pag may alak...(2)

919 93 7
                                    


Dude, huwag mo namang i-hostage iyang bote! Mag-tagay ka naman!

Alas-nuwebe pa lang ng gabi pero nakaka-apat na ata kami ng brandy na dala-dala ko. Ako mismo ang nagyaya sa mga ka-opisina ko na mag-inuman kami dito sa inuupahan kong apartment. Biyernes naman ngayon, walang pasok bukas. Pwedeng magpaka-walwal hangga't gusto namin.

Ako din mismo ang may gusto na mag-walwal. Idinamay ko na lang sila para hindi naman ako masyadong magmukhang lasenggero. At ngayon lang naman ulit kami nagkayayaan mula noong gabing iyon.

Tatlong linggo na din mula noong gabing iyon.


***


"Putangina, Meng. Anong kagagahan ang ginawa mo?!"

Gusto ko na sana siyang lingunin pero minabuti ko na lang na manatiling nakahiga, magkunwaring natutulog pa din at hindi narinig ang mahina niyang pagmumura. Naramdaman ko siyang dahan-dahang tumayo mula sa kama, nagtungo sa CR, isinara ang pinto at doon ay paulit-ulit pa din niyang minumura ang sarili niya. Napabuntong-hininga na lang ako at bumangon na din.

Walang nangyari sa amin, klaruhin ko lang. Kahit pa kinulit niya ako na halikan ko siya at halos hubarin na niya ang kanyang damit sa harapan ko. Hindi sa dahil hindi ko siya gusto. Pambihira, malapit nang magwala ang alaga ko pero pinakalma ko lang, dahil hindi iyon tama. Hindi ko siya kayang pagsamantalahan habang lunod siya sa alak.

"Shit. Gising ka na."

Nakalabas na pala siya ng CR. Nakatulala pala ako habang tinitiklop ko ang kumot.

"Meng..."

"Jay, sorry kagabi. Ang baho ng CR mo, pasensya na, alam kong kagagawan ko yung suka doon. Di ko lang kayang linisin ha, baka masuka lang din ako ulit."

"Huwag mo na intindihin, may housekeeping naman. Ah, Meng..."

"At saka pasensya na din kung nasukahan kita. Bayaran ko na lang yung shirt mo."

"Walang kaso yun, Meng, di mo kailangan bayaran yun."

"At yung, ah, indecent proposal ko kagabi. Oo, natatandaan ko iyon, Jay. Pwedeng huwag na lang natin muna pag-usapan? Or huwag na lang talaga, period."

"Walang nangyari sa atin, Meng."

"Alam ko. Lasing ako pero alam kong tinanggihan mo ako. Kaya nga ako uminom eh, para mas may lakas ako ng loob na i-seduce ka sana. Kaso kagagahan ko, napasobra naman ako, siguro nga hindi ako ang trip mo. Pasensya na."

Natigilan ako. Paano mo sasagutin ang lantarang pag-amin sa iyo ng isang babae na gusto ka niyang akitin? Nakipag-pustahan kaya siya? O may iba pa kaya siyang motibo?

Umaasa ako na sana ay hindi ito pustahan lang.

Narinig ko na lang ang mahinang pagsara ng pinto. Umalis na pala siya habang tulala pa din ako.


***


Tatlong linggo mula noong huling nag-inuman kami, tatlong linggo din na hindi kami nagkausap. Iisa lang naman ang department namin, pero sadyang umiiwas siya sa akin. Kahit na panay ang pag-chat ko sa kanya. Seen-zoned. Tinatawagan ko din siya pero hindi niya ito sinasagot. Minsan pa nga ay tinitiyempuhan ko pa na papunta siya ng pantry para lang makausap, pero ito namang si Shaira palagi akong nahaharang.

Akala ko mga isang linggo lang niya ako hindi papansinin. Pero umabot nga ng tatlong linggo. Kaya nga nagyaya na lang ako ng inuman dito sa ibang mga mokong na hayok sa libreng alak. Niyaya ko ang buong department namin, baka sakaling dumating din siya.

Menggay! Jonar! Dali, may dalawang bote pa dito! Bakit ngayon lang kasi kayo dumating?

Teka, bakit kasama niya itong si Jonar na taga-kabilang department? At bakit ngayon lang sila? Saan sila galing?

"Nag-dinner pa kami, gago. Mahirap uminom ng walang laman ang tiyan 'no! Umusod nga kayo, magpa-upo naman kayo."

Nagsipag-ayos naman ng upo ang mga mokong habang nakatitig pa din ako sa kanya. At alam kong umiiwas siya ng tingin sa kin. Hinila ko ang isang upuan.

"Dito ka na Meng."

Ayan, tumingin din siya.

O, dun ka daw Meng. Dito ka na Jonar. Ano, kaya mo ba ang brandy? Baka sakaling dumaloy ang dugo dyan sa mukha mo kapag nasayaran ng alak! Hindi ka ata sanay uminom eh!

Hinila ng mga mokong paupo si Jonar. Wala ka nang choice, Meng, dito ka talaga uupo sa tabi ko. Nginitian niya ako habang papalapit siya. Para akong nahulasan.

"Parang nakakarami na kayo ah."

"Apat pa lang."

Kinuha nya ang bote mula sa kamay ko at nagtagay. Akala ko ay tutunggain na niya ito nang bigla niya itong iniabot kay Jonar.

"Sa iyo muna, Jo. Hindi pa kaya ng sikmura ko eh."

Kinuha naman ni Jonar ang tagay at tumungga. At muntik pa itong ibuga.

"Ang tapang naman pala niyan!"

"Natural, hard eh."

Kinuha ko na ulit ang bote mula kay Meng at tumungga mula dito.

Huy, huwag mong ubusin!

Jay, gago ka ba, sunog ang lalamunan mo dyan!

Buksan na natin yung isa pa, mukhang ise-straight ni Jay eh!

Habang binubuksan na nila ang isa pang bote ay naramdaman ko ang pag-ikot ng paligid. Hinawakan ko ang hita ni Meng. Tiningnan niya ako ng masama.

"Ano? Masarap ba?"

"Ako? O ikaw?"

Pilit niyang kinukuha ang bote na hawak ko pero hinawi ko ang kamay niya. Muntik na akong matumba. Tinawanan pa ako ng mga gago, pero si Jonar, masama ang tingin sa akin.

"Punyeta Jay, umayos ka nga."

"Maayos naman ako, pero bakit nagbago ka?"

"Jay."

"Bakit di mo sinasagot mga chat ko? Mga tawag ko?"

"Jay, isa..."

"Bakit kasama mo itong si Jonar putla? Matagal na ba kayong magkakilala?"

"Dalawa..."

"Tatlo! Pung! Ano, dun na tayo sa kwarto? Tara, baka magbago pa ang isip mo."

PAK!

Aray. Inasahan ko na sasampalin niya ako pero hindi ko inakala na sa lakas ay babagsak ako mula sa upuan ko. At nagtawanan pa din ang mga gago naming ka-opisina. Nilapitan kami ni Jonar at tinulungan akong tumayo.

Ipinagtaka ko na itinulak siya ni Meng palayo.

"Ako na! Halika na nga! Gusto mo sa kuwarto?! Tara sa kuwarto!"

QuickiesWhere stories live. Discover now