Chapter XVII

424 12 0
                                    


Makalipas ang mahigit dalawang taon, I'm finally back. Sabay kami ni Yohan umuwi ng Pilipinas, sabay din naming tinapos ang contract sa pagmomodelo. Sinalubong ako ni Nanay at tatay sa paglabas ko ng airport. Napatingin sila sa kasama ko.

"Hello po." bati ni Yohan sa mga magulang ko. Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi na may boyfriend na ako. Ang alam lang nila ay magkaibigan kami.

"Lalo kang gumagwapo Sasuke." sabi ni nanay at nagyakapan sila. Napatikhim naman ang tatay ko. Ginapangan ako ng kaba sa mga oras na 'to, paano kung tutol si tatay sa relasyon namin, haist! bahala na nga.

"Ah nay.. tay hmm b-boyfriend ko." mahinang sabi ko.

Nanlaki naman ang mga mata ni nanay, pero si tatay parang tumalim ang titig kay Yohan na ngayon ay napakayuko nalang.

"Sabi ko na nga ba eh." sabi ni nanay.

"Nagugutom na ako, kumain na tayo." sabi ko habang hinihimas ko ang tiyan ko.

Sumakay na kami ng taxi. Sabi ni nanay ay pinaghanda niya kami ng hapunan. Makalipas ang ilang minuto ay narating na namin ang bahay.

"Kailan pa naging kayo?" tanong ni tatay habang kumakain kami.

"hmm walong buwan na po kami." sabi ko sabay tingin kay Yohan na kumakain na nakangiti. Naghawakan naman kami ng kamay sa ilalim ng mesa. Tumango naman si tatay. Natapos naman ang kainan na panay ang tanong nila kay Yohan. Kung naipakilala na daw ako sa mga magulang niya. Oo nga pala, sa side naman ni Yohan, medyo mas kabado ako sa pamilya niya.

"Sige Babe, alis na ako." paalam niya. Tinawagan niya ang kanilang driver na dito siya sunduin sa bahay. Hinalikan niya ako sa pisngi at sumakay na siya ng kotse.


**


Kinabukasan, nagulat nalang ako nang makita si Demi pagkababa ko sa sala kausap niya sina nanay at tatay.

"Mygosh! ikaw na ba yan?" bulalas niya. Nagyakapan kami at nagkamustahan. Pumunta kami ng mall at kumain sa restaurant. Ayon sakanya, nagmigrate na ang pamilya niya sa Australia dahil nakapag asawa ang nanay niya ng isang Australian. Ang dami niyang kinwento, nagkaboyfriend siyang Australiano pero nagbreak din. Nahuli niya itong may ibang babae.

"But I'm already move on na, ikaw ba?" tanong niya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Syempre, meron na nga ako ngayong boyfriend eh."

Nanlaki naman ang mga mata niya. "Sino?"

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko at pinakita sakanya ang picture namin ni Yohan together.

"Ang gwapo naman ng pinalit mo kay Xander."

"Nga pala, meron pala tayong reunion ng batch natin sa makalawa, tamang-tama na nandito kana kaya sumama ka sakin ah?" aniya.

"Hmm pagiisipan ko." sagot ko.

"Anong pag iisipan? aattend tayo." matama niyang sabi. Wala na akong nagawa, mapilit talaga 'tong si Demi. Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami. Naabutan namin si Yohan sa bahay na nakikipagtawanan kausap sila tatay. Pinakilala ko naman si Demi sakanya.

"Ang hot naman ng boyfriend mo." nakangisi niyang bulong sakin bago umalis na ng bahay. At di nagtagal, umalis narin si Yohan. Gusto niya daw sanang makitulog dito pero nahihiya raw siya.

Nagdaan ang mga araw at heto ako, nakasuot ng simple yellow dress ngayong hapon.

"Maganda kana ba't ka pa nagpapaganda!" sabi ni Yohan nang naabutan niya ako dito sa kwarto na nagme-make up.

Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now