Chapter 10

898 43 0
                                    

'Lasing siya kaya hindi niya maaalala ang nangyari kagabi. Oo tama, lasing siya. Hindi n'ya maaalala ang ginawa n'ya.' kumbinsi ko sa aking sarili.

Pero grabe, ang lambot pala ng labi niya. Parang marshmallow.

'Ay, ano ba 'yan Mandy! Kalimutan mo na nga yung kiss!'

Pero hindi eh! Big deal kaya 'yun para sa'kin dahil kiss 'yun.

Kung nu'ng una ay nagdampi lang ang aming mga labi in just one second, kagabi naman, mga 4 seconds ata 'yun. Binilang ko talaga! Waaahhh! Parang hihimatayin ata ako ngayon!

"Hoy!" nagulat ako nang bigla akong tapikin nang malakas ni Mira.

"Ay kiss! Bakit ba?!" irita kong tanong sa kanya. 'Di n'ya ba alam na muntik na akong atakihin sa puso dahil sa ginawa n'ya?

"Ansabe ko, anung nangyare sa episode kagabi ng Goblin?! Brownout kasi sa'min kagabi." tanong niya.

"'Di ko alam." inis kong sagot sa kanya.

"Hoy Bes! Anong 'yung sinabi mong kiss kanina?" biglang singit ni Gelai.

"Oo nga! Narinig ko rin 'yun." sabi naman ni Jessa habang nagbabasa sa Wattpad.

"Ah a-ano k-kase, 'yung binabasa ko sa Wattpad. Oo tama, 'yung nag-kiss 'yung bida. 'Yun 'yung nasa isip ko." palusot ko. Tumango na lang sila.

"Nagbabasa ka rin pala sa Wattpad." sabi ni Jessa. Buti na lang talaga nailusot ko dahil kung ikukuwento ko pa sa kanila ang nagyari kagabi, baka mag-ingay pa sila dito sa library.

***

"Mandy! Gusto mong mamasyal tayo ulit? O kaya nuod na lang tayo sa sine?" bungad sa'kin ni Harold pagkalabas ko ng school.

'Papayag ba ako o hindi?'

"Next time na lang ah? May gagawin kase ako eh." pagsisinungaling ko.

"Ahh... okay." malungkot siyang tumango. Mabuti na rin ito para 'di na siya umasa sa'kin. 'Di ko naman siya gusto eh.

***

Harold's POV

Ilang buwan na 'kong nanliligaw kay Mandy pero ngayon lang nangyari 'tong pag-iwas n'ya sa'kin. Siguro gusto n'ya 'yung Naruto na 'yun kaya ayaw na n'ya sa'kin. Lalake ako. 'Di ako tanga.

Leader ako ng isang gang. Lahat ng gusto ko, nakukuha ko. Kaya hindi ako makakapayag na agawin ng lalakeng 'yun ang babaeng gusto ko. Hindi-hindi!

"So, anong binabalak mo?" tanong sa'kin ng mga kasamahan ko.

"Edi alam na!" nakangisi kong sagot.

***

Mandy's POV

Pag-uwi ko ng bahay, agad akong nagmano kay Nanay.

"Oh, anak. Nasa'n si Naruto?" takang tanong niya.

"Ewan ko po." kunot-noo kong sagot.

"Pero sabi niya, susunduin ka raw n'ya..." tugon ni Nanay.

"Hindi ko naman po siya nakita." sabi ko. Kung nandu'n siya, edi sana nakita ko agad siya dahil sa gate siya palagi nag-aabang.

Agad naman akong nag-text kay Jessa dahil may practice pa 'yun sa cheering squad kaya siguradong nandun pa 'yun. Ilang minuto lang, nag-reply s'ya. Wala raw do'n si Naruto.

Saan kaya 'yun pumunta?

"'Nay, hahanapin ko lang si Naruto!" paalam ko.

Dali-dali naman akong bumalik ng school at hinanap siya. Parang kinutuban ako nang may narinig akong dalawang lalakeng nag-uusap malapit sa gate.

"Basta p're! Nakita ko! Pinasok 'yung lalake sa van!" paliwanag ng isang lalakeng mukhang takot na takot.

Agad naman akong lumapit sa kanila.

"Uhm mga kuya, totoo po ba'ng narinig ko? M-may n-nakidnap na lalake dito?" kabado kong tanong. Nagkatinginan silang dalawa at parang nag-alangan.

"Baka po kase kilala ko 'yung nakidnap." dugtong ko.

"Ahh... Hindi ko nakilala 'yung lalake. Basta may suot siyang panyo sa ulo." sagot nung witness.

Lumaki ang mga mata ko. Posibleng si Naruto ang tinutukoy niya!

"Uhm, pogi po ba? Maputi? Matangkad?" tanong ko.

"Nakatalikod kasi eh. Pero matangkad!" tugon niya.

"Hindi n'yo po ba namumukhaan kung sino kumidnap sa kanya?"

Napansin ko naman ang panlalaki ng mga mata n'ya. Dali-dali syang umiling. Sa tingin ko, kilala niya.

"H-hindi eh!" sagot niya.

Parang lalong sumama ang kutob ko na baka nga si Naruto 'yun.

"Please! Alam ko pong kilala niyo kung sino kumidnap sa kanya. Nagmamakaawa na po ako... Sabihin n'yo po sa'kin ang totoo..." pagmamakaawa ko. Kulang na lang ay lumuhod ako sa harap nilang dalawa.

"Sa tingin ko, sasakyan 'yun ng Red Warrior Gang." sagot ng kasama nung witness.

"Red Warrior Gang?" takang tanong ko. Naririnig ko na dati ang pangalan ng gang na 'yan. Kung hindi ako nagkakamali, miyembro d'yan si Harold.

Nakita ko naman si Harold sa peripheral vision ko na sumakay ng kanyang kotse. Kakausapin ko sana siya nang bigla na lang umandar ang sasakyan nito. Mabuti na lang at may dumaang taxi. Agad ko itong pinara at sumakay.

"Manong, pakisundan po 'yung kotseng 'yun!" turo ko sa taxi driver nang makasakay na ako. May kutob ako na baka may kinalaman si Harold sa pagkawala ni Naruto.

Patuloy naming sinusundan ang kotse ni Harold hanggang sa tumigil siya sa isang abandonadong warehouse.

"Dito nalang po." sabi ko sa driver sabay bayad ko ng pamasahe. Mabuti na lang at dala ko ang wallet ko.

Unti-unti akong naglakad papalapit sa warehouse hanggang sa nakapasok na ako sa loob. Nagtago ako sa likod mga gamit para hindi nila ako makita.

Nakita ko si Harold na kausap ang ibang lalake. Tatawag sana ako ng pulis para rumesponde sila kaso kung minamalas ka nga naman ay wala akong load. Tsk.

Muli akong sumilip kina Harold. Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Napatakip ako ng kamay sa bibig sa aking natunghayan.

Iniupo nila si Naruto na mukhang walang malay at iginapos sa isang upuan.

Naruto...

***

to be continued...

Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon