[THIRTY FIVE- Sadness]

1.3K 49 12
                                    

Jisoo's POV

Namimili ako ng susuotin kong damit ngayon kasi balak kong mag-mall muna. Ang tagal ko na rin di nakakapag-mall sa sobrang dami ng ginagawa namin.

Sakto namang nag-ring yung phone ko, at nakita kong si Jin yung tumatawag.

"Hello?"

"Jisoo?"

Hearing that voice, it makes me feel relieved. Pero may iba ring pakiramdam na ibinibigay ang boses niya sa akin. Parang kahit gaano man kaganda pakinggan yung boses niya, pakiramdam ko hindi ako yung dapat nakikinig doon.

"Bakit ka tumawag?"

"Anong ginagawa mo?"

"Pupunta akong
mall, bakit?"

"Hintayin mo ko diyan,
sasamahan kita."

"Ha?"

Pero agad nang naputol yung call.

Bakit ako sasamahan ni Jin? Curious lang.

Nagbihis na ako ng maayos at hinintay nalang yung text or yung tawag niya.

Nang marinig kong nag-ring yung phone ko ay agad ko yung sinagot.

"Hmm?"

"Andito na ko sa harap."

"Sige bababa
nako."

Kinuha ko na yung bag ko at naglakad palabas ng bahay kung saan naghihintay si Jin. Binuksan niya yung pinto ng kotse niya para sakin bago siya pumasok.

Gumagamit lang ako ng cellphone para may mapagkaabalahan. Wala rin ako sa mood makipagusap sa kanya. Sa totoo lang, medyo nahihiya ako.

Pagkarating namin sa mall, agad kong pinuntahan yung Department Store.

Napahinto ako sa pamimili ng damit nang mapansin kong may tinitignan si Jin na dress sa kabilang side. Agad ko siyang nilapitan.

"Gusto mo yatang suotin iyan?" Pabiro kong tanong.

Napatingin naman siya sakin at bahagyang napatawa.

"Hindi, naalala ko lang. Dapat may pagbibigyan ako ng dress na iyan." Napa-smile siya bitterly at umiwas nalang ng tingin sa dress na yun.

"Nakapili ka na ba? Gusto mo tumingin pa tayo sa iba?" Tanong niya naman.

"Si Rose?" Bigla kong natanong.

Agad akong natauhan sa tinanong ko. Napapikit nalang ako nang marealize kong hindi ko pala dapat tinanong yun.

"Ummm, oo nakapili na ko. Parang gusto kong pumunta sa mga jewelry naman." Sagot ko sa tanong niya kanina.

Pumunta na kami sa part ng department store kung saan may mga jewelry. Gusto ko sanang maghanap ng magandang bracelet na may cute na teddy bear na charm.

School Love Affair Where stories live. Discover now