[THIRTY- Pain]

1.4K 59 45
                                    

◇◇◇

Namjoon's POV

Maaga nanamang umuwi si Yoongi. Pinaghihinalaan ko na yung lalaking yun eh, ang aga agang lumalabas ng school. Palagi kaming naiiwan ni Hoseok pero iniiwan din naman niya ako kasi daw pupuntahan niya si Momo.

Ako naman nag-sstay muna sa library para magbasa basa ng konti. Because you know, I'm genius.

Ilang minuto lang lumabas na rin ako ng library at naglakad patungo sa labas ng school. Nag-jeep lang ako papunta sa kanto ng street namin tapos maglalakad na ako papunta sa bahay.

Tahimik lang akong naglalakad sa streets pero may nakita akong isang babaeng nakaupo sa tabi. Para tuloy siyang pulubi, pero umiiyak siya.

Nang makapaglakad pa ako at mas makita ko siya ng malapitan ay narinig kong umiiyak nga siya.

Dapat ko ba siyang kausapin?

"Umm miss, okay ka lang?" Tanong ko.

Tumingala siya sa akin at doon ko nakita yung itsura niya.

Maikli lang yung buhok niya pero bagay niya at ang ganda niya pa rin. Ang puti rin niya.

"Oo naman okay lang ako. Hiniwalayan ako ng boyfriend ko kaya natural lang na maging okay ako. Mamaya nga magpapa-fiesta ako sa sobrang saya eh, gusto mong pumunta?" Sarkastikong tanong niya at sala pinunasan yung luha niya.

"Hiniwalayan ka ng boyfriend mo? Bakit naman?" Tanong ko.

Di naman sa interesado ako pero alangan namang iwan ko lang siya dito pagkatapos kong itanong kung okay lang siya.

"Kasi mahal na mahal niya ako, kaya niya ako hiniwalayan. Ano ba? Siyempre kasi nagsasawa na siya sakin kaya ayan wala na kami ahuhuhhu." Nagpatuloy siya sa pag-iyak.

"Try mong magpahaba ng buhok, baka sakaling balikan ka niya. Mukha ka kasing lalaki kaya siguro inayawan ka." Biro ko.

"Aba walanghiya ka ah! Gusto mong ingudngod kita sa pader? Kasalanan ko bang palagi akong hinihila ng nanay ko sa barber shop sa tuwing makikita niyang humahaba na yung buhok ko?" Inis na sabi niya habang hinahampas ako.

Aray ang sakit naman. Lalaki nga yata 'to eh.

"Alam mo, kung iiyak ka lang, huwag na sa labas. Mapagkakamalan ka kasing pulubing nawawalan ng nanay." Biro ko sa kanya.

Tawa ka please.

"Alam mo, kung mang-aasar ka lang, pabayaan mo na ako dito. Hayaan mo akong umiyak dito dahil crying is good for the soul." Saad naman niya.

"Alam mo kung anong good for the soul? Magsimba ka."

"Nagsisimba ako para sa kaalaman mo. Pero umalis ka lang sa harapan ko pwede ba? Naiinsulto mo ako eh. Bumalik ka na sa bahay mo at huwag ka nang lalabas." Inis na sabi niya at saka ako pinagtutulak.

Wala nalang akong nagawa kundi maglakad nalang papalayo sa kanya dahil natatakot na rin akong ilibing niya ako ng buhay.

Nasa bahay na ako nang maalala kong may nakalimutan akong gawin kanina.

School Love Affair Where stories live. Discover now