Chapter 32

560 22 0
                                    

Dahan-dahan akong naglakad papasok ng chapel nitong ospital. Nangangatog ang mga tuhod ko dahil sa sobrang pagod. Lumuhod ako sa altar at nagdasal.

"Lord, 'wag n'yo po munang kukunin si Xander, parang awa n'yo na po. 'Wag n'yo po s'yang pababayaan." panalangin ko sabay punas ng aking mga luha sa mata ko.

Pagkatapos kong magdasal, bumalik na ako sa ICU at nakita ko ang mommy ni Xander na nakatayo at hindi mapakali.

"Mandy!" tawag nito sa'kin at niyakap ako.

"K-kasalan ko po kung bakit nangyayari ito kay Xander." hikbi ko habang nakayakap pa rin siya.

"No! Don't blame yourself." aniya at pinupunasan ang mga luha sa mata ko.

"It's Amina's fault, not yours!" galit na sabi niya.

"Malakas si Xander. Hindi n'ya tayo agad iiwan." positibong sabi niya sabay pahid rin ng kanyang mga luha.

"Anak!" tawag ni Nanay at agad din akong niyakap sabay pagpapatahan sa likod ko.

Matapos ang mahigit dalawang oras na operasyon kay Xander, sinabi ng doktor na successful ang operasyon. Natanggal na nila ang balang tumama sa kanang dibdib ni Xander pero gumuho ang mundo ko sa huling sinabi ng doktor na comatose daw si Xander.

***

2 weeks later...

"Hoy, Naruto! Gumising ka na please!" pagmamakaawa ko habang pinagmamasdan ko lang ang mukha niya. Parang nadudurog ang puso ko na makita siya sa ganitong sitwasyon; maraming nakakabit sa katawan. Huminga na lang ako nang malalim at pinigilan ko ang pag-iyak.

"Uy, 'wag mo 'kong iwan ah?" pakiusap ko habang hinahaplos ang mukha niya. Sinariwa ko naman lahat ng alaala namin ni Xander, nu'ng nagtagpo ang mga landas namin. Noong nakita ko siyang nakahandusay sa dalampasigan at walang malay, 'yung pagligtas niya sa'kin sa mga lalake, at pagpunta namin dito sa Maynila, hanggang sa hindi niya na ako maalala.

"Mandy, umuwi ka na muna sa inyo." biglang bungad ng mommy niya.

"Sige po." sabi ko at tinitigan ko muna si Xander bago umalis.

***

"Ano, Bes? Kamusta si Xander?" malungkot na tanong sa'kin ni Demi dito sa classroom.

"'Yun. Tulog pa rin." matamlay kong tugon.

"Kung i-kiss mo kaya s'ya? Baka sakaling magising 'yun!" aniya.

Hmm... Sige nga. Try ko mamaya. Baka magising na talaga siya kung ganu'n.

"Eh kumusta naman si Niel?" tanong niya.

"Okay na s'ya. Hindi naman daw kritikal ang kondisyon niya." sagot ko.

"Concern ka, 'no?" panunuya ko.

"H-hindi ah!" tanggi niya.

"Si impaktang Amina pala. Anong balita?" tanong niya.

"Ayun. Nabalitaan ko, nakakulong daw." sagot ko. Hindi talaga ako makapaniwala na kaya niyang gawin na makipagpatayan para lang makuha ang taong mahal niya. Tsk. Magsama sila ng Harold na 'yun.

Lutang lang ang diwa ko hanggang matapos ang klase. Parang wala akong natutunan ngayong araw. Hindi rin ako ginaganahan kumain.

"Ilan ang grades mo?" tanong ni Demi.

"2.75." walang gana kong sagot. Bumaba ang grades ko kung kailan naman patapos na ang semester. Buti na lang nanalo ako sa pageant dahil full scholarship ang nakuha ko next sem.

"Kumusta, Mandy!" Bati sa'kin ni Hiro dito sa cafeteria at umupo siya sa tabi ko.

"Kamusta na pala si Xander?" tanong niya.

Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon