nakakita ng multo matapos akong makita kanina. Ibig sabihin, kilala n'ya 'ko.

***

Mandy's POV

"Sorry, Miss. May nakuha na kasi kami." sabi sa'kin ng babae.

"Ah... Okay lang po. Salamat po." tugon ko.

Pagkalabas ko ng restaurant, napansin ko naman si Naruto na mukhang balisa. Lumapit ako sa kanya at agad naman n'ya akong kinausap.

"Mandy, may tumawag sa'king Xander kanina. Mukhang kilala n'ya 'ko."

"Xander? Oh! Nasa'n na s'ya?" kunot-noo kong tanong.

"Biglang umalis eh. Pero kabisado ko mukha niya."

"Hanapin natin! Baka 'di pa nakakalayo 'yun." hinila niya naman ako palabas ng mall.

"'Yun!" turo niya sa isang lalake na naka-white T-shirt na may kasamang babae.

Hinabol namin ito pero sa dami ng tao ay hindi na namin nakita pa. Nakipagsiksikan pa kami para mahabol namin ang lalake.

"Ayun!" turo niya at hinabol ito patawid ng kalsada.

Boogsh!

Napatalon ako sa gulat nang makita si Naruto na nahagip ng isang kotse.

Walang lumlabas na boses sa bibig ko matapos ko siyang makita na nakahandusay na sa kalsada at duguan. Nanikip ang dibdib ko, nanghina ang mga tuhod ko sa aking natunghayan, at bumagsak ang mga luha mula sa aking mga mata.

Naruto...

***

to be continued...


Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now