[THREE- Dream]

3.8K 111 141
                                    

Nagising ako bigla

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

Nagising ako bigla.

Panaginip lang ang lahat.

Joke ko lang talaga yun, di kami nagcommute ng sabay, di rin kami kumuha ng costume.

Hahaha saya ko lang kung nagkatotoo yun. Pero kahit naman totoo yun alam ko namang di niya ko kakausapin. Wala akong chance kay Jungkook.

Yung mga pangyayaring yun, parte lang ng imahinasyon ko yun. Pero sana one day magkatotoo yun.

Haha lakas ko ba mangarap? Thanks.

Papunta talaga ako sa bahay ni Rose ngayon. Saturday at walang pasok.

Nag-doorbell muna ako at binuksan naman ng mommy niya yung gate.

"Oh Lisa ikaw pala yan, andun si Rose sa loob."

May dala akong fruit and sandwiches na alam kong favorite ni Rose. Pumasok na ako ng kwarto niya at andun siya, nanonood ng tv.

"Hi Lisa!"

"Hi friend! Magaling ka na ba?" Tanong ko.

"Oo medyo okay na ko." Sabi niya tapos nilapag ko yung mga dala ko sa table at umupo sa bed niya.

"Edi papasok ka na sa monday?"

"Oo siyempre. Alam mo ba, si Jin yung naghatid sakin sa clinic nung isang araw tapos binalikan niya ko nung uwian tapos may dala siyang pagkain!!" Masaya niyang kwento.

Buti pa siya masaya lovelife.

"Good to hear! Kelan mo ba kasi sasagutin yang suitor mo?" Tanong ko.

"Basta darating din tayo diyan." Sagot niya.

Kung ako sayo sasagutin ko na yan. I mean, ang swerte mo kasi na ganyan magiging boyfriend mo.

Ako naman kasi, tanggap ko na na hanggang one sided love lang ako. Tanggap ko naman na hindi ako magugustuhan ni Jungkook kahit anong pilit ko.

Okay lang, marami pang lalaki diyan. Di naman kay Jungkook umiikot ang mundo ko, sadyang nawawalan lang ako ng sense of chill sa tuwing nandiyan siya.

To be honest parang nagiging inspiration ko siya. Ginagalingan ko lagi sa written works and recitation para mapansin niya ko. Sana effective.

Hahaha the benefits of having your crush as your classmate.

"Huy Lisa!"

Ay anyare.

"Baket?"

"Tinatanong kita kung ano quizzes and homeworks, bakit bigla ka natulala?"

Ay tinatanong mo ba, sorry hehe busy ako sa aking mga iniisip.

"Sa english may quiz, tapos sa History magreview ka kasi magre-recitation si Miss." Sagot ko.

School Love Affair Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora