Chapter 6

1K 51 4
                                    

Nakaupo lang ako dito sa dalampasigan at nakatingala sa mga bituin. Hinihintay ko si Nanay. Parang lutang ako na hindi ko alam. Dahil siguro 'to du'n sa alamat ng Isla Halaton.

"Naruto!" nagulat na lang ako nang biglang sumulpot si Mabel.

"Asan siya?" tanong niya at itinuro ko naman na ang bahay namin.

"Bakit?" biglang lumabas si Naruto sa bahay. Narinig n'ya siguro ang malakas na boses ni Mabel.

"Iniimbitahan kita sa debut ko at kasama ka sa 18 roses." masayang sabi niya sabay bigay ng invitation card kay Naruto.

'Sana 'di siya pumayag.'

"Oh sige. Pupunta 'ko." pagpayag niya at tinanggap ang invitation card.

'Haist!'

"Okay. Hihintayin kita sa party ah? Bye!" masayang sabi niya.

***

"Ano 'yung debut at kasali daw ako sa 18 roses niya? Ano 'yun?" kunot-noo niyang tanong.

Pambihira naman oh! Hindi n'ya alam ang debut?! Kapag nagka-amnesia, makakalimutan pati ibang words?

"Basta labing-walo kayong lalake na sasayawan ang debutant!" sagot ko at tumango na lang siya.

Hay! Sa wakas dumating na rin si Nanay na may dalang mga pasalubong.

***

Napamulat ako ng mga mata at nagmadali na akong nag-ayos. Pagpasok ko ng kusina, nakita ko na may mga pagkain na nakalapag sa mesa.

"Good morning Mandy!" nakangiting bati ni Naruto.

In fairness, hindi na sunog ang hotdog na pinirito n'ya.

"Goodmorning din." bati ko sabay upo para kumain ng mga niluto n'ya.

Saktong paglabas ko ng bahay, napatalon ako sa gulat nang makita si Harold.

"Hi Mandy. Susunduin na kita." aniya.

"N-nag abala ka pa. Tsaka nakaka—"

"Halika na. Baka ma-late na tayo." aya niya sabay hawak sa kamay ko.

Nakita ko naman si Naruto na nakatingin sa'min at sandali silang nagkatitigan ni Harold. 'Wag mong sabihing may pagtitinginan sila sa isa't-isa? Hehe.

***

Nang uwian na, 'di na 'ko nagulat dahil nakaabang sa'kin si Harold sa labas nitong school para ihatid ako sa bahay.

"Tara!" aya niya at inakbayan ako.

"Alam mo Harold, nakakahiya na talaga sa'yo." tugon ko.

"Okay lang. Ganito talaga kapag nanliligaw." nakangiting sagot niya.

Sumakay nalang ako at pinaharurot niya na ang kotse n'ya. Ilang sandali lang ay nandito na agad kami sa may dalampasigan.

"Salamat!" sabi ko at sinara ang pinto ng kotse n'ya.

"Welcome!" tugon niya sabay kindat sa'kin.

Bakit parang hindi umeepekto sa'kin ang pagkindat niya. Halos dalawang buwan na n'ya 'kong nililigawan pero hindi ako kinikilig. Gwapo naman siya pero... Ay, ewan!

***

"Mandy! Hindi pala ako marunong sumayaw." bungad sa'kin ni Naruto.

"Turuan mo 'ko." sabi niya.

"Bakit? Kailan ba ang debut ni Mabel?"

"Bukas na."

"Okay. Ganito lang." ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang balikat at pinahawak ko naman sa kanya ang bewang ko. Nagkatinginan kami at nagulat na lang ako nang bumilis ang tibok ng puso ko.

Nakangiti lang siya habang sumasayaw kami nang dahan-dahan.

"Ganu'n lang." sabi ko nang medyo nage-gets na n'ya.

"Ang galing naman ng anak ko."

Nagulat kami. Nandito na pala si Nanay? Napanood n'ya kaya kami?

"Anong ginagawa n'yo?" tanong ni Nanay habang may nakakalokong ngiti.

"'Nay, tinuturuan ko siya sumayaw para sa debut ni Mabel. Kasali kase siya sa 18 roses." paliwanag ko.

"Bagay pala kayo anak." kinikilig na tugon ni Nanay na ikinapula ng pisngi ko.

"Ewan ko sa'yo, 'Nay."

***

Bongga! Binigyan pala si Naruto ng maisusuot sa debut ni Mabel.

"Okay na ba 'to?" tanong niya paglabas ng kwarto. Parang lumuwa ang mga mata ko nang makita siyang nakasuot ng coat.

Ang gwaaaapo n'ya!

"Wait, aayusin ko lang ang necktie mo." lumapit ako sa kanya at inayos ang kanyang necktie.

Sosyal pala ang debut ni Mabel dahil sa hotel sa labas ng isla ang venue.

"Okay na."

"Sige, alis na 'ko." paalam niya.

Teka, alam n'ya kaya kung saan 'yung hotel?

**

Alas-onse na. Mahimbing na ang tulog ni Nanay samantalang ako ay hindi makatulog kaiisip kay Naruto. Baka lasing na 'yun o kaya naman pinagtripan ng mga lasing sa daan.

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may kumatok sa pinto. Pumunta ako sa pinto at sinilip ko sa maliit na butas kung sino ang kumakatok.

"Bakit ngayon ka lang?" bungad na tanong ko pagbukas ko ng pinto.

Naamoy ko naman agad na amoy alak siya.

"Uminom ka 'no?"

"P-pinainom k-kasi ako ni M-Mabel..."

Napasinghap ako nang matumba siya sa'kin dahil sa sobrang kalasingan. Pinaibabawan niya ako kaya amoy ko ang kanyang mainit na hininga at naramdaman ko na lang ang kanyang labi na nakalapat na pala sa labi ko.

***

to be continued...

Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now