beau-con

791 87 3
                                    

FICTION

***

walang kibo si meng habang inililigpit ang gown niya. pinipigilan niyang umiyak dahil natalo siya sa sinalihang beauty contest ng probinsya nila. hindi niya malaman kung saan ba siya pumalpak. ang bongga naman ng paglakad niya, hindi naman siya natapilok. matindi naman ang pag-awra niya habang naka-swimsuit. yung casual wear niya na maong shorts at jacket naman ay malakas ang pagpalakpak sa kanya. medyo masikip nga lang yung boots na suot niya kasi hiniram lang niya yun...

napangiwi siya nang mapagtanto na baka nga dahil sa paglalakad niya gamit ang hiniram na boots kung kaya hanggang 1st runner up lang siya kanina sa beau-con.

pero ang galing kaya ng sagot ko sa q & a! abot hanggang mata nga yung ngiti kanina ni alden richards eh!

hay, si alden richards. sayang, hindi tuloy siya nagkaron ng tsansa na maging ka-date ito, bilang isa yun sa mga premyo bukod sa pera. akala nga ni meng ay hindi siya makakasagot ng maayos sa q & a dahil ito mismo ang nabunot niya para magtanong sa kanya.

given the chance to save the world, what would you choose as a super power?

thank you for that wonderful question, mr. alden richards. i believe that anyone can save the world because we all have super powers, but we just choose not to use them to our maximum capabilities. that power is to love. because love makes the world go round, and love makes even the most difficult situation and people change for the better. so ladies and gentlemen, and mr. alden richards, i will choose to magnify this wonderful ssuperpower that we all have. and that is love. i thank you.

napapailing na lang siya habang inaalala ang isinagot niya kanina. kinuha niya ang boots sa ilalim ng mesa at habang isinusuot ito ay biglang pumasok at nagtitili ang kanyang pinsang si pochoy. muntik na siyang malaglag mula sa pagkakaupo.

"baklaaaaaahhhh!!! may naghahanap sa yo!!!!"

"ateng poch naman, huwag ka ngang manggulat. sinong naghahanap sa kin? yung pinagkakautangan ba ng nanay? sabihin mo next week na lang, hindi nga ako nanalo o, anong ipambabayad ko dun?!"

"gaga! hindi si aling ising ang naghahanap sa iyo, pina-ambush ko na yun kanina para hindi makapanggulo sa beau-con!"

"di nga?"

"charot. bakla, bilisan mo na diyan! hindi mo kakayanin kung sino naghahanap sa iyo!"

"sino nga kasi?! kelangan na natin umuwi o, baka mamya may sumugod na namang maniningil!"

"miss meng mendoza? ah, pwede ba kitang makausap kahit saglit?"

parehong natigilan ang magpinsan sa pagsilip ni alden richards sa kwarto. may ilang segundo na natahimik lang silang magpinsan hanggang sa napatili si pochoy.

"aaaaaahhhh! ayaaaaaannn! si alden richards ang naghahanap sa iyo!!! potaena bakla ang gwapooooo!!!"

nabatukan ni meng ang pinsan, sabay hinila at itinulak papalabas ng pinto. natatawa lang si alden habang hindi inaalisan ng tingin si meng. ini-lock ni meng ang pinto para hindi makapasok ulit ang pinsan.

menggay! may condom diyan sa bulsa ng bag ko! may lima pa diyan, gamitin nyo na muna!

hinampas na lang ni meng ang pinto para tumigil ang pinsan sa kabila ng pinto at hiyang-hiya na tiningnan si alden.

"pasensiya na alden richards sa pinsan ko ha. ipinaglihi sa umaatungal na baka yun eh. ah, ano nga pala ang kailangan mo? nagkamali ba kayo ng computation? ako ba talaga ang nanalo?"

"mas maganda ka pala kapag walang make-up."

"ha?"

"mas mukha kang totoong babae kapag walang bahid ng kulay ang mukha mo."

"aba teka nga, totoo naman akong babae ah! ano ba sa akala mo, bading ako? akala mo ba beki beau-con ang jinudge mo?!"

"ah, hindi. hahaha, pasensya na. ibig kong sabihin, mas nakakabighani ka kapag fresh faced ka. yung totoo, ikaw ang panalo para sa akin."

"weh. talaga ba?"

"totoo. pero siyempre hindi lang naman akong ang judge kanina."

"hmm. ok lang. marami pa namang beau-con na pwede salihan. meron nga ulit next week sa kabilang munisipyo. hala, baka ikaw din mag-judge dun ha!"

tinawanan na lang siya ni alden at nilapitan si meng. medyo napa-atras siya, ikinagulat ang paglapit ni alden.

"hindi na, pero may iaalok sana ako sa iyo."

biglang kinabahan si meng sa pananalita ni alden, kung kaya't kinuha niya ang kanyang bag at niyakap ito.

"hep, hanggang diyan ka lang. biro lang yung isinisigaw ng beki kong pinsan kanina, hindi ako ganung klase ng babae, alden richards! hindi porke ipinangangalandakan ko ang katawan ko kaninang swimsuit competition eh basta-basta na lang ako maghuhubad at ipapagamit ang katawan ko sa yo! naku naku naku!!! sinasabi ko sa iyo, kayang-kaya kitang sikaran! at ipaparating ko sa media ito!"

itinaas ni alden ang dalawang kamay niya, at maamong tiningnan si meng.

"hey, malinis ang intensyon ko! believe me! and i'm sorry kung ganun pala ang dating ng pagkakasabi ko, and i didn't mean to look at you rather lustily kanina in your yellow two-piece."

kumalma ng bahagya si meng, pero dahil sa lapit ni alden sa kanya ay hindi pa din niya mapabagal ang tibok ng puso niya.

"sige. pasensya na din. ano ba kasi talaga sadya ng isang alden richards sa akin? hindi naman nga ako ang nanalo."

"i like you meng. you have spunk. and kanina sa q & a, i was impressed. although alam ko namang manufactured na ang mga sagot ninyo sa mga ganitong contest, you had a way of making it really your own answer."

napangiti na lang si meng. wow, he likes me daw.

"and the drums playing, ang galing! i... i want to know you better, sana. so...i'm doing a new teleserye..."

"ay alam ko yan! aabangan ko iyan!"

"what i'm saying is...since i'm also partly the producer and director ng teleserye ko, gusto ko sanang alukin ka to be a part of it. a small role muna siguro, maybe one of my leading ladies."

natigilan na naman si meng sa pagkakarinig sa sinabi ni alden. tinapik siya ng bahagya ni alden sa balikat, at hindi na niya napigilan ang sarili na yumakap dito habang tumitili. malalakas na katok sa pinto at isang sumisigaw na bakla ang narinig nila.

pota baklah! masarap ba?!?

QuickiesWhere stories live. Discover now