Chapter XX

573 11 0
                                    


1 month later..

Kaliwa't-kanan ang flash mula sa camera ang bumungad sakin pagka-apak ko sa catwalk. This time, daring naman ang aura ko. I'm wearing brown and orange dress.

Nang matapos ang show, paglabas ko ng dressing room agad kong nakita si Xander na kausap ang kapwa ko modelo. Siya si Venus ang nagsuot ng finale dress. Parang kinurot ang puso ko nang magbeso ang dalawa. Agad akong tumalikod at lumabas na ako ng hall. Ewan ko ba, kung nagsisisi ba ako na pinili ko ulit si Xander. Nakakatanga lang.

"Mandy!" rinig kong tawag sakin ni Xander. Humarap ako at pinanlisikan siya ng mga mata.

"B-bakit?" nauutal niyang tanong.

"Tapos ka na bang makipaglandian?" mariin kong tanong. Kumunot ang noo niya.

"ah si Venus, nagkamustahan lang kami, classmate ko siya nung highschool." sagot niya.

"Are you jealous? alam mo naman na ik-"

Di ko na siya pinatapos magsalita at tinampal ko ang mukha niya.

"Aray!" daing niya.

"Para di ka na mangamba, pakasalan mo na kaya ako." aniya.

"Hi Xander!" napalingon ako sa babaeng bumati. Maganda siya at sexy. Lumapit siya samin at nagpa-cute siya kay Xander.

"Sige na, maglandian kayo diyan." bulong ko at tinalikuran na silang dalawa.

Hinigit naman ang kamay ko ni Xander.

"Halika na, hatid na kita." aniya.

"Wag na, makipaglandian ka nalang sakanya." sabi ko sabay lingon dun sa babaeng nakataas na ang kilay sakin.

Bumuntong-hininga nalang si Xander. Tinalikuran ko na siya at pumara ako ng taxi.


**


Kinabuksan ay may pictorial kami sa isang beach resort sa Quezon. Nakasuot ako ng breezy skirt at may malaking hat sa ulo. Bale tatlo kaming babae at tatlong lalake. Hapon na kami natapos. Pansin ko ang makulimlim na kalangitan na nagbabadyang umulan. Nang akmang aalis kami, napansin ng photographer na kulang kami ng isa. Si Shiela. Nasaan naman kaya yun? Hinanap namin siya. Sinubukan naming tawagan siya ngunit unattended ito. Pumasok kami sa gubat at naghiwa-hiwalay.

"Shiela!" sigaw ko.

Dumilim na ang paligid at bumuhos ang napakalakas na ulan.

Humanap naman agad ako ng masisilungan ngunit wala akong mahanap. Basang-basa na ako sa ulan, halos nanginginig narin ang katawan ko sa lamig. Sobrang dilim na ng paligid at hindi ko na alam kung saan ako tutungo, naliligaw na yata ako. Naman kase eh! Dahil tumulong ako sa paghahanap, heto ako parang basang sisiw na naliligaw sa gitna ng gubat. Yakap ko ang aking sarili habang tinatahak ang gubat. Ang tanga ko naman. Ba't di ko sinaulo ang daan. Arrgh!

Umupo nalang ako sa ilalim ng puno. Nanginginig na ang labi ko sa lamig. Hinihiling ko na sana dumating si Xander, pero imposible dahil di ko sinasagot ang tawag niya kanina dahil naiinis ako sakanya. Iniwan ko pa yung cellphone ko sa van. Malas talaga tsk badtrip!

Hanggang sa may maaninag akong bulto ng isang tao di kalayuan. Tumayo ako at sumigaw ng tulong. Natutukan niya naman ako ng flashlight.

"Mandy!" narinig ko ang pamilyar na boses. Si Xander. Niyakap niya ako ng mahigpit hanggang sa hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap niya.

Kumalas narin siya ng yakap.

"Halika, may nakita akong kubo doon." turo niya at hinigit na ako. Narating namin ang isang lumang kubo. Pumasok naman kami.

"Buti nalang talaga ay may numero ako ng ka-trabaho mo." aniya.

"Sino?" takang tanong ko.

"Si Venus." Inirapan ko naman siya.

"Hiningi ko lang naman ang number niya dahil minsan hindi mo sinasagot ang mga tawag ko." paliwanag niya. Natahimik nalang ako at niyakap ko ang sarili ko. Malakas parin ang ulan at kumukulog.

"Wala ka kasing tiwala sakin e," aniya.

"Kung pakasalan mo na kaya ako para makulong mo ako."

Humugot naman ako ng malalim na hininga. "Sige." tipid na sagot ko. Parang uminit naman ang pisngi ko.

"T-talaga? Yes!" sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Haist! wala akong singsing di ko nadala." aniya.

"Okay lang." sagot ko.

"Heto nalang." aniya at nagulat ako nang bigla niya ako halikan ng marahan sa labi. Kumalabog ng husto ang puso ko at uminit ang pisngi ko. Di ko namalayan na tumugon ako sakanyang mga halik.

Hanggang sa bumaba ang kanyang halik saking leeg. Uminit naman ang pakiramdam ko at parang nawalan na ako sa huwisyo. Hinayaan ko nalang siya nang dumampi ang kamay niya sa dibdib ko at unti-unting nahubad ang damit ko. Napaupo kami sa isang kama at pinaibabawan niya na ako. Hinubad niya ang kanyang t-shirt at pantalon, naka boxers nalang siya. At hinalikan niya akong muli.

Sa gitna ng gubat, di ko akalaing mangyayari 'to samin. Saksi ang gubat, malakas na ulan at kulog.


Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now