Chapter 3

1.5K 62 7
                                    

Mandy's POV

Maaga ako nagising dahil may pasok pa ako. Tulog pa si Nanay kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanya.

"Mandy? Sa'n ka pupunta?" tanong niya. Nakalimutan niya bang nag-aaral ako?

"Syempre mag aaral." sarkastiko kong sagot. "Oh sige. Bye!" paalam ko.

Sinundan n'ya ako hanggang sa paradahan ng traysikel. Pagkasakay ko sa isang traysikel, nakatanaw pa rin siya sa'kin habang kinakaway ang kanyang kamay kahit nasa malayo na ako. Haha! Para siyang tangek sa ginagawa niya.

***

"Hoy Bes! Ano, kumusta na si Naruto?" bungad na tanong sa'kin ni Gelai nang makapasok ako sa room.

"'Yun. May amnesia pa rin." balewalang sagot ko at umupo sa aking upuan.

"Sa tingin ko Bes, siya ang goblin mo at ikaw naman ang goblin's bride. Hihi!" kinikilig na sabi ni Mira at naghagikhikan sina Gelai at Jessa sa sinabi ni Mira.

Napangiwi na lang ako sa mga pinagsasabi nitong si Mira na goblin ko raw si Naruto at ako ang goblin's bride. Kaloka talaga 'tong mga kaibigan ko. Mga addict kasi sa k-drama.

"Eh paano naman si-" ani Jessa kaya napalingon ako kung sino'ng tinutukoy nito.

"Hi Mandy!" bati sa'kin ni Harold na may bulaklak sa kanyang mga kamay. Si Harold ay manliligaw ko. Ilang buwan na rin s'yang nanliligaw sa'kin.

Tinanggap ko naman ang inabot niyang bulaklak.

"S-salamat." nahihiyang sabi ko.

Ngumiti lang ito sa akin at umupo sa kanyang upuan. Halos mabingi naman ako nang magtilian ang tatlo. Tss. Parang sila pa ang binigyan ng bulaklak kesa sa'kin.

***

Nang uwian na, dumiretso na agad ako ng bahay. Hindi naman kasi ako mahilig magpagabi. Inaalok nga ako nila Bryan mag-bar-hopping pero sinabi kong next time na lang.

Parang nalaglag naman ang panga ko nang madatnan ko si Naruto sa bahay na naka-fitted-jeans at fitted white shirt na mas nagpagwapo sa kanya. Damit 'yan ni Papa na hindi na kasya kay Papa noon. Para siyang gangster sa porma niya dahil naka head tie pa talaga siya.

"Mandy, na-miss kita." sambit niya.

"Huh?" literal na napanganga ako sa sinabi niya. Ngumiti siya kaya lumabas ang dimples niya.

"Sumama pala ako kanina kila Mang Kanor na mangisda." aniya.

"Andami n'yang nahuling isda." dagdag niya pa.

"Si Nanay pala?" tanong ko.

"Ah, wala pa." sagot niya. Tumalikod s'ya sa'kin at nagtaka ako nang makitang may tattoo pala siya sa batok n'ya.

"Meron ka palang tattoo." sabi ko. Lumingon s'ya sa'kin.

"Ha?"

"Meron ka palang tatoo sa batok." ulit ko.

"Meron ba?" kumamot s'ya sa batok n'ya na parang hinahanap 'yung tatoo.

"Oo." sagot ko. Isang linggo na siya dito pero ngayon ko lang napansin na may tattoo pala siya sa batok. Para iyong shield na ewan. Ano kayang ibig sabihin no'n?

Kinagabihan, ako ulit ang nagluto at siya naman ulit ang naghugas ng pinagkainan namin. Pero napansin kong tahimik s'ya. Ni hindi man lang s'ya nagsasalita simula pa kanina hanggang sa matapos kaming kumain. Ano kayang iniisip niya?

***

"Mandy gising na, 'di ba may pasok ka pa?" gising ni Nanay habang niyuyugyog ako.

Agad naman akong bumangon at hinanda ang aking sarili para pumasok.

Pagkadating ko sa school, buti na lang 'di ako na-late sa klase. As usual, may bulaklak na naman ako galing sa manliligaw kong si Harold.

Ilang oras lang ang nakalipas, sa wakas, makakauwi na rin ako.

"Bye Mandy!" paalam ng mga kaibigan ko.

Sa paglalakad ko papuntang park para maghintay ng dadaang tricycle, nagulat ako at bumilis ang tibok ng puso ko nang may tatlong lalakeng lumapit sa akin.

"Hi Miss!" mapaglaro nilang sabi. Parang gusto kong takbuhan sila pero 'di ko magawa dahil nakaharang sila sa'kin.

"A-anong k-kailangan niyo?" kinakabahan kong tanong.

Hinawakan naman ako ng isang lalake at hinila ako sa madilim na lugar. Hindi ako makasigaw ng tulong dahil may nakatutok sa aking leeg na kutsilyo.

'God! Ito na ba ang katapusan ko?'

Napapikit na lang ako habang tahimik na nagdadasal. Nagtaka ako nang biglang nawala 'yung talim ng kutsilyo sa leeg ko.

Narinig ko na lang na parang may nagsusuntukan, at nang iminulat ko na ang aking mga mata, nakita ko ang tatlong lalake na nakahandusay na sa sahig. Nakatalikod pa ang nakapagpatumba sa tatlo at pagharap niya ay kitang-kita ko ang nanlilisik niyang mga mata sa galit.

"N-Naruto..."

***

to be continued...

Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon