Chapter 20

734 26 1
                                    

"Can I have your number?" bungad ni Hiro paglabas ko sa classroom. Nagulat naman ako sa presensiya niya. Isa kaya siyang basketball star player.

"Uhm... Oo, pwede." sagot ko at nahihiyang tinipa ko na ang number ko sa phone niya.

Pumunta talaga siya dito para lang hingin ang cellphone number ko?

"Thanks! Kita na lang tayo sa cafeteria mamaya ah?" paalam niya sabay kindat. Ba't ba ang hilig-hilig niyang kumindat? Kinikilig tuloy ako. Konti lang naman.

Napansin ko na nakanganga ang mga kaklase ko at may mga bulong-bulungan din akong naririnig na halatang ako ang pinag-uusapan.

Pagkatapos ng nakaka-nosebleed na English class namin ay diretso naman ako sa kabilang subject.

"Ikaw ah! Sipain kita dyan eh!" sabi ni Demi na halatang kinikilig.

"Bakit ba?" tanong ko.

"Aysus! Halata namang kinikilig ka kay Hiro." panunukso niya sabay siko sa'kin.

Napasulyap naman ako sa pagdating ni Xander kasama ang mga kaibigan niya at diretso siyang umupo.

"Sinong mas gwapo? Si basketball player o si gangster?" biglang tanong ni Demi.

"Sinong gangster?" kunot-noo kong tanong.

"Si Xander." sagot niya. Hindi agad ako naniwala.

"'Di mo ba alam na ang estrangherong nakilala mo ay isang gangster leader?" 'di makapaniwalang wika ni Demi.

'Ah... Kaya pala.'

Naalala ko tuloy 'yung pakikipagsuntukan n'ya sa mga nagtangka sa akin at tsaka sa pagporma niya noon. Isa pala talaga siyang gangster.

"Pwede both?" sagot ko.

"Both-both ka d'yan. Sipain kita d'yan eh!" aniya.

***

After ng class, palabas na kami ni Demi nang biglang may humawak sa kamay ko at pagharap ko sa kanya, nanlaki ang mga mata ko. Siya ba talaga 'to na humawak sa'kin ngayon?

"Mandy, gusto ko sanang magpasalamat ulit sa pagkupkop mo sa'kin." sabi niya.

"Ah... You're welcome." naiilang na tugon ko.

"Gusto ko san—" naputol ang sasabihin n'ya nang may tumawag sa kanya.

"Let's go, Xander!" biglang dating ng kanyang fiancée.

"Okay." nilingon niya pa ako nu'ng makatalikod na siya.

"Tara na, friend!" aya sa'kin ni Demi.

Heto na kami ngayon sa cafeteria, kumakain kasabay si Hiro. Minsan napapansin ko na nakataas ang isang kilay ng ilang mga babae sa'kin kase naman katabi ko ang famous na basketball player.

"Mandy... P-pwede bang manligaw?" bigla niyang tanong.

'Oh my God!'

'Di ko alam ang isasagot ko. Napalingon na lang ako kay Demi na halatang kinikilig at sinasabing pumayag na ako.

"Ah eh... P-pwede." sagot ko. Napag-isip-isip ko na bigyan siya ng chance na ligawan ako. Sayang naman.

Tumango naman si Hiro na napapangiti at si Demi naman na parang nangingisay na sa kilig.

"Ah, b-bibili lang ako ng kape." sabi ko at dumiretso na ako sa pila.

Pagka-order ko ng kape, saktong pagtalikod ko ay may nabangga ako at diretsong natapon sa kanya ang hawak kong mainit na kape sa cup.

"Ay! S-sorry!" paghingi ko ng tawad.

Kumuha ako ng panyo sa aking bulsa at pagtingala ko, laking gulat ko dahil si Xander pala ang nabangga ko.

"Okay lang." sabi niya sabay hubad ng kanyang t-shirt dahil napaso siya.

Lumuwa ang mga mata ko sa nakabalandra niyang abs. Lumapit naman sa kanya ang fiancée niya.

"S-sorry talaga!" pag-uulit ko.

"Okay lang." tipid niyang sagot.

"Sa susunod kase tumingin ka sa dinaraanan mo!" bulyaw sa'kin ng fiancée niya.

Kumabog naman ang puso ko sa kaba.

"'Di n'ya naman sinasadya." pagtatanggol ni Xander. Lumapit naman si Hiro sa'kin at tinalikuran na ako nila Xander.

***

Dahil isang subject lang naman kami ngayong hapon, niyaya ako ni Hiro na mag-sine. Oo nga pala, pumayag ako kanina na ligawan niya ako.

Kaya heto ako ngayon kasama siya palabas ng gate and take note, bitbit nya pa ang shoulder bag ko kaya naman nakataas nanaman ang isang kilay ng mga fangirls niya. Parang gusto nila akong katayin sa mga tingin nila.

Nang makarating na kami ng parking lot ay pinagbuksan niya ako ng kotse niya at pumasok na ako. Grabe, ang bango naman ng kotse niya at siya pa ang nagkabit ng seatbelt sa'kin.

"May part time job pala ako mamayang six." paalala ko sa kanya.

"Kung magtrabaho ka na lang kaya sa bar ko? Doble pa ang sweldo mo." suhestyon niya.

At dahil du'n, nanlaki ang mga mata ko.

"Ano namang trabaho?"

"Waitress." sagot niya.

"Sige. Sasabihin ko na lang du'n sa manager ko na nakahanap ako ng ibang trabaho."

"You're hired." sabi niya.

Syempre tatanggapin ko na ang trabaho dahil doble pala ang sweldo eh.

"Salamat!" nakangiting tugon ko.

***

Grabe, super thrilling at nakakaiyak 'yung Train to Busan. Sa ngayon, kumakain kami sa isang restaurant.

"Nagka-boyfriend ka na ba?" tanong niya.

"Uhm, hindi pa." sagot ko. Lumawak naman ang mga ngiti niya at hinawakan bigla ang kamay ko.

"I'm so glad that I met you." nakangiti niyang wika.

Natahimik na lang ako sa sinabi niya.

Pagkatapos kong magpaalam sa dati kong pinagtatrabahuhan ay diretso na kami sa bar ni Hiro para magtrabaho.

Grabe, ang sosyal naman ng bar na 'to at ang lawak-lawak pa.

Pinakilala ako ni Hiro sa manager nitong bar at nagsimula na akong magtrabaho bilang waitress.

Pagpunta ko sa may VIP seats para tanungin ang o-orderin ng costumer. Laking gulat ko na nandito pala si Xander kasama ang mga kaibigan niya. Parang nakilala niya ako agad nang magtama ang aming mga mata.

"Dito ka nagtatrabaho?" tanong niya.

"Oo." sagot ko.

"Bro, pwede na 'yan!" nakangising sabi ng lalake.

Tsk. Anong akala nila sa'kin, call girl?

"Classmate natin siya, 'di n'yo ba nakikilala?" tanong ni Xander sa mga kasamahan niya.

"Ah... Kaya pala parang nakita ko na s'ya." sagot nu'ng isa.

All this time, 'di nila ako kilala kahit classmate nila ako?

Pagkatapos kong ibigay sa kanila ang kanilang order ay napaupo ako saglit dahil sa pagod. Iginala ko ang aking mga mata para hanapin si Hiro. Nagpaalam siya sa'kin kanina dahil may kakausapin daw siya.

"Mandy!"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin at nanlaki ang mga mata ko nang makita si...

"Xander? A-anong kailangan mo?"

"Pwede ba tayo maging magkaibigan?" tanong niya na ikinatuwa ko. Naglahad s'ya ng isang kamay.

"O-Oo naman!" tugon ko at nakipagkamay sa kanya.

"Friends!" sabay na sambit namin at napatawa sa isa't-isa.

***

to be continued...

Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now