[TWENTY FIVE- Questions]

1.4K 68 27
                                    

Alam kong paborito ni Jennie ang lugaw kaya maaga akong gumising at bumili ako sa karinderia ng lugaw bago ako sumaglit sa ospital

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Alam kong paborito ni Jennie ang lugaw kaya maaga akong gumising at bumili ako sa karinderia ng lugaw bago ako sumaglit sa ospital.

Pagpasok ko sa kwarto ni Jennie, nakita kong tulog pa siya. Nilipat ko muna yung lugaw mula sa plastic papunta sa mangkok. Kumuha na rin ako ng tubig.

"Jennie." Mahina kong tawag. Nakita kong minulat niya ang mga mata niya at ngumiti siya sa akin.

"Good Morning." Bati ko sa kanya.

"Bakit ka pumunta? Diba may pasok ka?" Tanong niya sakin at tinignan niya ang watch ko para icheck yung oras. Maaga pa naman eh.

"Maaga pa naman. Sinabi mo sakin nung isang araw na gusto mong kumain ng lugaw diba? Ito binili kita ng lugaw." Sagot ko at kinuha ko yung lugaw mula sa gilid.

Nakita kong ngumiti siya at bumangon siya para makaupo siya sa bed at sumandal siya sa pader.

Kumuha ako ng isang kutsara ng lugaw at hinipan ko muna yun tsaka ko yun dahan-dahang inilapit sa bibig niya.

"Ang sarap." Sabi niya sakin habang nakangiti pa rin siya.

"Dahil diyan, araw-araw kitang dadalhan." Sabi ko naman sa kanya.

"Salamat." Sabi naman niya sakin. Sinubuan ko naman siya uli ng lugaw.

"Pero, may kondisyon ako." Sabi ko.

"Ano?"

"Araw-araw kitang dadalhan ng pagkain pero ipangako mo sakin na pananatilihin mo iyang masayang ngiti mo." Sabi ko sa kanya.

"Deal?" Tanong ko at inilahad ko ang kamay ko para makipag-handshake sa kanya.

"Deal." Sagot niya at nakipagkamay sakin.

"Good." Sabi ko naman at sinubuan ko siya ulit ng lugaw.

"Sa tuwing ngingiti ka ng ganyan, nababawasan ang mga oras na malungkot ka, at napapalitan ito ng kasiyahan, ng pagasa. Sa tuwing ngingiti ka ng ganyan, malakas ang laban mo sa sakit mo. Malakas at matapang ka. At kahit nasasaktan ka," Sabi ko sa kanya at huminto muna ako saglit at tinignan siya ng diretso sa mga mata niya.

"Andito ako para ipaalala sayo na hindi mo kailangan masaktan mag-isa." Sambit ko.

" Sambit ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
School Love Affair Where stories live. Discover now