Chapter X

390 11 0
                                    




Kinabukasan ay sinundo na naman ako ni Yohan. Sinabihan ko na siya na wag na akong sunduin ngunit mapilit siya.

"Salamat." sabi ko. Ngumiti siya at pumasok na ako ng building.

Founder pala ng isang foundation si ma'am Hannah, sa schedule niya ay may charity program siyang dadaluhan sa isang orphanage. Maghapon naman na wala si Xander, buti naman. Pero laking gulat ko sa sumunod na araw ay makakasama siya sa charity program kasama kami. Sumakay na sila sa kotse at sumunod naman kami. Nakasakay ako sa isang van kasama ang apat kong ka-officemate.

Malayo ang bahay hampunan na pupuntahan namin na nasa Zambales pa. Pagkalipas ng mahigit isang oras ng byahe namin ay narating na namin ito.

"Good morning children!" masayang bati ni Ma'am Hannah. At bumati rin ang mga musmos pang bata. Ang tantsa ko ay nasa 50 sila kadami.

"Nandito kami para pasayahin kayo." sabi ni ma'am hannah. Bakas naman sa mga mukha ng mga bata ang saya.

Kinuha na namin sa van ang mga regalo.

"Ako na." nagulat ako sa pagsulpot ni Xander.

"Kaya ko na 'to." sabi ko sabay bitbit ng mga paper bags. Ewan ko ba, bigla nalang nanikip ang dibdib ko sa presensya niya.

Pinilit kong ngumiti habang binibigay ang mga regalong mga damit at laruan. Nirequest naman bigla ni ma'am Hannah samin na sumayaw at kumanta kami. Nakaramdam naman ako ng hiya. Sasayaw?

Nagpalakpakan naman ang mga bata nang magsimula na kaming sumayaw. Buti nalang easy lang step at hindi kami pina tumbling. Nahagip ng mga mata ko si Xander na nakatayo sa gilid at tinititigan ako. Binalewala ko nalang ang titig niya. Tss..

Nang matapos na kaming um-intertain ay pinakain na namin ang mga bata. Bigla namang lumapit samin si ma'am hannah.

"Hmm kailangan ko ng mauna sainyo. Emergency meeting. Xander, samahan mo sila." aniya at mabilis na tinalikuran kami.

"Di siya sasama?" nguso ko kay Xander na hinatid sa labas si ma'am hannah.

"Hindi. Buti naman, makakajoin natin siya maghapon hihi! Ang gwapo ni sir noh!" sabi ng kaworkmate kong si Nichole.

Napangiwi nalang ako. Inirapan ko nalang si Xander nang magsalubong ang aming mga mata. Kung tusukin ko kaya ang mata niya ng maduling siya tsk.

"Ui Mandy, ikaw nalang ang mag storytelling please..." pamimilit sakin ng ka-officemate ko ring si Gemma.

"Okay." Tumango ako. Pumunta na ako sa gitna at umupo. At sinimulan ko ng basahin ang kwento. Mabuti nalang di ako nahirapan magbasa dahil tahimik lang ang mga bata na nakikinig.

Mga kalahating oras ko natapos basahin ang istoryang pambata.

"Ang galing mo palang magstorytelling, para kang si Ma'am Charo." sabi ni Gemma at napatawa naman ako. Kumain naman kami kasama ang mga madreng nangangalaga sa mga bata.

--

"Hi Ate! crush na po kita." May biglang sumulpot na batang lalake sa harapan ko at sinabi yon.

"Ano ka ba Noel! May asawa na siya." singit ng batang babae.

"Dalaga pa siya." giit ng batang lalake na nagpapacute sa'kin. Ang cute niya. Ang sarap pisilin sa pisngi.

"Ayun ang asawa niya oh." turo ng batang babae. Napangiwi na lang ako. Si Xander ang tinuturo niya at bigla nalang hinila nito si Xander palapit samin.

"Kuya, aagawin niya po ang asawa niyo." sabi niya kay Xander. Asawa? WTF!

Napangisi nalang si Xander at hindi manlang umangal. Umupo ako bigla sa batang babae para pantayan siya.

"Lil' girl, hindi ko siya asawa."

"Boyfriend pa lang po?" tanong niya. Mas lalo akong ngumiwi.

Umiling ako. "Hindi."

"Ang asawa niya ay yung maganda kanina, si ate Hannah." sabi ko at napatango naman siya.

"Yehey! Pwede ba kitang ligawan?" masayang tanong ng batang lalake sakin.

"Bata ka pa." sabi ko.

"Haist! Di na ako bata." Napakamot siya ng ulo.

Napaangat ako ng tingin kay Xander na nakangiti lang. Tss.. Pa cute.

Mga ilang oras naming itinagal sa ampunan ay nagpasya na kaming umalis.

Si Xander ay nasa frontseat samantalang kaming mga empleyado ay sa backseat ng van. Mga bandang hapon na kami nakabalik ng Maynila.

Bumaba na kami ng sasakyan at kinuha na namin ang mga gamit sa building para umuwi na.

Bumaba na ako ng tricycle. laking gulat ko nang nandito si Xander sa harapan ng bahay. Napatalon ako sa gulat at parang bigla na naman sumikip ang dibdib ko sa presensya niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Pinakita ko sakanya na balewala lang siya.

"Hindi pa ako nakakapagpaliwanag sayo." aniya.

Inirapan ko siya. "Ano pang ipapaliwanag mo?"

Nakita ko ang paglunok niya. "Pinakasalan ko siya dahil sa kagustuhan ng lolo ko na may sakit," aniya.

"I was left with no choice." nabasag ang boses niya. Matalim ko siyang tiningnan at umiwas naman siya ng tingin sakin.

"Matagal na yun. I'm already move on na." sabi ko at tinalikuran na siya. Pumasok na ako ng gate. At padabog na sinarado ang pinto.

Tss..

Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now