Chapter XVIII

421 12 0
                                    


Nakangiti siya sakin. Yayakapin niya sana ako pero tinabig ko ang kamay niya.

"Pwede ba tayong mag usap? May sasabihin ako sayo." aniya. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Parang pinipiga ang puso ko. Tumango nalang ako. Para naman maliwanagan na siya na hindi ko na talaga siya mahal.

Tahimik lang kami habang paakyat ng rooftop. Niyakap ko ang aking sarili dahil sa lamig ng hangin na bumungad samin pagkatapak sa rooftop. Tumingala ako sa napakaraming bituin sa kalangitan. Tumikhim siya.

"Ang tagal mo naman bumalik," rinig kong sabi niya. "Naghintay ako ng ilang taon, sa wakas umuwi kana rin." Bumuntong-hininga siya.

"Diba may asawa kana?" nilingon ko siya.

"Fake ang kasal namin ni Hannah." sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko. Fake?

"E ano naman kung fake? Sa tingin mo ba magkakabalikan pa tayo?" marahan kong sabi. "May boyfriend na ako."

Tumango siya. "Boyfriend palang naman." aniya.

Ang lakas ng loob ah, pwes, dudurugin ko ang puso mo.

"Hindi kita mahal! Ang mahal ko na ngayon ay si Yohan."

"Ang sakit naman. Parang dinudurog mo puso ko." aniya habang hinihimas ang kanyang dibdib. Napangiti naman ako ng mapait. Yan, ganyan nga. Naranasan ko yan noon, ngayon ikaw naman ang durog na durog. Bakas sa kanyang mga mata ang lungkot.

"Sige, baba na ako." Tinalikuran ko na siya.

"Mamahalin parin kita kahit nasasaktan na ako." rinig kong sabi niya. Patuloy parin ang paghuhuramentado ng puso ko. Ewan ko ba. Humugot nalang ako ng malalim na hangin. Nang makababa na ako ng building ay dumiretso na ako sa gymnasium. Parang nakikisabay parin ang kabog ng dibdib ko sa lakas ng speaker pagkapasok ko ng gymnasium.

"Mandy, kanina pa kita hinahanap!" sigaw niya sa gitna ng malakas na music.

"May tinawagan lang ako." pagsisinungaling ko. Siguro, di niya kami nakitang magkasamang lumabas ni Xander. Hinila niya ako sa gitna para sumayaw. Nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan ni Xander na sumasayaw nang makita ako.

"Oh Mandy, ikaw pala yan." bati ni Vince.

"Lalo kang gumaganda." bulalas ni Miko. Nailang naman ako.

"Ano ngang name mo? I forgot." baling ni Miko kay Demi. Binatukan naman siya ni Niel. "Si Demi yan pre."

Natawa nalang si Demi.

"Have you seen Xander?" tanong sakin ni Harry.

"Nasaan na pala si loverboy?" sabi naman ni Niel.

"Ayun siya." turo ni Vince at tinawag si Xander. Hindi ako lumingon, alam kong nasa likuran ko na siya.

"Nagkamustahan na kami." rinig kong sabi ni Xander. Hinigit naman ako ni Demi sa gitna ng dancefloor at sumayaw siya. Ako naman, gumalaw lang ng konti ang katawan para masabing sumasayaw. Tumatawa nalang ako kay Demi dahil naghi-headbang na siya na parang baliw. Nahagip naman ng mga mata ko si Xander na marahang nakatitig sa akin. Umiwas naman ako sa titig niya. Heto nanaman ang paghuhuramentado ng puso ko. Siguro nagbubunyi lang ang heart ko dahil nagtagumpay siya na saktan si Xander. Bigla namang nagswitch ang music ng love song. Natigil tuloy ang sayaw ni Demi.

'Di kita malimutan, sa mga gabing nagdaan..

Ikaw ang pangarap,nais kong makamtan,

Sa buhay ko ay ikaw ang kahulugan.

Bumalik kami sa upuan. Humalukipkip nalang si Demi at ako naman ay pinanood ang mga nagsi-sweet dance.

Ikaw parin..

Ang hanap ng pusong ligaw,

Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan..

Palitan na nga ang music tsk! Napasulyap ako bigla sa gawi nila Xander. Napasecond look siya nang mapansing nakatingin ako sakanya. Umiwas naman agad ako ng tingin. Heto nanaman ang heart kong biglang kumalabog.

Mula noon..

Bukas.. At kailanman..

Mga alas-onse na natapos ang reunion party. Humikab ako habang tinatawagan si Yohan na susunduin daw kami. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na siya. Napaalam na kami sa mga naging classmate namin. Namataan ko naman na palabas na sila Xander. Pumasok na agad kami ng kotse ni Demi, siya sa backseat at ako naman sa front seat.

Habang nasa biyahe kami, Binuksan ni Yohan ang stereo. Napangiwi nalang ako dahil sa music.

You are my fire,

The one, desire.

Believe, when I say.

But I want it that way.

Naalala ko ang pagpapacute ng lima sa stage kabilang si Xander na kung todo kindat pa tsk!

Tell me why..

Ain't nothing but a heartache,

Tell me why,

Ain't nothing but a mistake,

Tell me why,

I'll never wanna hear you say

But i want it that way..

Naramdaman ko nalang ang pagsundot saking tagiliran.

"Babe, tulala ka na dyan, kanina pa kita kinakausap." Tumawa sila ni Demi.

"Ano ngang sabi mo?" tanong ko kay Yohan habang nagmamaneho.

"Ang sabi ko, date tayo bukas." aniya. Tumango naman ako. "Sige."

Hinatid namin si Demi sakanyang bahay, di naman pala kalayuan sa bahay namin.

"Good night babe." aniya sabay halik ni Yohan saking pisngi.

Nang nakahiga na ako sa kama, naalala ko naman ang pagkikita namin ni Xander. Haist, nakakainis 'tong nararamdaman ko. Bigla-bigla nalang sumikip ang dibdib ko.

Napamulagat ako sa paggising sakin ni nanay, tiningnan ko ang orasan, alas diyes na ng umaga.

"Anak, alam mo na ba yung balita sa tv?" alalang tanong ni nanay. Kumunot noo ako at umiling saka umupo sa kama.

"S-si Xander," nag aalangan niyang sabi.

"Naaksidente siya kasama ang mga kaibigan niya," Bumigat ang pakiramdam ko sa ibinalita niya. "Wala na daw si Xander."

Napahagulhol nalang si nanay at ako naman na hindi pa makapaniwala sa nangyari, para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"Nay, hindi yan totoo." iling ko. "Hindi pa siya patay. Nagsisinungaling ka lang." Tuluyan ng rumagasa ang mga luha ko. Parang pinipiga ang puso ko ng sobrang diin.

"N-nay h-hindi niya ako iiwan-" Yumakap naman si Nanay at pinatahan ako. Ang sakit na ng lalamunan ko, nahihirapan na akong magsalita. Humagulhol na ako ng tuluyan. Parang nahihirapan narin akong huminga. Namalayan ko nalang na niyuyugyog ako. "Nak, gising! binabangungot ka." Pagmulat ng aking mga mata, nakita ko ang nag aalalang mukha ni nanay at tatay. Napabalikwas ako saking hinihigaan. Panaginip lang pala. Ramdam ko parin ang mabilis na kalabog ng puso ko. Malamig ang pawis sa noo ko. Akala ko naman totoo na. Pinainom ako ni tatay ng tubig at hinahagod naman ni nanay ang likod ko.

"Sobrang sama naman ng panaginip mo." alalang wika ni tatay.

"Ano bang napaginipan mo anak?" tanong ni nanay.

Hindi ko naman kinwento sa kanila ang napaginipan ko.

Ano bang nangyayari sakin? Ba't naaapektuhan parin ako kay Xander? 


To be continued...

Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon