pag may alak...

973 107 4
                                    


"Dito ka lang..."

Lasing na talaga siya. Limang bote ng beer na ang nainom niya, pero dinire-diretso ba naman. Sabay chaser ng gin. Maling kumbinasyon. Ayan tuloy.

Pero bakit ang bango pa din niya? Kapag yung ibang barkada namin ang yumayapos sa akin kahit isang bote pa lang, amoy chico na talaga? Siya...amoy bagong paligo pa din. Kahit may tatlong oras na mula nang nagsimula kami mag-inuman.

"Padantay nga, nahihilo na ko..."

Isinukbit niya ang kamay niya sa balikat ko at dumikit pang lalo sa akin. Gusto ko na siyang kalungin at i-hele, gusto ko siyang alagaan na lang at ilayo mula dito habang patuloy na nagkakasiyahan pa ang iba naming mga kasama. Habang patuloy pa din silang nagbubukas ng panibagong bote ng beer, at sadya kong iniiwas na lang ang mga iniaalok sa kanya.

"Ako na ang sasalo niyan, hindi na nito kaya o..."

"Hindi! Kaya ko pa! Akin na yan! Whoa, huwag kang malikot Jay!"

"Meng, hindi nga ako makagalaw o, nakakulong na ko sa mga braso mo."

"Wow! Sorry ha! Akala ko ba gusto mo yung clingy? Di ba gusto mo yung todo pulupot ni Shaira sa iyo?"

Umiling ako, pero humirit na ng pagkantiyaw ang mga kasama namin.

"Hmp. Ewan sa iyo..." Bigla siyang tumayo pero gumewang siya at muntik nang matumba. At napaupo na nga siya sa kandungan ko, dahilan para lalong lumakas ang pangangantiyaw ng mga kasama namin.

Dalhin mo na sa kwarto iyan!

Huwag mo na pakawalan, Jay! Go, go. go!

Pagkakataon mo na dude!

Hoy Menggay, kunwari ka pang nahilo!

"Mga bwisit kayo! Makalayas na nga..." Umakma siyang tatayo pero ni hindi na niya mai-angat ang sarili niya mula sa pagkakaupo. Pilit niya akong tinutulak. Latang-lata na nga pero gusto pang magpakitang gilas.

"Meng, hindi mo na nga kaya o. Ihahatid na kita sa kwarto."

"At ano?! Nakantiyawan ka lang bibigay ka naman agad?! HOY! Sinasabi ko sa iyo Pokerson, kahit nahihilo ako, matino pa din ang takbo ng utak ko...ugh...umph..."

At nagmistula na nga akong lababo habang iniluluwa niya ang kalahati ng mga ininom at kinain niya ngayong gabi.

"Ugh...ano ba Jay...ikaw kasi eh..." Tuluyan siyang nawalan ng malay. Binuhat ko na siya, kasama ng lahat ng isinuka niya na nararamdaman kong dumidikit na ang amoy sa damit at katawan ko. Inilayo ko na siya at tinungo ang kwarto habang panay ang sigaw at pangangantiyaw ng mga kasama namin.

Akma kong bubuksan ang kwarto nang bumukas ang pinto. Si Shaira.

"Hey Jay, I was waiting for you...Eew! Si Menggay ba yan? She smells awful!"

Nagkataon namang naalimpungatan ang buhat-buhat kong katawan.

"Putangina mong landi ka, kung maka-eew ka...ibaba mo nga ako, Jay! Lalapirutin ko lang itong babaitang ito...Hoy! Ibaba mo ako sabi eh!"

"Meng, lasing ka..."

"Owehno ngayon?! Kaya ko pa ding krumpalin ang pagmumukha nyang malanding hitad na yan! Ano ba?! Ibaba mo ako sabi eh!"

"My goodness Jay, iwan mo na nga lang siya dito. Let's go to my room."

Tiningnan ko si Shaira ng may pagtataka. Naramdaman ko na lang na binatukan ako ni Meng, sabay nagpumiglas para makababa.

"Aba'y siya! Sige! Magsama kayong mga haliparot kayo! Iwan nyo na ako dito. At ikaw babae ka, kaunting pino naman! Yung pagiging agresibo mo eh nakakadiri na!"

"Yuck, ikaw kaya ang nakakadiri. Look at you!"

"Look at me ka diyan! Look at you ka din! Ugh..."

Hindi pa pala naubos ang inilabas niyang suka kanina, wari ba'y sadyang itinira pa niya ang kalahati para lang kay Shaira. Natural, ikinagalit ito ni Shaira.

"Shit, shit, shit! This is my favorite shirt! You ruined it, you..you..."

"You-kinam shit ka din! Nakakasuka ka kasi..."

Tiningnan lang ako ni Shaira ng may inis at pagaatubili kung magpapatulong ba siya o tatakbo na lang palayo. Habang hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa na lang sa kanya. Naramdaman kong nanlambot na naman si Meng, kung kaya't kinabig ko siyang muli sa may bewang at ikinawing ang kanyang braso sa balikat ko.

"Jay?! Don't tell me na siya pa din ang tutulungan mo?! Just look at me!"

"Mas kaya mo namang magpunta sa kwarto mo, di ba? Nakarami na kasi si Meng ng ininom, mas kailangan siyang alalayan, baka kung ano pa mangyari sa kanya."

"But..."

"Ba't ang shunga mong makaintindi, Shaira? Shupi ka na dyan...ugh..."

Naduduwal na naman si Meng kung kaya't ipinasok ko na lang siya sa kwarto. Dinala ko siya sa kama pero itinulak niya ako.

"Teka, teka..."

"Meng, wala akong gagawin sa iyo, kailangan mo lang mahiga para mawala ang hilo mo."

"Gago, mas kailangan kong mag-CR."

Dumiretso siya sa CR at agad na tinungo ang trono. Sinundan ko siya at hinawi ang buhok niya habang halos yakapin na niya ang bowl at nakangudngod na ang mukha niya dito. Hinagod ko ang likod niya habang inilalabas pa din ang lahat ng ininom niya, maging ang mga kinain ata niya mula pa noong dumating kami kahapon dito sa resort.

Nagdidikit-dikit na sa magkahalong suka at pawis ang buhok niya, pero malambot pa din ito. Ilang minuto na kaming nakaluhod sa harapan ng bowl. Tumigil na din siya sa pag-duwal, pero hindi pa din siya umaalis sa pagkakayakap sa bowl.

"Meng? Kaya mo na bang tumayo? Maghilamos ka na muna tapos mahiga ka na sa kama."

Hindi siya kumikibo, maliban sa malalim na paghinga niya. Hindi pa din siya umaalis sa pagkakayuko sa trono.

"Meng? May ilalabas ka pa ba? Nahihilo ka pa din ba? Ikuha kita ng tuwalya, dito ka lang."

Binasa ko ang tuwalya na nakasampay sa may gilid ng paliguan, at binalikan siya sa pagkaka-upo.

"Meng, punasan ko muna ang mukha mo."

Unti-unti nyang iniangat ang kanyang ulo at tumingin sa akin.

"Jay...halikan mo ako..."


***


maikli lang ito, hindi ito isang buong kwento, tatapusin ko sa loob lang ng tatlong kabanata. pasensya na, huwag kayo masyado umasa, kailangan ko lang siyang mailabas. pero sana matuwa pa din kayo. kung hindi man, ok lang din. salamat pa din.

QuickiesWhere stories live. Discover now