Tampo

1.7K 114 10
                                    


"I'm here!"

"Uy, Tisoy!"

"Kumusta flight?"

"Ok lang Bossing. Si Meng po?"

"Andun sa kwarto niya, kanina pa namin niyaya mag-breakfast, ayaw bumaba."

"Hay naku, RJ, kausapin mo yang jowa mo, kahapon pa yan nagmu-mukmok."

"Ha? Bakit 'te Rubs? Alam naman niyang hindi ako makakasabay kahapon ah."

"Ewan ba, nung flight naman kahapon ok pa yan, nakikipaglaro pa kina Baste at Ryzza."

"Tsaka nakikipagkulitan pa kina Pao at Allan..."

"Pero kinagabihan, ayan na, umaabot na sa Victoria Peak ang nguso."

"May pinag-awayan ba kayo kagabi, RJ? Nakatutok lang kasi sa cellphone niya eh, baka naman nagtalo na naman kayo..."

"Wala naman Bossing, 'te Rubs. Nag-facetime lang kami kagabi tapos... ay susmaryosep! Sandali lang po, pupuntahan ko na muna."

...

"Mahal?"

"Hmm?"

"Huy. Andito na ko o...wala man lang kith?"

"Ewan sa yo."

"Huy naman! Kith lang o...bakit ba ganyan ka? Tungkol ba to sa..."

"Ewan sa yo!"

"Mahal naman eh...pag-usapan natin to..."

"Ewan sa yo! Nakakainis ka!"

"Susmaryosep naman mahal, maliit na bagay lang yun o! Bati na tayo..."

"Ewan sa yo! Bakit kasi ayaw mong magpatalo sa Everwing?!?"

QuickiesWhere stories live. Discover now