[FIFTEEN- Tears]

1.4K 96 3
                                    

Dapat ba akong matuwa? Maiyak? Magalit? Maguilty?

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.


Dapat ba akong matuwa? Maiyak? Magalit? Maguilty?

Hindi ko alam, basta umiiyak ako ngayon.

Hindi ko kasi alam kung papaano ko sasabihin sa kanya na mamamatay nako, na hindi na ako magtatagal, na iiwan ko na siya, at hindi niya alam kung gaano katagal kong pinangarap na sabihin niya yung mga salitang sinabi niya kanina.

Nasaktan ko si Jungkook, nasaktan ko ang bestfriend ko.

Nasaktan ko ang taong alam kung sino ako.

At higit sa lahat nasaktan ko ang lalaking gusto ko, at nagkataong gusto rin ako.

Pero hindi dapat, hindi pwede.

Ayokong bigyan siya ng isang relasyong hindi magtatagal.

Ayokong mangako ng habambuhay dahil hindi iyon mangyayari.

Ayoko siyang bigyan ng pansamantalang kaligayahan.

At ayokong mas mahirapan siyang tanggapin na mawawala na ako.

Hindi ko kayang makitang nasasaktan si Jungkook. Dahil bawat pagkakataong nakikita ko siyang nasasaktan ay nasasaktan din ako.

Hindi kami ang karapat-dapat para sa isa't isa.

Kung may itinadhana man para sa kanya, si Lisa yun, ang bestfriend ko din.

Nakita ko kung paano gumagawa ng effort si Lisa para lang mapansin siya ni Jungkook, nakikita ko na handa si Lisa kahit alam niyang hindi sa kanya nakatingin si Jungkook.

Si Lisa ang tadhana ni Jungkook.

At tanggap ko ang tadhanang hindi na ako magtatagal.

Patawad Jungkook kung hindi ko nasabi sayo na mahal din kita, na ikaw pa rin ang pipiliin ko.

Pero hindi ko na kayang lumaban, dahil talo na ako.

At kapag pinilit kong maging kami, mawawalan ako ng isang kaibigan.

Iniyak ko nalang lahat. Lahat ng sakit, ng inis, ng pagsisi, iniyak ko lahat. Laman ng bawat patak ng luha ko ang bigat ng nararamdaman ko.

Hanggang sa tuluyan nang dumilim ang paningin ko.

Kung ito na ang katapusan ko, Jungkook, patawarin moko, mahal kita.

Kung ito na ang katapusan ko, Jungkook, patawarin moko, mahal kita

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.


Napagkasunduan namin ni Jin na dito magkita sa may fishpond.

Nauna siyang dumating. Nakita ko siyang nakaupo na sa usual na inuupuan namin na bench.

Agad ko siyang tinabihan at niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko kayang kumalas, hindi ko siya kayang iwan.

"Rose anong nangyayari?" Tanong niya.

"Jin.." Sabi ko habang umiiyak. Nararamdaman kong nababasa yung damit niya sa mga luha ko pero wala akongpakielam.

"Rose anong nangyari sayo?" Tanong niya.

Kumalas muna ako sa yakap at tinignan siya, hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit.

"Jin ang sabi ng magulang ko lilipat na daw kami sa Australia." Paliwanag ko.

Bakas sa mukha niya na nagulat din siya.

"Ha? Bakit ka pumayag?" Tanong niya.

"Hindi ko rin alam ang tungkol dito. Basta ang sabi nila mom, in-enroll na daw nila ako sa school dun." Sagot ko.

"Jin ayoko." Sabi ko at niyakap siya muli.

"Huwag ka nang umiyak, hihintayin naman kita eh." Sabi niya habang hinihimas yung likod ko at naramdaman ko ring hinalikan niya yung noo ko.

"Hindi Jin. Sawa na akong maging sunod-sunuran ng magulang ko." Sabi ko at kumalas muna ako sa yakap.

"Kung siguro may pagkakataon para ako naman ang manalo, ngayon na yun." Dagdag ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.

"Jin, gusto kong magtanan tayo." sabi ko at hinawakan ko muli ang kamay niya.

"Rose hindi ko magagawa iyan, malaki ang respeto ko sayo at sa pamilya mo. Hindi natin dapat gawin itan dahil pagsisisihan lang natin." Sabi niya.

Pati ba naman siya?

"Jin, mahal kita at ayaw kitang iwan." Sabi ko.

"Hindi mo naman ako iiwan, magkakalayo lang tayo pero kailanman alam kong hindi mo ko iiwan." Sabi niya at napangiti ako.

"Hihintayin kita." Sabi niya.

"Paano kung mainip ka? Susukuan mo na ba ko?" Tanong ko.

"Hindi kita susukuan." Sagot niya, ramdam ko namang sincere siya.

Naiyak ako ulit at niyakap ko siya ulit. Sa mga panahong 'to tanging yakap lang niya ang nagpapagaan ng loob ko.

Sabay muli naming pinanood ang sunset at nilubos na namin ang mga panahong magkasama pa kami.

Dahil hindi ko alam kung may pag-asa pa bang maging kami kahit wala kami sa tabi ng isa't isa.

Pero alam kong ang pagmamahalan namin ang magiging lakas namin para lumaban pa.

Pero alam kong ang pagmamahalan namin ang magiging lakas namin para lumaban pa

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Short update lang 'to hehez.

Thank you sa mga nagvovote and nagiinspire sakin na magupdate.

School Love Affair Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang