[TEN- Affection]

1.9K 64 39
                                    

Naglalakad na ako pauwi nang makita ko si Jungkook na kumakain magisa sa Bok Chicken

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naglalakad na ako pauwi nang makita ko si Jungkook na kumakain magisa sa Bok Chicken.

Nakakaawa naman, mag-isa lang, kaya pumasok nalang rin ako para samahan siya.

"Bakit mag-isa ka diyan? Stand out tuloy iyang ilong mo." Sabi ko sa kanya at umupo na ko sa tapat niya.

"Wala naman akong kasama eh, maaga umuwi si Jennie." Sagot niya.

"Si Jennie ba lagi mong kasama sa mga foodtrip mo?" Tanong ko.

"Oo, kahit saan kasama ko yun. Mas matakaw pa nga sakin yun eh." Sagot niya.

"Ang dami niyo pala talagang pinagsamahan ni Jennie." Sabi ko.

"Oo, siya kasi yung pinakaunang kaibigan ko eh. Dati kasi wala naman akong kasama masyado."

Si Jennie pa rin talaga yung hinahanap niya.

"Ngayon iba na, hindi ko na alam yung mga nangyayari sa kanya." Dagdag niya pa.

"May dahilan ang lahat, Jungkook. Intindihin mo nalang si Jennie. Tsaka andito naman kami eh, hindi ka nagiisa sa buhay." Payo ko.

Ngumiti naman siya.

"Thank you."

Naisipan kong ibahin nalang yung usapan para hindi naman siya mailang.

"Nakakainggit ka, oorder na nga rin ako." Sabi ko at tsaka tumayo at pumunta sa counter para bumili rin ng pagkain ko, pagbalik ko, todo pa rin siya ng kain.

"Ang takaw mo naman." Sambit ko.

"Mas matakaw ka." Sagot niya.

"Woow, nakita mo na ba akong kumain?" Tanong ko.

"Oo." Sagot niya. "Nung isang araw, tinitignan kita sa kabilang table sa canteen habang kumakain ka."

Tinitignan niya ako sa canteen habang kumakain ako?

Tinitignan niya ako?

"Bakit mo ako tinitignan? Crush mo ako ano?" Joke ko. Kapal ng mukha kong sabihin iyan pero baka masaktan lang ako sa sagot niya.

"Oo." Sagot niyang nakakamatay tapos bigla siyang tumawa kaya nakitawa nalang rin ako.

Joke lang yun, I can feel it.

"Naniwala ka naman." Natatawang sabi niya.

"Asus, di naman kapani-paniwala yung sinabi mo. Wala namang nagkakagusto sakin eh." Sagot ko.

"Akala mo lang iyun." Sabi niya bago sumipsip sa straw ng juice niya.

"Totoo naman eh, at ang masaklap pa, yung taong gusto ko hindi rin ako gusto tsaka may gusto siyang iba." dagdag ko pa.

School Love Affair Where stories live. Discover now