Chapter 4

1.2K 59 4
                                    

"Naruto!"

Napasigaw ako nang akmang sasaksakin s'ya ng isang lalake. Mabilis naman siyang lumingon at nakailag. Hinawakan n'ya ang pulsuhan nung lalake hanggang sa mabitawan nito ang kutsilyo.

Pagkatapos, pinagsusuntok niya 'yung lalake hanggang sa mawalan ito ng malay. Grabe, ang galing niya naman makipaglaban. Para s'yang bihasa sa pakikipagsuntukan.

Hinila niya na ako papalayo sa mga lalakeng tulog na tulog na dahil sa pambubugbog ni Naruto. Para namang may kuryenteng dumaloy sa sistema ko nang magdikit ang aming mga kamay.

Hingal na hingal kami katatakbo. Napahawak ako sa tuhod ko nang tumigil kami. Luminga-linga siya sa paligid, tinitingnan kung nasundan ba kami nung mga lalake.

***

"Pa'no ka pala nakapunta dito?" takang tanong ko sa kanya pagkasakay namin ng tricycle.

"Sinundan kita kahapon kaya nalaman ko kung sa'n ka nag-aaral." sagot niya.

"Buti nalang may dala akong pera- 'yung ibinayad sa'kin ni Mang Kanor sa pangingisda." dugtong pa nito.

"Salamat ah? Kung hindi ka dumating, ewan ko nalang kung anu na'ng nangyari sa'kin." wika ko.

Ilang minuto lang, nakarating na kami sa may dalampasigan. Bumaba kami ng traysikel at naglakad papuntang bahay.

"'Wag mo palang ikwento kay Nanay ang nangyari ah? Mag-aalala lang 'yun sa'kin." paalala ko nang makarating na kami sa bahay. Papasok na kami nang may magsalita sa likuran namin.

"Naruto!" napalingon kami ni Naruto nang maarteng tawagin s'ya ni... Mabel? Anong ginagawa n'ya dito?

"Kilala mo siya?" takang tanong ko habang nakaturo ang daliri ko kay Naruto.

"Ikaw naman Mandy. May nakatira pala dito sa inyong gwapo, hindi mo man lang sinabi sa'kin." kinikilig na sabi ni Mabel.

Aba! Feeling close masyado nito ah? Dati kung tarayan ako nito, wagas na wagas eh.

"At tsaka ang astig ng name niya. Bye, Naruto!" dugtong pa ni Mabel at naglakad na ito papalayo.

"Halika na, Naruto." hinila ko si Naruto papasok ng bahay.

***

Hindi ko maaninag kung sino ang lalakeng kaharap ko. Basta iyak ako nang iyak habang nakayakap sa kanya hanggang sa naglaho na lang siya na parang bula.

Napamulat ako ng aking mga mata kasabay ng malakas na kabog ng puso ko. Teka, sino kaya siya? May malaking kaugnayan kaya siya sa buhay ko?

"Anak, magtatrabaho na ako sa hacienda." bungad sa'kin ni nanay pagkagising ko.

Mamaya pa pala ang pasok ko kaya mag aaral nalang ako para sa recitation mamaya. Teka, nasaan pala si Naruto?

Lumabas muna ako at hinanap siya. Nasa'n kaya 'yun? Lumabas aki ng bahay para hanapin si Naruto.

May narinig naman akong kaluskos mula sa isang kubo. Lumapit ako doon at dinikit ko ang aking tenga sa pinto.

"Dahan-dahan lang ah?" rinig kong sabi ng babae.

Pero teka... Kilala ko ang boses na 'to. Si... Mabel?!

"Oo, dadahan-dahanin ko lang..." rinig kong sabi naman ng lalake at boses 'yun ni Naruto.

"Ahhh!"

Napatakip na lang ako ng bibig sa aking naririnig. Jusme! Sana mali ang nasa isip ko, amp.

"Oh. Okay na ba?" tanong ni Naruto.

"Mashaket pa rin eh..." maarteng sagot ni Mabel.

Nagulat ako nang mahila ko ang pinto dahilan upang bumukas ito.

"Mandy!" gulat nilang sabi. Nakita ko ang 'ginagawa' nila. Nakahawak si Naruto sa kaliwang paa ng nakaupong si Mabel.

"A-anong ginagawa niyo?" kunot-noo kong tanong.

"Natinik kase si Mabel sa paa ng matulis na kahoy kaya inalis ko." paliwanag ni Naruto.

"Oo, Mandy." sagot naman ni Mabel. 'Di ko naman s'ya tinatanong.

Tumango na lang ako at tinalikuran na sila.

Ang green ko naman masyado! Hehe!

***

"Wag ka ngang sasama sa babaeng 'yun." pagtataray kong sabi kay Naruto pagpasok niya ng bahay.

"Inaalok niya nga ako kaninang mamasyal pero sabi ko ayoko." wika n'ya.

"Dahil ikaw ang gusto kong makasamang mamasyal." aniya habang kagat ang pang-ibabang labi.

Ba't ba ang hilig-hilig ng lalakeng 'to kagatin ang labi n'ya? Natutukso tuloy ako.

Napailing na lang ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

***

Third Person's POV

"Buhay pa ang anak ko! Hindi pa siya patay!" galit na saad ng isang babae.

"Tanggapin na natin na wala na talaga si Xander." malungkot na sabi ng ama nito.

Nabalitaan nila na may bangkay ng isang lalake na natagpuan sa pangpang at ito'y naaagnas na at 'di alam ang pagkakilanlan.

"Hindi siya ang anak ko!" galit na sabi ng babae.

"Buhay pa siya!" positibong sabi nito, hindi nawawalan ng pag-asang buhay pa ang kanyang nawawalang anak.

***

to be continued...

Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now