[FORTY ONE- She Will Be Loved]

1.9K 56 22
                                    

◇◇◇

Rose's POV

Buti nalang at nakapag-uwi ako ng dress at make-up dito dahil hindi ko naman ineexpect na may party ang batch namin after ng graduation.

Buti nalang din at pwede akong pumunta, namimiss ko na rin yung iba kong batchmates at masaya rin akong makita sila.

Si mama lang ang kasama kong umuwi dito at nagpatulong ako sa kanyang mag-ayos. Nasabi ko na rin sa kanya na nagpaliwanag na kami ni Jin sa isa't isa. Ang sabi naman niya, basta daw masaya ako, pumapayag siya.

Susunduin daw ako ni Jin dito para sabay kaming pumunta doon sa school dahil doon din mismo gaganapin ang party.

Nang marinig ko ang busina ng kotse niya, inayos ko na ang sarili ko at nagmadaling bumaba.

"Dahan-dahan naman Rose." Sabi ni mommy.

Pagbukas ko ng gate, nakita ko si Jin na nakasuot ng polo. Nakatayo siya sa labas ng kotse niya.

Kumaway siya sakin at tumingin siya sa mom ko, kinawayan niya rin ito.

"Hi po tita." Bati niya dito.

"Ingatan mo anak ko, pag nasaktan pa ulit yan ikaw ang sasaktan ko." Paalala ni mommy pero tumawa rin naman siya pagkatapos.

"Sige na, mag-iingat kayo. Huwag papagabi masyado." Sabi ni mommy at pinagbuksan ako ni Jin ng pinto at pumasok na rin ako.

Habang nasa kotse kami, naalala ko kung paano kami dati, nung wala pa kaming problema.

"Dati naglalakad lang tayo, ngayon kotse na. Level up." Sabi ko.

"Hindi pa kasi ako kampante na ipag-drive ka dati kaya hindi ko ginagamit 'to, pero ngayon maayos na akong mag-drive." Sagot naman niya.

"Namimiss ko na yung mga street food dito, naalala mo pa ba yung suki mong tindera?" Tanong ko.

"Oo naman, palagi ka kaya niyang tinatanong sakin." Sagot niya.

"Kamusta Australia? May lumalapit ba sayong lalaki doon?" Ngayon siya naman ang nagtanong. At wow lalaking lumalapit sakin? Meron ehehehhe.

"Dami kayang lumalapit na lalaki sakin doon. Ganda ganda ko eh."

Nagulat ako nang bigla niyang i-preno yung sasakyan. Napahawak ako sa hawakan sa itaas ng pinto.

"Jusko maka-preno ka naman."

"Sino yun ha?" Seryosong tanong niya sakin. Nakakatakot tignan yung mukha niya kasi parang anytime makakapatay siya ng tao.

Joke lang naman kasi yung sinabi ko.

"J-Joke lang kasi. Hindi naman ganun karami." Kabadong sagot ko.

Tumingin na ulit siya sa harap at nagmaneho na ulit. Jusko grabe naman pala magselos 'tong lalaking 'to.

"Isa lang, si Chanyeol." Napatingin uli siya sakin pero hindi naman siya pumreno ulit.

"Pero magkaibigan lang kami." Dagdag ko. Baka isipin nanaman niya ano eh.

"Ahh." Sambit niya. Maya-maya naririnig ko siyang tumatawa. Yung tawa niyang nakakabaliw.

"Natakot ka ba kanina? Sorry HAHAHHAHAHA yung itsura mo kanina para kang HAHAHAHHAHAHAHA."

Feeling ko masasamid na 'tong lalaking 'to anytime. Ang wagas makatawa grabe ha.

School Love Affair Where stories live. Discover now