Chapter 7

946 52 1
                                    

"N-Naruto, ano ba?! Ang bigat mo!" sabi ko at tinulak s'ya sa tabi. Napansin kong wala na pala siyang malay.

"Anak, anong ingay 'yan?" narinig ko ang boses ni Nanay. Mabuti na lang at naitulak ko s'ya agad. Baka naabutan pa kami ni Nanay na magkalapat ang mga labi.

"Oh, anong nangyari kay Naruto?" nag-aalalang tanong niya.

"Nalasing kase siya 'Nay tapos bigla siyang natumba." sagot ko. Tinulungan naman ako ni Nanay ibuhat si Naruto sa kabilang kwarto. Nahirapan pa kaming ibuhat ang lalakeng ito sa sobra bigat n'ya.

***

"Mandy, gising na. May naghihintay sa'yo sa labas." napamulat ako ng aking mga mata sa paggising ni Nanay sa'kin. Nahulaan ko naman agad kung sino ang naghihintay. Nagmadali na akong kumain at nag-ayos.

"Anak, manliligaw mo ba 'yan?" turo niya kay Harold na nakaupo sa kahoy na upuan namin sa sala.

"Ah hindi 'Nay!" pagsisinungaling ko. Baka kase sermunan niya na naman ako. Napasulyap ako sa kabilang kwarto kung saan mahimbing pang natutulog si Naruto tsaka pinuntahan ko na si Harold.

"Harold, linggo ngayon. Walang pasok." sambit ko.

"Gusto lang kitang makasama." nakangiting sabi niya sabay kindat.

"At tsaka gusto kong mamasyal dito." dugtong niya.

"Uhm... okay." tumango ako.

Pinakilala ko naman siya kay Nanay at pumunta na kami ng dalampasigan.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang naghubad ng t-shirt kaya tumambad sa'kin ang kanyang abs.

"Gusto ko mag-swimming kasama ka." sabi niya.

"Tara!" aya niya sabay hila sa'kin sa tubig.

"T-teka, ayoko!" pagpigil ko. Pero wala na akong nagawa dahil binasa niya na ako.

Nalaglag ang panga ko nang makita si Naruto na papalapit sa'min at naka-topless din siya. Mukhang nag-slowmo pa siya sa paningin ko.

"Gusto ko rin mag-swimming!" sambit niya sabay kindat sa'kin.

Hindi niya ba alam na ma-a-out of place lang siya sa'min ni Harold? Tss.

Napansin ko na naman ang titigan nilang dalawa na parang may gusto sila sa isat-isa o kaya naman parang nagpapahanga sila ng katawan sa harap ko. Anebeyen! Parang namamangka ako sa dalawang ilog neto ah. Hehe.

"Hoy, mag-swimming na nga tayo!" basag ko sa katahimikan.

"Tara, du'n tayo!" turo ni Harold sa floating cottage.

"Okay. Sasama ka ba sa'min?" tanong ko kay Naruto.

"Oo."

"Psh. Epal." rinig kong mahinang bulong ni Harold.

'Oh my god! Sana walang bangayang maganap.'

Tinungo naming tatlo ang floating cottage. Sila ang naunang umakyat at parehas silang naglahad ng kamay. Hindi ko naman alam kung kaninong kamay na nakalahad ang tatanggapin ko. Kaya ang tinanggap ko na lang ang kamay ni Harold sa pag-ahon ko sa tubig.

Tahimik kami hanggang sa makaupo na kami sa cottage nang biglang magsalita si Harold.

"May naaalala ka na ba, Naruto?" tanong ni Harold. Ikinuwento ko nga pala sa kaniya 'yung pagkakaroon ng amnesia ni Naruto.

"Wala pa." tugon ni Naruto.

"Siguro kapag bumalik na ang memorya mo, makakalimutan mo na si Mandy." sambit ni Harold.

Bigla namang natahimik si Naruto sa sinabi ni Harold at bakas sa kanyang mata ang lungkot.

Natanaw ko naman si Nanay na tinatawag ako. Baka may ibibilin siya sa'kin.

"Punta lang ako kay Nanay ah!" sabi ko sa dalawa at umalis sa cottage.

"'Nay, bakit?" tanong ko nang makarating na ako ng bahay.

"Anak, aalis lang ako. Kukuhanin ko kase ang pinadalang pera ng Papa mo." aniya.

"Ipagluto mo na lang 'yang bisita mo okay?" utos niya. Tumango naman ako.

Pagkaalis ni Nanay ay kinuha ko ang digicam sa bahay. Magse-selfie kaming tatlo para may remembrance. Hihi.

Pero agad kong nabitawan ang hawak ko nang matanaw sina Naruto at Harold na nagsusuntukan. Mabilis akong tumakbo papuntang cottage at inawat sila.

"Harold, tama na!" awat ko at pumagitna ako sa kanilang dalawa.

Nagsitigil naman sila agad at kapwa sila galit na nakatingin sa isat-isa.

"Ano ba kayo?!" galit kong sabi.

"Sorry Mandy... 'Eto kase eh!" sabi ni Harold sabay pahid ng dugo sa kanyang labi.

"Anong ako?! Ikaw kaya!" galit na tugon ni Naruto at nakita ko ring may dugo sa kanyang labi.

"Tama na!" galit ko pa ring sabi dahil nag-aaway na naman sila.

"Halika na Harold. Ihahatid na kita." aya ko sa kanya at iniwan si Naruto.

"S-sorry Mandy..." hinging-tawad niya.

"Pikunin pala 'yang si Naruto." dugtong pa nito.

"Sige na. Umuwi ka na't baka magsapakan ulit kayo rito." sabi ko.

Nang makaalis na si Harold ay padabog na pumunta ako sa loob ng bahay at bumuntong-hininga.

"S-sorry Mandy..." patawad ni Naruto habang nakayuko. Nandito na pala s'ya?

"Sa susunod, dapat mong matutunang kontrolin ang pagiging pikunin mo." sermon ko at iniwan s'ya roong nakayuko.

***

to be continued...

Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now