Chapter 31

584 21 0
                                    

Mandy's POV

"Hindi ka nababagay sa anak ko dahil isa kang hampaslupa!" galit niyang sambit.

"Alam kong pera lang ang habol mo sakanya!" dagdag niya pa.

Syempre imagination ko lang yun sa maaaring kahihinatnan ng pagkikita namin ng mommy ni xander. Kinabahan talaga ako nung ipinakilala na ako ni Xander bilang girlfriend sa mommy niya. Hindi ko sukat akalain na magugustuhan niya pala ako para sa anak niya.

"Anak saan ka galing ba't ginabi ka?" takang tanong ni nanay.

"Nay, ipinakilala na ako ni Xander sa mommy niya."

"Matapobre ba?" agad niyang tanong.

"Hindi naman!" sagot ko. Kung titignan ko ang mommy niya, ang ganda at napakabait pa.

**

Pagkagising ko ay nagmadali na akong nagayos dahil naghihintay na sa'kin si xander.

"Tara babe!" aya niya at umangkas na ako sakanyang motor.

Hindi pa kami nakakalayo nang may humarang saming bigla na itim na van sa daan dahilan upang tumigil si Xander sa pagpapatakbo ng motor.

"Fvck!" pagmumura ni Xander.

Bumaba ang mga nakasakay nito. Apat silang mga naka-mask ang mukha. Bumilis ang kalabog ng puso ko dahil may mga hawak silang baril.

"Sino kayo?" galit na tanong ni Xander.

"Kung ayaw mong iputok namin ito sa ulo niyo sumama kayo samin!" Pagbabanta ng lalake. Hinigpitan naman ni xander ang pagkakahawak sa kamay ko at naramdaman ko na lamang na may panyong tumakip sa bibig ko dahilan upang mahilo ako at mawalan ng malay.

**

Sa pagmulat ng aking mga mata, napansin kong nasa maling lugar ako. Nakagapos ang mga kamay ko sa likod. Iginala ko ang mga mata ko at nakita ko si xander na walang malay na nakaupo sa silya.

"Xander!" tawag ko at unti-unti namang dumilat ang kanyang mga mata.

"Mandy!" alalang tawag niya sa'kin at nagpupumiglas na siya dahil nakagapos ang kanyang mga kamay.

"Gising na pala si Xander the great, kuno!" bungad samin ng isang nakangising lalake. Sino siya? isa rin ba siyang kalaban na gang nila Xander

"Wag niyong sasaktan si mandy!" galit na sigaw ni Xander.

"Ako nalang ang saktan niyo!" dugtong niya.

"May sa pusa ka din eh noh! tinapon ka na namin sa dagat pero nabuhay ka pa palang hayop ka!" galit na sabi ng lalake na nanatiling nakangisi. Ah siya pala ang dahilan kung bakit sugatan si Xander.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong kasalanan sa pagkamatay ng magulang mo!" ani Xander.

"At hindi ko pakakasalan ang taong mahal mo dahil hindi ko siya gusto." Patuloy niya. Ang tinutukoy niya ba ay si Amina?

"Nagpakamatay si dad dahil sa pagbagsak ng kompanya, dahil sainyo." anang ng lalake.

"Wag!" sigaw ko nang tinutukan niya na ng baril si Xander.

"Kung unahin ko na kaya ang girlfriend mo." Nakangising sabi ng lalake at sa akin na itinutok ang baril.

"Wag fredo! ako nalang ang saktan mo wag sya!" pagmamakaawa ni Xander na bakas sakanyang mga mata ang pagaalala.

"Xander! hindi mo ba ako napansin? join forces na kami nila fredo." sabi ng isang lalakeng may hawak ng tubo.

Hinawi nitong fredo ang buhok ko at hinalikan bigla ang pisngi ko at hindi ako nakaiwas.

"Ang ganda pala ng girlfriend mo." Sabi niya kay Xander na ngayon ay nangangalaiti na sa galit.

"Sige na, simulan niyo na ang pagpapahirap sakanya!" Utos niya sa mga lalake.

"Wag! parang awa niyo na!" pagmamakaawa ko nang makita kong pinagsusuntok na si xander. Dumudugo na ang labi niya dahil sa pangbubugbog sakanya. Umiiyak nalang ako habang pinagmamasdan ang pagpapahirap nila kay xander. Wala akong magawa parang nadudurog ang puso ko sa natutunghayan ko.

Pilit akong nagpupumiglas sa pagkakatali sa'kin dito sa silya. Pumikit nalang ako dahil hindi ko kayang makita na nahihirapan si xander. Nagdasal ako sa mga oras na ito na sana makaligtas kami. Hanggang sa nakarinig na ako ng ingay. Nakita ko sila niel, harry, miko at justin na ngayon ay nakikipagpalitan na ng suntok sa mga lalake. Babarilin na sana nung fredo si Xander nang tapikin ito ni miko at pinagsusuntok niya ito.

Halos hindi ko na maibuka ang bibig ko dahil sa sobrang takot. Nakita ko si Xander na papalapit na sa akin at tinanggal ang pagkakagapos sa kamay ko.

"Xander!" Sigaw ko nang aambahan siya ng kutsilyo ng lalake. Buti nalang nakailag siya agad at pinagsusuntok niya ito.

"Halika na!" Hinila na ako ni Xander at lumabas na kami nitong warehouse.

"Dito ka lang ah!" sabi niya at iniwan na ako dito sa may pinto.

"Mag-iingat ka!" alalang sigaw ko kay Xander pagbalik niya sa loob. Sumilip ako sa pinto at nakita kong nagpapalitan parin ng suntok ang mga kaibigan ni Xander.

Parang napalundag ang puso ko sa gulat dahil sa putok ng baril at napatakip nalang ako ng kamay sa bibig nang makita kong nakabulagta na sa sahig si Niel.

Lalong bumilis ang kalabog ng puso ko nang makita si Xander na nakikipag-agawan ng baril kay Fredo. Pumutok ulit ang baril sa itaas at sinipa ng malakas ni Xander si Fredo upang maglupasay ito sa sahig. Hawak na ni Xander ang baril at nakatutok na ito kay Fredo. Gigil na pinaputukan ni xander si fredo sa paa para di na manlaban pa.

"Arrgh! hayop ka!" Galit na sigaw ni fredo habang hawak-hawak ang paa niyang may tama ng baril.

"Hi Mandy!" tawag sa'kin na nasa likod ko at agad naman akong humarap sakanya.

"Amina!" Gulat kong sabi nang makita siyang may hawak ng baril na nakatutok sa'kin. Ang mga mata niyang nanlilisik at ang baril na handa ng iputok.

"Lahat nalang inagaw mo sakin!ang korona at maging si Xander." Umiigting ang panga niya sa galit.

"Hindi ko kasalanan kung minahal ako ni Xander." sambit ko.

"Kailangan mo ng mawala!" gigil niyang sabi. Kasabay ng putok ng baril ang pagtulak sa'kin. Sinalo niya ang bala na dapat ay para sa akin.

"X-xander!" sigaw ko kasabay ng pag-agos ng mga luha ko. May tama siya sa kanang dibdib niya.

"Xander lumaban ka!" naiiyak na sabi ko habang hawak ko ng mahigpit ang kamay nya.

Napahagulgol na lamang ako nang pumikit na ang kanyang mga mata.

Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon