Chapter XV

401 12 0
                                    

Hinugis puso ko ang dalawang daliri ko para magselfie, na ang photobomber ay ang isa sa sikat na structure dito sa Barcelona ang Sagrada familia. Walong buwan na ako dito nagtatrabaho bilang isang production staff.

Nang dahil namiss ko si nanay at tatay ay tinawagan ko sila thru skype pagkarating ko ng apartment.

"Okay lang ako dito nay." sagot ko.

"Baka naman dalawa na ang trabaho mo dyan." sabi ni tatay.

"Isa lang po ang trabaho ko dito." tumawa ako.

Pagkatapos naming magusap sa laptop ay nahiga na ako. May kumatok naman sa pinto. Kumunot naman ang noo ko.

"Sino ya- ah este who's there?"

"Sasuke." rinig kong sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko at napabalikwas agad ng kama. What the! Kinulit niya ako nung magusap kami last week, kung saan daw ang exact address ko, di ko akalain na pupunta talaga siya dito.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si Yohan na abot tenga ang mga ngiti."Surprise!" aniya at agad akong niyakap ng mahigpit. Ang yaman naman nito, kung makapagbyahe parang ang lapit lang ng spain.

Mahigpit parin ang yakap niya at halos di na ako makahinga. At sa wakas, kumalas narin siya.

"Anong ginagawa mo dito?" nagtataka ko paring tanong.

"Syempre, binibisita ka."

"Richkid mo naman. So ilang araw ka dito?"

Kumibit balikat nalang siya. "Magtatrabaho narin ako dito kasama ka."

"Can I sleep here?" Nahiga naman agad siya sa kama ko.

"Sige ngayon lang ah?"

Tumango siya at pumikit na ng mga mata. "Haay.. sobra akong napagod sa byahe, ang layo pala ng Barcelona."

So saan ako mahihiga ngayon?

"Dito ka na sa tabi ko." tinapik niya ang kama.

Napangiwi naman ako.

"Wala naman akong gagawing masama sayo, unless kung ikaw ang may gagawing masama sakin." tumawa siya.

"Hoy!"

Ang kapal din. Parang si ano lang.. Nevermind.

"Kumain ka na pala?" Tumango siya.

Nang dahil sa bumibigat na ang talukap ng mga mata ko ay humiga na ako sa tabi niya. No choice, walang sofa bed. Nilagyan ko nalang ng unan sa pagitan namin. Tumalikod na ako sakanya at nagulat ako nang may mabigat na braso ang yumakap sakin. Aba't.

At nagulat pa ako nang sinandal niya ang kanyang isang binti. Ang bigat!

"Ano ba! Ang bigat mo." angal ko at tinabig ang kamay at paa niya.

"Namiss ko kase ang sexy mong katawan." aniya.

"Tse! Matulog ka na nga."

Kinaumagahan, ginising ako ng alarm ko sa cellphone ko. Ay oo nga pala, may katabi ako at tulog na tulog pa. Napagod talaga siya sa byahe.

Nagluto naman ako ng agahan. Hinintay ko nalang siyang magising. Nang dahil mali-late na ako sa trabaho ay nag iwan nalang ako ng notes na aalis na ako at mag breakfast nalang siya.

**

Kinahapunan, umuwi na ako sa apartment. Bumungad sakin si Yohan na ubod ng bango at gwapo. Tinaas baba niya ang kanyang kilay na halatang nagpapacute pa sakin.

"Pasyal tayo mamaya ah." aniya. Tumango naman ako.

"At bukas, maghahanap narin ako ng trabaho."

"Anong trabaho?" tanong ko.

"Model." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Wow, magmomodel ka?" Tumango siya at nagpogi sign pa sakin.

Kinagabihan, nagpasyal nga kami. Nilibot namin ang barcelona.

Panay ang pa-pictures namin sa mga magagandang lugar at kumain na kami sa resto.

"Anong I love you sa spanish?" tanong niya habang kumakain kami.

"Te amo" sagot ko. Tumango naman siya.

"Mandy."

"Oh?"

"Te amo" nakangiting sabi niya. Parang uminit naman ang pisngi ko.

Nginiwian ko nalang siya at nagpatuloy sa pagkain ng pasta.

"Saan ka pala magaaply?" tanong ko.

"May business friend si Papa dito sa Barcelona at sa kompanya niya ako magaapply." aniya. Tumango ako.

"Atsaka, gusto kong ma-experience maging independent." dugtong niya.

Pagkatapos naming kumain ay naglakad-lakad pa kami sa syudad. Di parin nakakasawang pagmasdan ang liwanag ng barcelona, nakakarelax.

"May apartment na pala ako, malapit lang sayo." aniya nang umuwi na kami.

"Pwede naman na sa room mo nalang ako tumira."

"Tss ayoko nga." tanggi ko.

Kinuha niya na ang luggage niya at nagulat ako nang sa katabing kwarto siya pumasok.

"Dito ka?" takang tanong ko. Tumango siya.

"Yup. We're neighbors." ngumiti siya.

To be continued.....

Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now