Chapter IX

373 9 0
                                    

I compose myself. Hingang malalim Mandy. Then, chin up. Ipakita mo na di ka na affected sa kanya.

Lumabas na siya ng elevator at kaharap ako. Para naman kaming nagpatintero dahil kung sa left ako, sa left ko din siya kaya naman nagkabanggaan kami. Nahulog tuloy ang hawak kong folder. Yumuko agad ako para pulutin ang folder sa sahig ngunit nagka untog ang mga ulo namin.

Aray ko!

Napasapo nalang ang kamay ko sa noo ko. Ang sakit talaga. Parang sa bakal ako nauntog.

"S-sorry.. sorry..." rinig kong sabi niya. Hinawi ko ang kamay niya na nakahawak sa ulo ko. Myghad! Anong klaseng eksena 'to? Napaka awkward. Kainin na sana ako ng lupa ngayon din.

Paulit-paulit siyang nagsorry sa'kin. Well, hinding-hindi ko matatanggap ang sorry niya. Kahit 1 million times pa 'yan. I will never forgive him until my last breath.

"Okay lang ako." kalmado kong sagot. Napatingala ako sa kanya. Nagtama ang aming mga mata. Wala paring pinagbago ang hitsura niya. Gwapo parin at nagmukha na siyang disenteng businessman. Ayos ah!

"Xander!" napalingon ako sa tumawag na si Ms. Hannah.

At ngayon, naalala ko na kung sinong babae 'to. Siya ang fiancé ni Xander, ay asawa na pala.

Ting!

"Goodbye Ma'am." paalam ko at sumakay na agad ako ng elevator.

Jusko! Parang ang bigat ng aking paghinga. Para akong hihimatayin sa kaba.

--

Para na akong baliw kinagabihan, kase naman nire-reenactment ng isipan ko ang nangyari kanina.

Haist, nakakainis....

Sa dinami-dami kong pwedeng pagtrabahuan ay doon pa talaga sa kompanya ng asawa niya. What a small world nga naman. Kung sa inaakala niyo ay magreresign ako pwes hindi. Dahil ipapakita ko sa kanya na nakapagmove on na ako.

Kinaumagahan, parang napatalon ako sa gulat nang may nakaparadang kotseng pula sa tapat ng bahay namin. Nakasandal si Sasuke sa kotse.

"Hi good morning." nakangiting bati niya. Ngumiti naman ako ng tipid.

"Hmm hatid na kita." aniya. Nahiya naman ako.

"Ah wag na--"

"Sige na please..." aniya. Bumuntong hininga ako. Okay. Tumango ako. Mabuti narin 'to para di ako ma late.

Rich kid pala ng taong 'to. Parang si Xander lang.

Mabilis kaming nakarating sa pinagtatrabahuan ko.

"Thanks Yohan." sabi ko.

"Welcome." aniya sabay kindat.

Natapos ang buong maghapon na wala naman nangyari. Naging focused lang ako sa trabaho ko.

Humikab ako at nag ayos na ng gamit.

Magpapaalam na sana ako kay Ms. Hannah nang maaninag ko si Xander na kausap niya sa loob ng opisina. Glass kase ang dingding kaya nakita ko sila.

Hingang malalim at magpakawala ng hangin.

"Excuse me po ma'am." sambit ko sa may pinto.

Pareho silang napatingin sakin.

"Alis na po ako." paalam ko. Nakangiting tumango si ms. Hannah.

Ni hindi ko manlang sinulyapan si Xander pero sa gilid ng aking mga ay tinitingnan niya ako.

Pumihit na ako palabas at sumakay ng elevator.

Sarap hambalusin ang pagmumukha niya. Nakakairita siyang tingnan parang nagpapaawa. Tss...

Sa paglabas ko ng building, laking gulat ko nang makita si Sasuke-- ay este Yohan. Nakasandal siya sa kanyang kotse habang pinaglalaruan ang susi.

"Hatid na kita." aniya.

Napanganga na lamang ako. Papayag ba ako?

"Nag abala ka pa." sabi ko.

Nagkibit-balikat siya. "Gusto ko lang na ihatid ka."

"Hmm okay, sige na nga." sabi ko.

Binuksan niya ang pinto sa front seat. Pagpasok ko, namataan ko si Xander na nakatingin sa direksyon namin. Kasama niya si ma'am Hannah palabas ng building.

Pinaandar na ni Yohan ang kotse. Muli akong tumingin kay Xander na malalim ang tingin na nakatanaw samin.

To be continued.....

Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now