kupit

1.5K 79 2
                                    


quickie as in quickie lang ito. kinailangan ko lang isulat. natuwa ako sa pagkwento ni tisoy kanina sa JFAAFJ tungkol sa pangungupit niya sa lola niya, pero not for selfish reasons. at hindi siya nahiyang ikwento iyon kanina, which is very admirable, kasi alam niyang he's gone a long way mula nung pangungupit days niya. you got an honest man there, meng. marry young MaiChard. 

***

hindi ko mapigilang aminin. kailangan ko nang aminin, kasi hindi na din naman kinakaya ng konsensya ko. sinabi ko na kay lola kanina, na ako yung kumukuha ng pera niya mula sa bag niya na nakalagay sa ulunan ng kama niya.

opo, 'la. alam ko pong doon ninyo tinatago ang pera ninyo. sorry na po.

pero maniwala po kayo, hindi ako magnanakaw.

ipinambayad ko naman iyon sa school service. pati na din para dun sa school projects namin na kung hindi ako nakapag-pasa eh hindi ako mabibigyan ng final grade. at saka din dun sa overdue ko sa library.

at para na din pang-date. hehe. pero hindi naman masyadong magastos yun, dun lang naman sa canteen kami, ibinili ko lang si crush ng empanada tsaka coke.

ayun nga lang, hindi naman ako sinagot eh.

pero 'la, matagal naman na yun. hindi ko naman na inulit mangupit sa inyo. di ba nga, nangako ako sa inyo at kay mama at dad na hindi ko na uulitin yun. at pagsusumikapan ko lahat ng bagay simula nun.

kaya nga di ba, kahit ilang raket ang pasukin ko, kahit minsan nagkakasakit na ako, basta para sa inyo, para sa pamilya ko, gagawin ko ang lahat.

malayo na ang narating ko 'la, mula nung nangupit ako sa inyo.

kaya nga kahit ngayon na medyo nakakaluwag-luwag na tayo, hindi pa din naman ako tumitigil eh. kasi may bago naman akong pinagsusumikapan na ngayon. alam nyo na.

pambayad pa din ng school service, ng school projects, at ... siguro hindi naman pang-date pa ni Athena kasi hahambalusin ko ang sinumang lalaking ide-date ang anak ko.

buti na lang 'la matipid ang asawa ko. bente pesos lang lagi ang iniiwan sa wallet ko. huwag lang matutong mangupit ang anak ko. lakas ng karma kapag nagkataon. tsk.



QuickiesWhere stories live. Discover now