[AUTHOR'S NOTE]

1.6K 50 21
                                    

Okay pangungunahan na kita,
Kung ayaw mo ng:

-mahabang message
-madrama
-storytelling
-10000 na thank you

Then please don't continue, kase andami ko talagang gustong sabihin pero baka wala naman kayong pake kaya okay lang. Just let me take this opportunity para pasalamatan kayong lahat.

•••••••


Okay so hello sa lahat!!

Di ko alam kung paano 'to sisimulan, pero first of all let me say THANK YOU TO THE POWER OF 100000000.

Thank you dahil naglaan kayo ng oras para basahin 'tong story ko, thank you kasi umabot kayo hanggang dito sa dulo. Thank you kasi nagtiyaga kayong magintay ng updates kahit yung iba sobrang tagal abutin.

Sorry nga pala kung di ko naabot yung expectations niyo, I myself may mga worries din ako regarding this story. Natatakot ako minsan na baka hindi maging maganda yung kinalabasan, baka ma-disappoint ko kayo ganon. Kasi naghintay kayo ng update pagkatapos hindi naman pala worth it. I have those worries.

Pero sobrang thank you talaga sa inyong lahat!! Ang dami kong na-experience, natutunan sa pagsulat ng story na 'to.

First of all na-mention ko naman sa introduction na yung initial plot nito is dapat sa isang One Direction fanfic namin ng beshie ko. And then hindi ko nasulat so I thought of making it a BTS and Blackpink Fanfiction.

And then nagdagdag nalang ako ng mga ibang plot, stories, scenarios, twists ganon.

And at first I didn't really care about reads. Kasi ang mindset ko nung sinimulan ko 'to, kahit walang magbasa okay lang, basta matapos ko 'to ng maayos.

Sayang naman kasi yung mga naiisip natin na story kung di naman pala natin matatapos diba?

So I did write this story and edited everything, the covers, the POVS na tinigilan ko na nung nagkaroon ako ng bagong phone kasi maglilipat pa ko ng mga pics, edi wag nalang HAHAHA.

And I admit hindi naman siya ganun ka-successful nung una. But I'm happy. I'm happy whenever I see an improvement in the number of reads. Kasi parang bonus nalang yun para sakin, ang importante talaga ay matapos ko 'to.

Mga september siguro or august, after two months of writing, nagpahinga ako sa wattpad. I had thoughts of discontinuing the story, pero ang naisip ko, "diba sabi ko tatapusin ko 'to?"

Kaya by October yata, I continued the story. That time, I think mga 400+ or something yung reads. Or I think mago-one thousand. Not sure eh.

And that's when everything started LOL WHAT AHAHAHHAHAHAHA.

When I reached 1000 reads, ang saya ko non. Kasi for the first time I feel like my story is getting appreciation. And it motivated me to write better chapters, better plot, better scenes.

Kaya kung napapansin niyo, inaannounce ko sa mga chapter kung nakaka3000 na, 4000 or what.

Kasi sobrang thankful ako. Sobrang nagpapasalamat ako sa inyo na naging parte ng journey ko habang sinusulat ko to.

And whenever may madadagdag na one thousand reads, nagpopost ako ng message HAHAHA TIGNAN NYO WALL KO SIGE.

Kasi I'm really surprised. Di ko pa rin talaga maimagine na may nararating yung mga story ko.

School Love Affair Where stories live. Discover now