[SEVENTEEN- Home]

1.5K 62 12
                                    

Pagpasok ko sa gate ng school namin agad kong nakita si Jin na nakaupo sa may mga upuan sa gilid kaya naman nilapitan ko siya agad

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Pagpasok ko sa gate ng school namin agad kong nakita si Jin na nakaupo sa may mga upuan sa gilid kaya naman nilapitan ko siya agad.

At yung magaling kong kapatid? Hayaan mo siya. May sarili akong buhay, edi pumasok na siya at iwan niya kami dito.

"Hi Jin, kamusta na? Nagustuhan ba ni Rose yung dress?" Tanong ko. Napayuko lang siya at sa tingin ko hindi maganda yung sasabihin niya.

"Nakaalis na siya na hindi ko nabibigay yung dress." Sagot niya.

Nakaalis? Saan naman siya nagpunta?

"Saan siya nagpunta?" Tanong ko.

"Sa Australia. Doon na daw sila titira at kung babalik man siya dito, magbabakasyon lang." Sagot niya.

Actually natutuwa ako, I don't know. Ibig sabihin nito mas malaki ang chance ko na makuha si Jin dahil wala na si Rose.

"Edi, break na kayo? Or long distance relationship?" I asked.

Siguro hindi pa sila tuluyang nagbreak, I mean hindi naman siguro sila susuko ng ganun ganun nalang. Si Rose pa, alam ko namang hindi niya kaya hiwalayan si Jin.

"Eto, nagtitiis na hindi kami magkita." Yun ang sinagot niya, so ibig sabihin LDR nga sila?

Bakit kasi hindi pa kayo tuluyang nagbreak? Edi sana andito ako para saluhin si Jin diba? At para ako na yung sunod niyang ligawan huehue.

"Can you?" Tanong ko.

Napatingin siya sakin at bahagyang ngumiti.

"Oo, kakayanin hangga't alam kong mahal namin ang isa't isa." Sagot niya na medyo masakit para sakin.

"You must really love her." Bulong ko habang tinitignan yung dalawang magjowa na naglalabdian sa kabilang chair.

"Yeah I do." Sambit niya at sakto namang nagring na yung bell kaya nagmadali na kaming pumasok ng classroom.

Nakita ko naman si Taehyung na kasalukuyang nagrereview para sa quiz namin mamaya. Hmm, maistorbo nga.

"Good Morning Taehyung." Bati ko. Medyo good mood pa rin naman ako kasi kahit papaano nagusap kami ni Jin.

"Hi Jisoo, may dala akong pichi-pichi. Gusto mo?" Tanong niya.

What is pichi-pichi?

Sarangpichi-pichi?

[luh nananahimik ako dito]

"Umm sure. Can I see?" Tanong ko at kinuha naman niya sa bag niya yung isang box na may pichi-pichi.

Ahh para pala siyang mga puto. Kakanin ba tawag dun? Basta yun.

"Patikim ako." Sabi ko at kumuha ng isa gamit yung fork na binigay niya sakin. Nang matikman ko yun, agad akong nasarapan.

School Love Affair Donde viven las historias. Descúbrelo ahora